Kinabukasan, may bisitang dumating sa bahay, maganda siya in fairness, mukhang mayaman sosyal ang dating kaya lang mukhang manequin na sa sobrang kapal ng make-up. Napakasaya niyang sinunggaban ng yakap si Jake na nakatayo sa harap ng gate. Humalik pa ito sa pisngi at kalakas ng boses na sumigaw “Hi baby, I miss you!” Mukhang isang dosenang maskara yata ang nilagay sa pilikmata kasi nangangapal at ang nguso naman niya ay kasing-kapal din ng nguso ng bibe dahil sa kapal ng lipstik. Jusko, pati ang damit kinulang sa tela dahil litaw na ang lahat na dapat ay nakatago. Nakakaimbyerna itong babaeng ito, pero mas naloka ako sa sarili ko dahil heto ako sa isang sulok hawak ang walis tambo, I was supposed to clean my room but here I was, naiinis sa nakikita kong eksena. Why am so mad anyway? “

