“Opo, kaya lang may dinaanan po siya Tita kaya nauna na kami dito,” sagot ni Jake saka binalingan si Hannah. “Sige dito muna kayo, lalabas muna ako titingnan ko ang Mommy mo.” Naiwan na silang dalawa dahil lumabas na nga ito. Hinabol naman ni Hannah ang Mama niya na palabas na ng kwarto. “Anak, samahan mo si Jake doon, babalik din ako agad,” aniya sabay tapik sa balikat ni Hannah. “Hayaan na muna natin siya Ma, para naman may time siya na makausap at mabantayan Daddy niya.” “Kunsabagay, siyangapala kamusta naman kayo sa bahay, sabi ni Kumare mainitin daw ulo niyan si Jake hindi ka ba pinagdidiskitahan?” “Ah hindi naman po,” mabilis kong sagot pero umiwas ako ng tingin ibinaba ko tingin sa hallway dahil alam ko malalaman niya na nagsisinungaling ako kapag nagkataon. “Hay salamat n

