Chapter 18: VVBank

2559 Words
Dumating si Mrs. Diwa ang guro namin. "PJ pinapatawag ka ng Principal." "Bakit po Ma'am?" "May sasabihin lang siguro sa iyo." Lahat tuloy ng classmate ko nakatingin sa akin. Hindi ko alam bakit ako pinatatawag ng Principal, lumabas ako ng classroom at tinungo ko ang Office niya. Kumatok ako bago pumasok. "Mr. Sebastian come in." "Sir pinatawag niyo daw po ako?" "Oo Mr. Sebastian, may tumawag kasi sa akin na malapit na kaibigan." "Pinagpaalam ka niya sa akin na i-excuse daw kita sa susunod na subject mo, mag-open ka daw ng Bank Account Mr. Sebastian." "Opo Sir kailangan ko nga po mag-open ng Bank Account." "Isa ka palang bayani sa nakaraang rade malapit sa inyo, kaya pumayag ako kinausap ko narin ang teacher mo tungkol dito." "Sige na makakabalik ka na sa klase mo." Salamat po sir. "Walang anu man." "Sir pwede ko malaman sino po ang kaibigan na tumawag sa inyo?" "Ahh, yun ba, si Mayor kinausap daw siya ng anak niya kaya tawagan ako, mabait na bata talaga si Jenny at balita ko kaibigan mo siya." "Ang mga ganoong kaibigan Mr. Sebastian ang huwag mo ilalayo sa iyo, isang mabuting kaibigan." "Salamat po Sir, babalik na po ako sa klase ko." "Ang galing mo Lolo bumenta sa akin ang palabas mo. {"Apo marapi ka pang kakaining bigas, easy lang sa akin yan."} Bumalik ako sa klase namin, nagsimula na si Ma'am magturo. Pumasok ako at na upo ako sa silya ko, tumango lang sa akin si Ma'am ng makita ako. Nakinig ako sa discussion. "Ma'am excuse me po, pwede ko po ba makausap si PJ kahit sandali lang po?" Paalam ng isang magandang babae at lahat ng classmates ko nakatingin sa kanya. Abala ako sa pagkopya ng nakasulat sa blackboard kaya hindi ko napansin ang babae. "PJ may gustong kumausap sa iyo." Isang magandang babae na nakauniform ng ibang school ang nakita ko, hindi ko agad ito mamukhaan. Tumayo ako at tinungo ko ang pintuan. "Hi!.. PJ." Kinilabutan ako ang mukhang anghel pala na ito ay si Tina pala. Pasensya na hindi kita nakilala, ang aga mo naman wala ka bang klase? Gumanda ba ako PJ, ginugol ko kasi ang week ends ko sa pagpapaganda." "Mukhang effective naman sa iyo, may klase ako pero ok lang na hindi ako pumasok." "I have connections PJ." "Ohh! sige, hihintayin kita doon sa kotse ko." Tinuro niya ang isang white Mini Cooper, ang lupit ng kotse niya astig. "Ang ganda ng kotse mo Tina." "Ibibigay ko sa iyo yan, kung sagutin mo ako." "Hmmm!.. ok lang ako, hindi ko kailangan yan hindi naman ako marunong mag-drive." "Sige babalik na ako sa klase ko, sa recess na lang tayo magkita." Bumalik ako sa klase ko at pinagtinginan ako ng classmates ko. Bumalik ako sa upuan ko at muli akong nagsulat. "Pre ang ganda nun sino yun?" tanong sa akin ni Ivan." Type mo ba Ivan gusto mo pakilala kita mamaya?" "Oo pre type ko siya, sige pakilala mo ako mamaya." "Panalo ako kapag naging girlfriend ko ang kasing ganda nun" bulong ni Ivan sa akin. Nakinig ulit ako kay Ma'am at pinag patuloy ko ang pagkopya ng nakasulat sa blackboard. {"Pj si Lolo mo ito, pakinggan mo ang iniisip ni Christina bilis."} Pinakinggan ko agad iniisip ni Tina. ("Patay ka ngayon kapag nainom mo itong juice na ito, makatulog ka at pipikutin na kita PJ." "Akin ka lang PJ, akin ka lang!") "Salamat Lolo sa babala mo sa akin." {"Walang anuman Apo ingat ka palagi."} Tumunog ang bell recess na, kinuha ko ang sandwich na bigay ni Sam at nanghingi ako ng juice kay Jenifer. Binulsa ko ang sobre na may laman na cheke. "Tara Ivan, papakilala kita kay Christina." "Paki hawak nga itong juice ko Ivan, gutom na ako eh." At tinungo namin ang kotse ni Tina. Kinain ko habang naglalakad ang sandwich na bigay ni Sam. Nang malapit na kami kinuha ko na ang juice kay Ivan. Bumaba sa sa kotse si Tina inubos ko ang sandwich at ininom ko ang juice ko. Masama ang tingin ni Tina sa juice na hawak ko. "Christina si Ivan classmate ko, Ivan si Christina friend ko." Nagkamay ang dalawa pero masama ang loob ni Tina, pero sobrang saya naman si Ivan. "Sige aalis na kami ni PJ, nice to meet you Ivan." "Nice to meet you too Christina, pwede makuha cellphone number mo?" Nagbigay naman si Tina ang cellphone number. Sumakay ako sa harap ng kotse, sumunod naman si Tina na sumakay na tumatawa pa. "Masaya ka yata Tina, nagkamabutihan na ba kayo ni Ivan?" Lumapit sa akin si Tina parang hahalikan ako pero hihilahin lang pala niya ang seat belt sa gilid ko. "Mag-seat belt ka para safe PJ, masaya lang ako kasi naloko ko si Ivan. Binigyan ko siya ng number ng manliligaw ko. Napalunok ako sa ginawa ni Tina, nag-init talaga ako dun. Ang ganda ganda niya talaga ngayon nakakapanibago ang kinis kinis ng kutis niya. Nag-seatbelt din si Tina at ini-start ang makina ng kotse. Maganda naman talaga si Tina lalo ngayon lumabas mukha sa bagong style ng buhok niya, bagong gupit kasi siya at bumagay talaga sa kanya. "Huwag mo ako katitigan baka malusaw ako niyan PJ." "Bagay kasi ang gupit mo sa iyo lalo kang gumanda, hindi tuloy kita nakilala." "Baka nauuhaw ka may juice pa ako diyan." "Hindi ko nga maubos tong akin ohh!" sabay alog ko ng juice ko. Sumimangot si Tina ramdam ko sa ang frustration niya. Hinatak ko si Tina at hinalikan ko siya. Nakakalibog ang ganda niya, mapusok agad ang halikan namin. Ang laki ng ngiti ni Tina ng maghiwalay ang labi namin. "Saang bangko ka ba pupunta sa bayan PJ?" "Saan ba maganda bangko mag-open ng Account Tina?" "Sa iyo ba PJ?" "Oo! mag-open account lang ako kaya nagpasama ako sa iyo, baka kasi may alam ka." "Doon ka na lang sa bangko namin PJ, doon ka na lang mag-open ng account para walang pila." "Ang yaman niyo pala Tina may sarili kayong bangko." "Magiging akin lahat nang yan kaya sagutin mo na ako, para magbuhay mayaman ka PJ." "Sige doon na lang ako mag-open Account sa bangko niyo Tina." "Magkano ba i-open Account mo para malaman ko kung pasok ka sa Passbook o ATM Account PJ." "Two!.. Tina." "Two thousand lang pala, wala pa sa kalahati ng allowance ko yun araw-araw PJ." "Two Million Tina, hindi two thousand." "Two Million!.. wow!.. mas madami ka pa lang pera sa akin PJ." Hininto ni Tina sa tapat ng bangko nila ang kotse, sa VVBank. "Tara PJ para wala nang pila ako mismo ang sasama sa iyo." "Wait may tatawagan lang ako, sige pasok kana Tina." Binuksan ko ang sobre at tinawagan ko ang number ni Mayor. PJ ; "Good morning po Mayor, si PJ po ito." Mayor ; "Ohh PJ, good morning din. "Mag-open ka na ba ng Account mo, anong banko ba ang napili mo?" PJ ; "Opo! Mayor mag-open na po ako ng account, maganda po ba sa VVBank Mayor?" Mayor - "Oo magandang bangko yan, yan din ang banko ko." "Kilala ko ang may-ari niyan." PJ ; "Sige po Mayor salamat po." Mayor ; "Basta pakita mo I'd ko may sulat din ako diyan para mabilis ang process." Pj ; "Salamat po ulit Mayor, bye!.. po." Namatay na ang tawag, pumasok ako sa banko at kinakawayan ako ni Tina. Lumapit ako kay Tina at pinakilala niya ako sa Manager. "PJ si Auntie Fely Manager ng banko namin, Auntie si PJ boyfriend ko." "Hindi na ako kumibo at hindi na ako nakipagkamay pa bumati na lang ako." "Kamusta po." "Tita na lang itawag mo sa akin PJ, pang oldies na kasi ang Auntie." "PJ may I'd ka ba kahit school I'd pwede na." Binigay ko ang sobre at I'd ko pinakita ko din ang sulat ni Mayor at xerox ng I'd ni Mayor. "Kilala mo pala si Ernesto?" tanong ni Auntie Fely ni Tina. "Opo! Auntie, ex ng anak ni Mayor ang boyfriend kong si PJ. "Ex mo pala si Jenny inaanak ko pa naman yun, bakit kayo nagkahiwalay?" "Itanung niyo po kay Tina, alam po niya." "Natawa na lang si Auntie Fely niya." "Hindi ka parin nagbabago Tina." Kinurot niya sa pisngi si Tina. "Ouch!.. masakit Auntie." "Paki permahan mo dito iho at dito lahat ng may check." Pinermahan ko lahat ng may check at binalik ko kay Tita Fely. "Paki hintay na lang PJ, i-print na lang yung details sa Passbook mo." "PJ gusto mo ba na i-time deposit ang pera mo para kumita." "Opo!.. paki time deposit na lang po Tita." "Ok! i-time deposit ko muna ng six months, baka kailanganin mo ang pera, pwede mo na ma withdraw pagkatapos ng six months." "Salamat po Tita Fely." "Tina salamat sa pagsama mo sa akin, ang laki nang naitulong mo sa akin ngayon." "Wala iyon kung sinasagot mo ako hindi lang tulong ibibigay ko sa iyo, kundi kaginhawahan sa buhay PJ." "Alam mo Tina hindi lang pera ang mahalaga sa buhay ng tao, kailangan mo din nang tapat at maasahang kaibigan." "Yun lang ang maibibigay ko sa iyo, wala pa kasi sa isip ko ang pakikipagrelasyon." "Kami ni Jenny magbestfried lang kami, baka gusto mo sumali." "Kaibigan, hindi ako papayag na kaibigan mo lang ako PJ." "Ayoko ng may kahati gusto ko akin ka lang PJ." Pinag titinginan na kami ni Tina sa loob ng banko dahil medyo malakas ang boses niya. Buti na lang at tinawag ang pangalan ko sa counter na wala pasamantala ang tingin ng tao sa akin. Nakuha ko na ang passbook ko. "Thank po" sabi ko sa teller na nagpapa-cute pa sa akin. Lumapit ako kay Tina. "Tapos na Tina paki hatid na ako sa school namin, may klase pa kasi ako." "Meryenda mo muna tayo PJ, gutom na ako eh." "Baka may klase ka pa, hatid mo na ako doon na lang sa canteen namin tayo kumain." "PJ ayoko doon, ang cheap sa lugar na iyon baka katihin pa ako doon." "Bakit ka naman kakatihin, ang sarap kaya ng pagkain doon?" "Basta may allergy ako sa lugar na ganun, ew!" "Saan mo naman gusto Tina?" "Wala kasi akong dalang pera eh." "Ako na ang bahala malapit lang naman ang bahay namin dito, doon na lang tayo magmeryenda." Pinakinggan ko iniisip ni Tina, wala naman siya masamang binabalak. "Sige sa inyo na lang para hindi ka na gumastos, may tao ba sa inyo Tina?" "Meron nandun si Mommy, papakilala kita." "Eh si daddy mo na saan?" "Nasa Manila si Daddy mas maganda nandun siya, lagi niya kasing sina saktan si Mommy." "Mabait ba Mommy mo Tina?" "Oo! sobra pero si Daddy sa akin lang mabait, pati mga kasambahay namin pinagbubuhatan niya ng kamay." "Lahat tuloy ng tao sa bahay namin takot sa kanya." "Mas magandang wala siya, kasi kawawa si Mommy kapag nandito siya sa probinsya." "Ano naman ginagawa ng Daddy mo sa Manila?" "Eh.. ano pa ba ang ginagawa ng mga lalaki kapag hindi nila kasama asawa nila o girlfriend nila?" "Eh!.. di nang babae di ba ganya kayong mga lalaki, malingat lang kami may nilalandi na kayong iba." "Lumabas muna tayo dito ang lakas ng boses mo Tina." "Eh.. totoo naman ahh!.. babaero kayong lahat." Tinakpan ko bibig ni Tina at hinila ko siya palabas. "Ngayon ka magtatalak, huwag doon kasi alam na nila yun." "Totoo lang sinasabi ko walang matinong lalaki lahat sira, ikaw nga eh!.. apat kaming kinalantari mo doon kala Jenny." "Kung matino ka hindi ka papayag." "Kung hindi ako pumayag, si Jenny naman kakalantariin ng mga boyfriend niyo." "Gagong b***h! naman kasi si Jenny, malandi kasi at lahat gusto tikman." "I give her a taste of her own medicine, tinanggalan ko siya ng kinababaliwan niya at ikaw yun." "Balita ko nga lalong bumait ang gaga lahat ng nakaaway niya, pati sa akin nagsorry. "Pero pasensya siya pinatikim ka niya sa akin PJ." Dinilaan ko ang braso ko at ninamnam ko ito. "Maalat naman ako, hindi ako masarap Tina." "Dahan-dahan na naningkit ang mga mata ni Tina at nagsimulang tumawa ng malakas pati guard ng bangko na tawa sa amin. Nadinig pala niya ang usapan namin ni Tina, sa lakas ba naman ng boses ni Tina. "Halika na Tina punta na tayo sa inyo." Nakita ko si Tina hawak na ang tiyan at naka upo na. Ang babaw lang pala patawanin ni Tina, parangka lang siya at sinasabi niya ang lahat saloobin niya. Sumakay na kami ng kotse ni Tina, nakangiti parin siya. "Salamat PJ sobra ang tawa ko doon nawala ang stress ko, sana lagi kitang kasama PJ." Hindi na ako sumagot. Pinaandar na ni Tina ang makina, sinuot na namin ang seatbelt at tinungo na namin ang bahay nila Tina. Dalawang kanto lang pala ang layo sa bangko ang bahay nila. Pumasok kami sa isang gate na bantay ng guard, nakilala agad ng guard ang sasakyan ni Tina at pinapasok kami. Malayo pa ang bahay nila sa gate, ang lawak ng lupain nila pantay pantay ang damo parang sa golf course, at ang ganda ng hardin nila. Nakapunta na ako dito hindi ko lang alam kung kailan, huminto sa garahe ang kotse ni Tina. Ang laki ng garahe nila at ang dami nakaparadang mamahaling sasakyan, may Ferrari pa na kulay pula at dilaw. "Lolo sa iyo po ba lahat ito?" tanong ko sa isip ko kay Lolo. {"Lahat yan sa pera ko at sa negosyo ko galing, may vault pa ako sa loob ng bahay PJ." "Hindi ko sinabi ito kay Vicente, sa inyong lahat iyan Apo ng mga kapatid mo."} "PJ huwag kang matulala labas palang yan, tara sa loob." Pinto palang parang mamahalin na, maganda ang design nito parang sinauna. Pinindot ni Tina ang combination lock sa pinto at bumukas ito. Sinaulo ko ang pinindot na code ni Tina sa pinto. "Mommy! nandito na kami." "Tuloy kayo! tuloy.. may nagsalita habang may bumaba sa hagdanan. Ang ganda ng Nanay ni Tina parang magkapatid lang sila, pero halata din pasa nito sa gilid ng labi. "Mommy si PJ magiging boyfriend ko, PJ si Mommy Fe ko." "Pwede ba yung Mommy mo na lang maging girlfriend ko Tina?" sabay halik ko sa kamay ng Mommy ni Tina. Nanginig ang Mommy ni Tina huli ka tumalab sa kanya ang Powers ko. "Mommy ok ka lang?" "Baka napagod lang ako sa pagbaba ng hagdanan Tina." "Tita na lang ang itawag mo sa akin iho, tara punta tayo sa kusina." Naka dress pa si Tita Fe kahit nasa bahay lang, napaka elegante niya." Pumasok kami sa isang bahagi ng bahay may mahabang dining table kasya yata dalawampong katao, pero hind kami upo doon. May pintuan sa gilid papasok sa kusina pagpasok namin may maliit na lamesa at doon kami umupo. Pumasok ang isang nakauniform na kasambahay may edad na ito kamukha ni Tita Fe. "Tita Nena si PJ po magiging boyfriend ko, PJ si Tita Nena ko kapatid ni Mommy." "Himala ngayon ka lang nagdala ng boyfriend mo dito mukhang iba siya ahh." "Oo! nga ano iba din kinang ng mata mo parang pasko na" biro ni Tita Fe. "Oy!.. ayeee!.. ayeee!..." tukso ni Tita Nena at Tita Fe kay Tina. "Huwag nga kayong ano! diyan hindi pa nga kami, pakipot pa kasi ang lalaking ito eh." "Ano!.. busted ka sa lalaking yan?" sigaw ni Tita Nena. Itutuloy!...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD