|CHAPTER THIRTY| DALAWANG linggo ang lumipas at nagsimula na kaming maging abala sa kasal ni Lauren bukas. Marami akong inasikaso. Pati ang magiging suot ko sa kasal ay bumili pa ako. Thank God everything is fine and ready. Nagpapatuyo ako sa buhok ko para sa pagtulog nang tumunong ang aking cellphone. Pinulot ko 'yon at nakitang si David ang tumatawag. "Hi!" Bati niya kaagad nang sinagot ko 'yon. "Hello David! Kamusta?" Tanong ko at umupo sa kama. "I'm fine! You? Si Ashleigh?" Tanong niya rin. "We're fine too. Si Ashleigh natutulog na so hindi na kayo makakapag-usap." Ani ko. "Okay lang. Ikaw naman talaga ang sadya ko." Aniya na nagpakunot saaking noo. "Why?" I asked. "Pupunta ako diyan sa Italy. Pasakay na ako ng eroplano. I have a wedding to attend and I heard na restaurant m

