|CHAPTER TWENTY TWO| TULALA ako habang nakaupo sa kama namin ni Ashton. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari saamin ni David. Halos hindi ko na napapansin si Ashton at alam kong nahahalata na nito ang inaakto ko ngayon. Paulit-ulit rin ang mga tanong ko. Kung bakit gano'n ang nangyari saamin? Sinadya ba 'yon? At kung sino naman ang gagawa saamin no'n? Napapikit ako ng mariin at muli nalang na napadilat nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Ashton na seryoso ang mukha. "Are you okay?" Tanong niya nang makalapit saakin at umupo sa tabi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at hindi sumagot. Ano kaya ang magiging reaskyon nito kapag nalaman niya ang naging tagpo namin ni David? "Do you have a problem?" Tanong nito ulit pero hindi parin ako umimik. Hinawakan nito ang b

