|CHAPTER TWENTY| AFTER a week, palaging nakabuntot saakin si Ashton. At ang rason niya ay baka mapano daw ako dahil buntis. Pero paulit-ulit kong sinasabi sakaniya na okay lang ako pero ayaw niya talaga huminto. Hindi na nga niya ako halos pinapalabas ng condo. Kahit pag-uwi ko sa bahay ay kailangan kasama siya. Pati sa pagtatrabaho ko ay hindi ako pinapayagan. Medyo nakakaramdam ako ng inis pero naiiintindihan ko rin naman siya. Buti nalang nga ngayon dahil napapayag ko siyang pumunta sa opisina niya dahil may meeting with the boards ito ngayon. Bilin niya pa nga na hindi ako pwede lumabas pero gusto kong mamasyal at umuwi sa bahay. Sinuway ko ang sinabi nito at tinext nalang na aalis ako. Naghanda ako, naligo, nagbihis, nag-ayos ng sarili at pagkatapos ay natanto ko nalang na pinagma

