|CHAPTER NINE|
GUMISING akong ramdam na may nakatanday na mabibigat saakin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakitang si Ashton 'yon. Ang kamay nito ay nakayakap saakin haban ang isang binti nito ay nakadantay.
Napangiti ako at hinagod siya ng tingin.
Napakaamo ng mukha nito kapag natutulog. Ang buhok niya ay medyo magulo pero mas gwapo ito tignan.
Sigurado akong isa 'yon sa mga dahilan kung ba't ko siya nagustuhan. At ngayon...matapos pakinggan ang mga eksplenasyon niya. Handa na ako. Handa na ulit akong...mahalin siya.
Inilapit ko ang kamay ko sa buhok niya at hinagod 'yon. Ilang ulit ko 'yong ginagawa hanggang sa dahan-dahang nagmulat ito ng mga mata at nagising.
"Good morning baby..." Nakangiti nitong bati na sinuklian ko rin ng ngiti.
"Good morning." Sagot ko.
"Are you hungry?" Tanong nito.
Sa pagbanggit niya no'n ay doon na ako nakaramdam ng gutom. Kaya tumango ako.
"Yeah..." Sagot ko ulit.
"Me too baby. I'm hungry. I want to eat...you." Bigla itong ngumisi na ikinangiwi ko.
"Na naman? Eh halos hindi mo ako tigilan kagabi eh!" Maktol ko pero tumawa lang siya at piningot ang ilong ko.
"Just kidding." Aniya na tumatawa.
Inirapan ko lang siya at hinawi ang kamay at binti nito.
"Maliligo na ako." Turan ko at tumayo.
"Can I join you?" Tanong niya ulit habang nakahiga parin.
"So p*****t Ashton!" Turan ko na ikinatawa na naman nito.
Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha ng towel at mga damit.
Madali lang akong natapos sa pagligo at nagbihis kaagad.
Lumabas na ako ng banyo at nadatnan si Ashton na nakahiga parin at nakatitig sa kawalan. Pero nang makita akong nakalabas na ay binalingan ako nito at ngumiti.
"Done?" Tanong niya at tumango lang ako.
"Maligo ka na rin. Bababa na ako para matulungan si manang." Sabi ko na ikinatango niya lang.
Bumaba na nga ako at nadatnan si Manang na naghahanda sa dining room.
"Good morning manang!" Bati ko sabay ngiti.
Bumaling naman ito saakin at ngumiti din.
"Magandang umaga. Si Ashton? Kumain na kayo." Turan nito na nilapitan ko at isa-isang tinignan ang mga niluto ni Manang.
Mga usual na mga ulam 'yon kapag agahan. Bigla akong naglaway. Ewan ko pero sa gutom yata ito.
"Bababa na rin po 'yon si Ashton." Sagot ko sa tanong ni manang kanina.
"Ganon ba? Eh umupo ka na at para makapagsimula ka nang kumain." Turan na naman nito.
'Yon nga ang ginawa ko. Umupo ako sa nakasanayang upoan na katabi lang sa upoan ni Ashton. Pero hindi pa ako naglagay. Hihintayin ko muna si Ashton.
"Eh ikaw manang? Hindi ka sasabay?" Baling ko naman kay manang.
"Naku! Hindi na. Mamaya nalang ako." Nakangiti nitong sagot.
"Ganon po ba? Sige po." Sambit ko nalang.
Ilang sandaling katahimikan ang namuo saamin bago nagsalita ulit si manang.
"Mabuti at nagkakamabutihan na kayo ni Ashton hija." Panguna nito.
Tumango ako sa kaniya. "Opo..." Sagot ko.
"Mabuti kung gano'n. Huwag kang tumulad saakin. Kaya tuloy ngayon, walang asawa." Aniya sabay tawa pero hindi ako sumabay.
Seryoso akong tumingin sa kaniya at napabuntong-hininga.
"Hindi ba ulit kayo nagkita manang?" Tanong ko na ikinatigil niya.
Ngumiti ito. Pero alam kong peke at pilit.
"Nagkita kami. Dala 'yong maliit niyang babaeng anak." Biglang lumungkot ang mukha nito.
"Pero sobrang tagal na no'n. Siguradong pareho na kayo ng edad ng anak niya." Aniya.
"Eh ano po ba ang pangalan niya?" Tanong ko ulit.
Tumitig ito saakin ng maiigi.
"Alejandro Mon—"
"Good morning!" Napatalon ako sa gulat ng pumasok si Ashton at dumiritso saakin para mahalikan ako sa pisngi.
"Good morning manang..." Bati niya kay manang nang balingan niya ito.
Nginitian naman siya ni Manang. "Good morning rin..." Sagot nito.
"Iwan ko muna kayo. Kumain na kayo." Turan nito at naglakad na papaalis.
Sinundan ko ng tingin si manang.
Alejandro?
Hindi na natapos ni Manang ang apelyido dahil sa dumating si Ashton.
Alejandro...kapangalan ni papa.
"Hey baby!" Napabalik ako sa ulirat nang pitikin ako nito sa noo.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ulitin mo pa 'yon at makakatikim ka talaga sa'kin!" Inis kong sambit.
Tumawa siya. "Oh! I would love to taste you my baby." Aniya sabay dampi saakin ng halik.
"Kahit kailan talaga napakabastos mo!" Turan ko.
"Only to you my girlfriend!" Aniya at kumindat na ikinailing ko nalang at nagsimulang kumain.
"Ano pala pinag-usapan niyo ni Manang?" Tanong nito matapos ng ilang sandali.
Nagkibit balikat ako. "Tungkol lang sa buhay niya..." Sagot ko at hindi naman siya nagtanong pa.
Sumapit ang ilang oras at magkatabi kami ni Ashton na nakaupo sa veranda ng kwarto niya. Maiging tinitignan ang karagatan.
"What do you want for lunch? I'll cook." Tanong nito habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Hmmm... I want Adobong manok!" Masigla kong sagot.
"Your favorite huh?" Aniya.
"Alam mo parin?" Baling ko namang tanong.
Bagay 'yon na madaling malimutan sa mga karaniwang tao. Lalo na kung ilang taon kayong 'di nagsama.
"Ofcourse! I know everything about you." Aniya at mas inilapit pa ako sa kaniya.
"Sige nga. Iti-test kita kung naaalala mo pa." Hamon ko.
"Sure!" May pagmamalaki niyang sagot na ikinangisi ko.
"What's my favorite color?" Panguna kong tanong.
"Tsk. So easy. Your favorite color is yellow." Aniya na ikinatawa ko.
"My favorite country?"
"Philippines. Because it's our country." Sagot niya.
"My favorite animal?" Tanong ko ulit.
"Dog." Sagot nito ulit.
"Who is my favorite person?" Nakangisi kong sagot.
Pinalingon niya ako gamit ang mga kamay niya.
"Baby, your favorite person is me. Because I'm your boyfriend and your future husband. I'm your love and your destiny." Sagot nito na may pagmamalaki ulit.
Tumawa ako at umiling. "You're wrong!" Turan ko na ikinawala ng ngiti niya.
"What? Then who?!" Inis na tanong nito.
"It's Marcos." Nakangiti kong sagot na ikinatitig niya saakin.
Marcos is my boy bestfriend. Since college pa kami magkasama at nagseselos siya do'n tuwing nagsasama kami at nagkakausap. O kahit banggitin ko man lang ang pangalan nito.
Hindi naman talaga si Marcos. Gusto ko lang asarin siya.
"What the f**k Astherielle? Seriously? Your favorite person is Marcos and not me?!" Dumilim na ang mukha nito. Gusto kong pakawalan ang tawa ko pero pinipigilan ko lang.
"Yep!" Sagot ko.
Bumakas sa mukha nito ang galit at walang pasabing tumayo at umalis para iwan ako doon.
Nagmartsa ito palabas habang nakakuyom ang kamao.
Napatawa nalang ako sa inasta niya. Mamaya ko nalang 'yon susuyuin. Nakakatamad eh.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na akong bumaba. Hindi na kasi siya bumalik sa kwarto.
Habang naglalakad ako papasok sa kusina. Nadatnan ko siya doon na nagluluto.
Niluluto yata nito ang adobong manok.
Nakasandal lang ako sa dingding at pinagmamasdan siyang nagluluto hanggang sa natapos ito at inilagay sa plato.
Nang humarap siya ay tinignan ako nito. Bakas parin sa mukha niya ang inis.
"Eat." Aniya at inihanda ang mga plato at kanin.
Galit nga pero nakuha pa akong pagsilbihan.
"Ashton? Galit ka?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
Ngumisi ako.
"Ashton-baby are you mad?" Tanong ko ulit pero wala parin siyang sagot.
Ah talaga lang ha...
"No s*x for you then..." Turan ko at tumalikod.
"Baby!" Sigaw nito na ikinatawa ko.
Bibigay ka pala eh.
"I'm not mad! I'm just pissed!" Sagot nito na naiinis parin kaya hinarap ko siya at nilapitan.
"I was just kidding, okay? Ikaw talaga ang favorite person ko." Turan ko at hinalikan siya.
Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I'm such a pussy." Aniya na ikinatawa ko ulit.
"Yes. You're such a p***y who loves to eat pussy." Natatawa kong sang-ayon sa kaniya na ikinagulat nito.
"Baby! You're bullying me!" Maktol nito pero umiling lang ako at umupo para tikman ang niluto nitong Adobong manok.
Kumuha ako ng sabaw gamit ang kutsara at handa na sanang tikman 'yon ng simhotin ko pa lang ay bumaliktad kaagad ang aking sikmura.
Patakbo akong pumunta sa lababo para sumuka pero puro laway lang ang lumalabas doon.
"Baby, are you okay?" Tanong ni Ashton na may pag-aalala sa boses habang hinahagod-hagod ang likod ko.
Tumango nalang ako para hindi na siya mag-alala pa.
Tumayo ako ng maayos nang matapos ako sa paghilamos.
"Okay lang ako. Siguro sa nakain ko lang 'to." Sagot ko para mapanatag siya.
Pero sa isip-isipan ko, may ideya na ako.