"H-How did she --- " He stutters as he looks at the sleeping figure in his bed. He then clenches his fist after realizing that after Diana's sudden appearance on his pad, he changed the lock and only gave one duplicate card key to... "Damn you, Boyet." He exasperated a curse. "Damn you..." His jaw stiffens to control his raging emotion. 'I'm gonna kill the motherf*cker...' Binitawan niya ang kumot at pinulot ang cellphone sa carpet at mariing pinindot ang screen para i-dial ang numero ng katiwala.
Two rings...
Four rings...
Naputol ang pag-ring at nagsalita ang default operator. 'The number you're calling is busy right now. Please try again ---'
Di na niya tinapos ito at nag-re-dial uli.
Two rings...
Four rings...
'The number you're calling is busy right now. Please---'
"f**k you, Boyet!!" Mahina pero matigas niyang ani. He rakes his hair with his fingers. "Shit..." Nilingon uli niya si Margaret sa kama niya. "f**k!!!" Inis siyang nag-martsa palabas sa kwarto niya.
.
.
Mabilis niyang naubos ang dalawang lata ng beer habang nakaupo sa kitchen counter. Half-naked with only his trousers on, he throws the can on the trash bin with force. "Ah.. Boyet..." Pumikit siya at tumingala. "Di ka na talaga masisinagan ng araw bukas." He tried calling him four more times, yet it only ends with an operator saying the line is busy.
Halos maubos na nga ang lakas niya sa pagpipigil na huwag lumapit sa babae, pero heto ito at nakahiga sa mismong kama niya suot ang isang malaking t-shirt niya.
In his pad.
In his bed.
Wearing his shirt.
Her fetal position hugging his pillow done no help since the shirt lifted from her legs up her waist showing a satin white underwear.
This is making him crazy!!
Habang nakatukod ang dalawang braso sa counter, he taps his fingers on the tiles. Thinking how he will survive the night without ... touching her.
"Damn..." Bumaba siya. He planned to immediately drop to sleep after arriving, but things changed. Gising na gising ang buong diwa niya ngayong gabi. His blood is boiling of rage and desire. "Stop overthinking..." He reminds himself.
Naglakad siya papasok sa kwarto at hinablot ang swimming trunks sa closet na di tinatapunan ng tingin ang babae sa kama.
He decided to tire himself out by swimming on the pool. Baka sakaling humupa ang init ng kaniyang katawan at mapagod ang utak sa kakaisip. Mabilis siyang lumabas sa kwarto at umakyat sa ikalawang palapag.
Sa inuupahang apartment na ilang hakbang lang mula sa Miller HQ, tumatawa si Baxter na umiinom ng kape habang nakaupo sa bintana. Instead of feeling scared of what his boss will react tomorrow, he has this feeling that Isaiah will thank him than scold him.
Alam niyang di madali kalimutang ang nangyari noon. Isaiah was hurt. Marga was hurt. Di man niya alam kung anong puno't dulo ng hiwalayan ng dalawang kaibigan niya'y alam niyang pareho itong nagsakripisyo at nasaktan.
Di man sabihin halata naman sa mga mata at galaw ng mga ito na miss na miss na nila ang isa't-isa.
Isaiah was too prideful. Margaret was too consumed by her duty.
Niyuko ni Baxter ang cellphone na maraming missed calls mula sa amo.
Sometimes, love needs a little push.
They both deserve it anyway.
With a towel drapes on his wet head, Isaiah entered the room wearing a white robe. Nakatalikod na si Marga sa kaniya at nakaharap sa bintana. He sighs as he opens his closet and pulls a fresh set of clothes. Sa sala nalang siya matutulog at sisiguraduhin niyang i-lo-lock niya ang pinto ng kwarto para kung sakaling magbago ang isip niya'y di siya agad makakapasok pabalik at mag-isip-isip muna.
He slid into a white pajama pants and blue shirt. He throws the damp towel on the floor and starts walking towards the door with a pillow and blanket when the woman moans.
"Isaiah?"
His hand on the doorknob froze. Nilingon niya ito.
She's still on her the same position.
'Must be my imagination.' Pinilig niya ang ulo pero umungol uli ito.
"Isaiah..."
He turns and walks slowly towards the bed. "Margaret?" Isaiah then heard her sniffs and moans as if... crying. "Margaret?" Tawag niya uli.
She moves and hugs the pillow tightly towards her chest. "Isaiah..." Nakapikit pa rin ito at natutulog. "Isaiah..."
His expression softens as he stares at her face spotted by the moonlight entering the window. Di agad siya nakahuma nang makita niyang may kumikislap sa gilid ng mga mata nito.
Those are her tears.
She's having a nightmare and she's calling his name on her dreams. "I-Isaiah..." Umaalog pa ang katawan nito at mas lalong hinigpitan pa ang yakap sa unan.
Gently, he sits on the bed without breaking his gaze on her. It creaks as his weight pushes the mattress down.
He just keeps staring at her in the middle of the night as she keeps calling out his name. Her tears keep showing.
'What do you want me to do, Margaret?' Isaiah ponders on his mind. 'Why do you keep calling me? Is this another one of your tricks to lure me to shatter the walls I tried to build?'
> The red-haired lady stood up from waiting in the lobby upon seeing him. "I-Isaiah..." She nods.
'After two years, you're back again?'
> "This is not about us, Isaiah."
'It is, Marga...' He lifted his hand towards her face. 'Because everything I do, you're always on my mind. I tried to forget you... but I can't.' His fingers close to touching her cheeks. 'I tried to move on... but I can't.' His hand froze. 'When I was mending my heart, you're off to marry someone.' Binaba niya ang kamay at tinitigan nalang ang babae. 'You keep on thinking about other people's feelings... but you failed to see mine when I was the closest one near you.'
'I needed you that time.'
'I cried for you that time.'
'I yearned for your help that time.'
'But you weren't there.'
'You were once my world... and you took that from me. You were my air, the color to my dull life. You took that away without thinking twice.'
'Ngayon, naghihingi ka ng tulong sa taong nangangailangan ng pagkalinga mo... aren't you a bit selfish, Margaret?'
'I was always with you, yet you turned your back. I was also suffering yet you failed to see it.'
'Play my head... but this time, not with my heart.'
Tumayo na siyang tuluyan at lumabas sa kwarto dala ang kumot ang unan. He didn't bother to lock the door for he knows, he felt more pain more than ever for the love so close but can never be touched.
Kinaumagahan, tumalikod si Marga para iilag ang mukha sa sinag ng araw. "Shiiiittt~" She buries her face on the soft sheets. "Hmmm..." Nakapikit pa rin siyang ngumiti. This is, so far, the peaceful sleep she ever had since she starts living in the castle.
Slowly, she opens her eyes to recognize the place. "Sarap tumira rito..." Humilata siya sa kama at winagayway sa higaan ang mga braso at binti para damhin pa lalo ang lambot ng kumot. Tumagilid siya at niyakap uli ang unan. Nahalata niyang nakabukas ang closet at kita ang mga damit sa loob na pawang mamahaling brand ng mga business suit at branded na mga gamit. "W-Woah..." Paupo siyang bumangon. "Di na talaga basta-basta si Boyet." Kinusot niya ang mga mata at bumaba sa kama sabay inat sa katawan. "Mmmmm~"
Binuksan niya ang pintuan at sumilip muna. "Boyet?" Tawag niya sa kaibigan. 'Di ba siya nakauwi kagabi?' Tuluyan na siyang lumabas at pinakiramdaman ang paligid. Wala ngang tao. "Saan kaya yun natulog?"
At dahil sa sinag ng araw, tuluyan na niyang nakita ang kabuuan ng pad. With minimalistic color of brown, white and black, it's so homey.
Naglakad siya papunta sa kusina.
Binuksan niya ang ref. at di niya maiwasang maghimutok sa laman noon. Mga prutas, lata ng mga beer, kahon-kahon ng mga gatas at mga microwavable ready-to-eat na pagkain. "Ano 'to? Ref ba talaga 'to?" Kumuha nalang siya ng isang mansanas at umupo sa high-chair.
Habang nilalantakan ang prutas ay nakita niyang may dalawang lata ng beer sa punong-puno na trash bin. Based on the wet drips from it's opening, it seems it's still freshly disposed. Kumagat uli siya at umikot-ikot sa upuan hangga't nahagip sa paningin niya ang blue na t-shirt sa sala.
She's pretty sure it was not there last night. Bumaba siya habang nakaipit sa mga ngipin ang mansanas. Pinulot niya ang damit sa sahig at halos malunok ng buo ang kinain sa gulat ng may nakitang paa. "AY DIYOS KO!" Sapo niya sa dibdib. "T*ngina ka, Boyet!" Sipa pa niya sa paa nitong nakausli sa ilalim ng kumot.
Dahil sa sala ito natulog, tinabi 'ata nito ang center table para makakuha ng maayos na pwesto.
Nakonsensiya si Marga kasi parang isang unan at isang kumot lang ginamit nito tsaka ang carpet na ginawang parang cushion para di masyado matigas ang hinigaan nito. Dala ng pagkabalot nito ng kumot, paa lang nito ang nakita. 'Kawawang nilalang. Makakuha nga ng mga unan sa loob.'
Kagat pa rin ang mansanas, tinakbo niya ang direksyon ng kwarto.
.
.
Dala ang tatlong unan ang dala niya nang lumuhod siya sa tabi ng nakahiga na pigura. "Oy, Boyet... heto 'oh... unan. Psst... hoy..." Sabay duro nito sa kumot. "Boyet ---- " Natigilan siya at dinuro uli ang kumot na sa tingin niya'y braso nito. "Eh? Di ganito katigas muscles mo nung nagkita tayo 'ah..." Dinuro niya ito uli. It's firmer than the last time she touches it when they met at the park. "Ilalagay ko lang dito ang unan 'ha... maghihilamos lang muna ako." She left the pillows beside the man then walks towards the bathroom to wash. Bago tuluyang lumayo at tinitigan muna niya ng pigura sa ilalim ng kumot. Why does she feels like there's something... wrong?
Nagkibit-balikat nalang siya.
.
.
Matapos maglinis ng katawan ay pinusod ni Marga ang kaniyang buhok gamit ang mga hairclip niya kagabi. Nakita pa rin niya ang paa ng kaibigan. 'Tulog pa rin. Sadyang napagod talaga ito 'ah.'
Napagdesisyunan niyang di nalang ito gisingin. Magluluto nalang siya kung anong pwedeng mailuto sa ref para naman mabayaran niya ang pagpapatulog sa pad nito. She starts crossing the living room towards the kitchen when her eyes slowly saw the feet... up his white pajama... his sexy butt... and his lean, firm... bare back. Nakadapa ito nakahiga. Gone is the blanket covering him.
Halos madulas siya at lumuwa ang mata niya nang makita ang kulay ginto nitong buhok. "HA --- " Agad niyang tinakpan ang bibig para wag mapasigaw sa gulat.
It's Isaiah!!
Napalingon siya sa paligid baka nasa loob rin si Boyet. No sign of other person.
Binalik uli niya ang tingin sa lalakeng bahagya pang humihilik.
Sinapo niya ang noo. "Teka, teka..." Pumikit siya at inalala lahat mula nung pumasok sila ni Baxter kagabi sa elevator.
The state-of-the-art security of the place.
The posh design and setting of the interior.
The clothes inside the closet.
And the....
Napalunok nalang si Marga nang pinasadahan ng mga mata niya ang hubad nitong pang-itaas na nakadapa sa kumot.
And the firm, biceps she pokes earlier.
PAD 'TO NI ISAIAH!!!!!!
Gusto niyang magsisigaw sa inis. 'Boyyeeeeeeeetttttttt!!' Tumalikod siya at nangigigil na kinuyom ang mga palad. 'Alagad ka talaga ni Santanaaaaaaaaaaassss!' She stomps her feet and destroyed the hair bun she made to express her annoyance. 'Aniiiimaaaaaaalllllll kaaaa!! Hayoooopp kaaaa!!! Isusumpa kitang lolobo ang isang bayag mo!!!' She bit her nails as different situations play on her mind.
'Alam niya ba na andito ako?'
'Oo, natural! Natulog nga ang tao sa sala kasi nakita ka niya sa kama!'
'I mean... alam ba niya na 'AKO' ang nasa kama?'
'Duh, Margaret! Di siya bulag!'
'Pero madilim naman...'
'Bakit? Di uso ilaw?'
Napaupo nalang siya at niyakap ang tuhod. "Boyeettt..." Ungol niya sa pagkabwesit. "Papatayin talaga kita..."
'So you mean, he saw me... on his shirt? On his bed?'
'Paulit-ulit, Marga? Bulag ba siya para di niya makita?'
Gusto niyang maiyak sa hiya. Ang likot pa naman niyang matulog. Baka mukha siyang palaka na nakabukakang natulog. Wala na siyang mukhang ihaharap sa lalake.
"You're awake."
Nag-angat siya ng tingin at nilingon ito. "Isaiah?"
Nakatihaya na itong nakahiga – baring his washboard abs and that tempting fine hairs on his chest, travelling downwards... inside the center garter of his white pajama pants. Kinagat ni Marga ang kaniyang ibabang labi para iiwas ang tingin sa makasalanang katawan nito.
Paupo itong bumangon at pinatong ang isang braso sa nakatayong tuhod nito. "Speak."
Humarap si Margaret na nakaluhod at huminga ng malalim tsaka tumingala sa kisame. Mabilis siyang nagsalita. "Naiwan ko kasi ang susi ko sa hotel ni Alban at dahil nag-enjoy si Alban sa party at ayoko maging KJ, tinanggap ko ang alok ni Boyet na matulog sa pad niya na pad mo pala. Dala sa pagod ay di ko nakita ang mga bagay-bagay na magpagtuturo sa akin na di pala talaga siya ang may-ari." She ended her speech with another deep breath. "Sorry talaga. Kung alam ko lang --- "
"Kung alam mo lang ano?"
Mangiyak-ngiyak sa hiya niyang tiningnan ang mga asul nitong mga mata at pilit wag ibaba ang tingin sa katawan nito. "K-Kung alam ko lang sana, sa lobby nalang ako ng building natulog since malalapad naman ang mga sofa roon. Di ko talaga sinasadya. Sorry."
He sighs. "You easily trust men, don't you?"
Natigilan siya. "Huh?"
"Alban... Boyet..." He disappointingly shakes his head and stands up, picking the pillows and blanket.
Tumayo na rin siya. "A-Ako na..."
Iniwas ni Isaiah ang mga hawak. "Dress up and leave."
Yumuko nalang si Marga para di ipakita rito na nasaktan siya sa sinabi nito.
Tinapon ni Isaiah ang mga gamit sa sofa at naglakad papunta sa kusina.
Fidgeting her fingers, she looks at his back. "I-Isaiah?"
Huminto ito at di siya nilingon.
"K-Kakapalan ko na mukha ko... a-ano kasi... n-nasa k-kwarto mo ang damit ko. K-Kunin ko lang s-sana..."
Di ito sumagot bagkos ay nagpatuloy lang na pumasok sa kusina. She considers it a 'yes'. Tumalikod na rin siya at naglakad papunta sa kwarto nito.
.
.
After heating the ready-to-eat chicken curry using the microwave, Isaiah's lazily poking the chicken meat with his fork as he was leaning on the kitchen counter.
Tinaas niya ang tingin sa babaeng lumabas sa kwarto niya na suot ang peach gown nito kagabi. With her flaming red-hair lusciously drapes on one shoulder, she struggles to zip the gown behind her. "Umphhh!!" Pilit nitong abot sa zipper sa likod.
He munches the food on his mouth as he watches her trying hard to do it on her own.
Huminto ito at hinihingal. "Bwesit!" She curses. Pinagpapawisan na ito.
Binaba ni Isaiah ang tinidor at nilapitan ang babae.
Marga stiffens seeing him walks towards her. "Isaiah?"
"Turn around." Utos nito.
Tumango si Margaret at tumalikod.
Isaiah looks at her exposed back. He holds the zipper and starts pulling it up – carefully so that he can't touch her skin to avoid unnecessary bodily reaction.
Holding her hair drapes on her shoulder, Margaret inhales deeply... expecting his touch on her back.
When he is near zipping it close, he stops midway.
Dinama ni Margaret ang kumakabog na dibdib.
Isaiah fights the urge to inhale her sweet scent and thoroughly zips the gown. Lumapit na rin siya sa pintuan at pinagbuksan ito ng pinto.
Humarap si Marga at namumulang tumingala siya. He immediately averted his eyes away from her. "Go."
Yumuko ito at tumango. "Y-Yeah. Thanks, by the way."
He silently nods.
Lumabas na ito at naglakad papunta sa elevator pero huminto si Marga. "Isaiah ---- " Paglingon niya'y sinara na nito ang pinto. She just clenches her gown near her chest and filled her lungs with air to calm the emotions inside her.
"Good morning~" Masiglang bati ni Baxter pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ng amo. "Good morning, sir!"
Nakasandala lang ito sa upuan nito at nakatingin sa hawak na dokumento.
"Sir~ yooohoooo~" Tawag niya sa pansin nito. "Sir Isaiah?" Niyuko niya baka sakaling mapansin. "Sir?" Iwawagayway na sana niya ang kamay ng nagsalita ito.
"I heard you the first time, Boyet." Sagot nito na ang mata'y nakatutok pa rin sa hawak.
"Ganun naman pala!" Nakangiting umupo si Boyet sa single settee. "Dapat sir... sagutin mo rin ako ng 'Good Morning to you too, Boyet.'"
"Sino ba nagbibigay ng utos rito?" He looks at him.
"Ikaw."
"And you're telling me to answer your greeting?"
"Ang aga-aga... sungit mo kaagad. Gusto mo kape? Gatas? Sasabihan ko si Nadia na ipagtitimpla ka ---"
"I already ate." Binalik nito ang atensiyon sa hawak.
"Hmmmm..." Tango ni Baxter.
"Is there something you want to tell me, Boyet." Isaiah flips the pages of the document he's holding.
Nag-astang walang alam ang kumag. "Ano, sir?"
"You start talking or I'll --- "
Agad siyang sumingit. "Oy, teka, teka, teka... Tungkol ba ito kay Margaret?"
Hinarap na siya ni Isaiah na parang handang-handa makinig sa kung anumang sasabihin niya.
"N-Nalasing talaga ako, sir. Akala kong... papunta kami sa apartment ko." Panimula niya.
"I don't remember your apartment having a card key."
"Uhhh..." Tumingin sa malayo si Baxter na para bang naghahanap ng sagot sa mga dingding. "Oo nga pala no --- WOY! " Mabilis siyang umilag nang batuhin siya nito ng ballpen. "Oo na! Oo na! Sinadya ko siyang dalhin doon. Masaya ka na?"
"Mukha ba akong masaya?" And he's not given his eyebrows furrowed on the middle.
"Sir naman kasi... Bakit ka pa nagpipigil?"
Isaiah unbelievably shakes his head. "Seriously."
"Seryoso ako, sir. Naiinis lang ako sa inyong dalawa kasi pakipot kayo masyado. Di mo siya kayang hawakan kahit halata namang gusto mo siyang yakapin. Si Margaret naman, di ka nalang niya halikan 'eh halatang gusto naman. Ano abng pumipigil sa inyo?"
"Baka nakalimutan mong ikaw ang nagbalita sa akin na ikakasal na siya." He said out flatly.
"At sa tingin mo gusto niya?"
"What are you? A mind reader?"
Umupo si Baxter sa lamesa ng amo. "Alam mo, sir... in order for you to be TOGETHER, you need TO-GET-HER."
He lazily raises his azure eyes from the folder. "Spell FIRED."
"'to naman.. di mabiro." Kamot nalang ni Baxter sa sentido. "Pero aminin mo man o hindi, sir. Ang ganda niya kagabi. Kamusta tulog?" Taas-baba pa nito ng kilay.
> She smiles as she claps after the children's orchestra play.
> She looks at him after his speech while nervously biting her lips.
"Sir? Nag-de-daydream ka na 'no?"
Hinilot ni Isaiah ang noo. "Can you stop talking for a day?"
"Sige, di ako magsasalita pag nasagot mo nauna kong tanong."
Pagod sa kakadaldal ng katiwala'y tiningala niya ito. "What?"
"Kamusta tulog mo kagabi."
His minds travel on Marga's position on his bed last night. "Not good."
"Bakit, sir? Di ka nakapag-masturabate --- "
"f**k OFF, BOYET!" Dumagundong na sigaw ni Isaiah.
"HAHAHAHAHAHA!!" Tumatawang naglakad si Baxter palabas. "Alams na, Sir. Alams na." Sumaludo pa ito bago tuluyang lumabas.
Doon na nakahinga nang maluwag si Isaiah at napatingala sa taas. "Di ko talaga maipapangakong buo pa ang bangkay niya pag iuuwi ko siya sa Pilipinas."
Nakangiting paumanhin si Margaret na nagbigay ng bayad niya sa front desk ng tinutuluyang hotel. Nakapagbihis at nakapagligo na siya at nagyo'y dala-dala na ang nag-iisang malaking maleta at back-pack niya. Nasa likod naman niya'y si Alban na halatang diring-diri sa lobby ng hotel kahit malinis naman ang lugar.
Rich people and their standards.
Matapos ibigay ang sukli ay nanlumo nalang si Marga sa dalawang dolyar sa pitaka niya. This is just enough to cover one meal today.
"Problems with money again?" Singit ni Alban mula sa likuran niya.
She sighs and nods. "Yeah..." Nilingon niya ang kaibigan. "Can I --- "
"Say no more." Ngiti ni Alban. "Alam ko anong kailangan mo. You don't have to say it, darlin'. I already told you that you can count on me on that."
"Sorry talaga. Promise ko sa'yo, babayaran kita ---"
"And since you'll be borrowing money from me." Alban calls his driver waiting on the hotel's entrance to pick-up her luggage. "I get to say where will you be staying." At naglakad na sila palabas.
"H-Huh? Okay na ako rito --- " Napahinto siya nang balingan uli siya nito.
"Anong okay? Darlin', mangungutang ka na nga lang ng pera, sagarin mo na. You'll be staying here in America for almost a day or two for the discussion of your project and what? You'll use my money to pay this..." Libot nito ng tingin sa loob. "...rat-hole ---"
"Alban!!" Pinandilatan niya ito ng mata.
"Then you follow me." At iniwan na siya nito.
.
.
Nilapag ni Marga ang mga gamit niya sa kama at umupo roon. Mabuti't nakumbinse niya ang kaibigan na kahit ang pinaka-simpleng kwarto nalang sa marangyang tinutuluyan nitong hotel ang sa kaniya. Di niya kailangan ng fireplace, isang malaking sala na may mini-ref pa at may on-call maid.
She scans at her simple yet elegant rented room. Parang kwarto lang niya sa naunang hotel pero upgraded na lahat. Tsaka..
Napangiti siya at naglakad palabas sa balkonahe. Agad siya sinalubong ng sariwang hangin.
She finally has a good view of the place. From her position, she can see the orange and yellow treetops of the trees surrounding the park. Also, she can see the crystal-black building of the Miller HQ few feet from here.
Napayuko siya sa bulsa nang nag-vibrate ang phone niya. Sinagot niya ang tawag ng isang di-pamilyar na numero. "Hello?"
Hunter: "Ms. Margaret? Good morning."
'Hmm?' "This is she. Who is this please?" Naglakad siya papasok sa kwarto niya.
Hunter: "This is Hunter Lin. Remember me? From last night ---- "
"Oh! M-Mr. Lin!" Singhap niya at humarap sa bintana. "I-I'm so sorry, I didn't recognize you."
Hunter: "It's okay. I got your number from the event organizer last night. Nasobrahan 'ata pag-uusap natin kagabi at nakalimutan kong hingin ang number mo."
Last night, after the bidding, Hunter and Margaret exchange few greetings and stories of each of their personal lives. She really enjoyed his company lalo na't game rin ito sa pakikipaglokohan. Having half-Filipino blood in him, Marga easily talked to him in Tagalog. Like her, Hunter is really uncomfortable mingling with people in the high society despite having his own company. And oh, his already married to a very beautiful wife whom he proudly made his phone's wallpaper. Kakasal lang pala ng mga ito at andito sa America para sa kanilang honeymoon.
"Oo nga 'eh." Napakamot siya sa ulo. "Napatawag po kayo, Mr. Lin?"
Hunter: "Are we back to last name basis, Marga?"
"S-Sorry! Sorry, H-Hunter." At narinig niya itong tumawa sa kabilang linya.
Hunter: "You available today for a lunch?"
"Lunch?" Tingin niya sa wallclock. "S-Sure, sure."
Hunter: "Saang hotel ka ba para sa malapit na resto nalang tayo magkita. Don't worry, my treat."
Siya na rin ang tumawa. "Humingi ka na ba ng permiso sa asawa mo? You're in the middle of your honeymoon."
Hunter: "Oo naman. Ako pa. We'll be off to Napa Valley at the afternoon, therefore I could do business this whole morning."
Tumango siya. "S-Sige. I'll text you the address."
Hunter: "Good. See you later."
"See you later. Thank you, Hunter." She turned off the call and immediately ravages her luggage for dress.
Bumaba si Hunter sa kotse niya at binigay sa isang valet ang susi bago pumasok sa isang building. [A/N: Valet - a person employed to park cars in the designated parking space of a building.]
Two uniformed guards nod at him for acknowledgment. "Mr. Lin."
"Good morning. Is your boss present?" Tanong niya habang naglalakad papasok.
"Yes, sir. We never saw him leave."
"That's great." Ningitian niya ito at sumakay sa elevator. "29th floor." Saad niya sa Elevator Boy.
.
.
Playfully turning his phone on his fingers, he smiles at the woman behind the counter. "Good day, Nadia."
Tumayo naman ang babae at sinuklian siya rin ng ngiti. "Good morning, Mr. Lin."
"The asshole's inside?" Turo nito sa pintuan.
Tumawa at tumango si Nadia. "He is."
Tinulak ni Hunter ang pintuan at bumungad sa kaniya ang lalake na nakatayo at nagbabasa ng mga dokumento. "You owe me big time, Isaiah."
He raises his eyes on him. "Hunter." Pagkilala nito sa kaibigan.
Then the door closes behind him.