#WTMH Roll 5: Isaiah Clark

8322 Words
[A/N: In consideration for those readers who had hard time reading and understand English, I'll use Tagalog/Filipino on their conversations and lessen the use of English.] Sa isang simpleng hotel room, pumasok si Marga at sinilip ang loob. "Darlin'..." Himutok ni Alban. "You can't possibly stay..." tingin pa nito sa paligid. "..h-here.." Pinasok niya ang bagahe sa loob. "Of course, I can. Look..." Tingin niya uli sa laman ng kwarto. "May kama... may aircon... may t.v... may C.R. at may Wi-Fi... Essentials I need to survive boredom." Ngiti niya. Diring-diri naman si Alban na pilit wag idikit ang balat sa hamba ng pintuan ng kwarto niya. "I don't really get you, darlin'. You have the money so why are you renting a cheap room!" Natatawang tinirik ni Marga ang mata. "Lord Alba --- " "Drop the 'Lord', okay? Wala na tayo sa Scotland." Napatawa siya. "Okay... 'Alban'. Look, the money I had with me is also limited. Therefore, need ko mag-budget habang andito ako sa ibang bansa." "Ganoon ba talaga kalala hidwaan niyo ng reyna?" She shrugs. "She just wanted to test how long my stubbornness can last. Well, this could last forever given that lives are on stake here." "Sabagay." Ngiwi nito. "You know, I could rent you a room in this hotel which is more... deluxe than this. Free of charge. Ako na magbabayad --- " Hinawakan niya ang kamay nito. "Okay na nga ako rito. 100%." She re-assured her friend. "Ikaw bahala." He eventually gives up convincing her. "Tawagan mo agad ako pag kinagat ka ng isang lamok. Ipapasara ko kaagad ang hotel na'to --- " "ALBAN!" Tawang nandidilat ang mata niya. "Quiet, you!" Tiningnan niya ang bodyguard nito. "Ilabas mo na 'tong amo mo rito. Baka ano na naman mapuna niya." Natatawa ring tango ng bodyguard nito. Alban kisses her cheek. "Bye, darlin'. May date ako mamaya kaya di kita masamahan sa dinner." Tumango siya. "I can manage alone." Kumaway siya nang naglakad na ang dalawa palabas sa hotel. After seeing the two enters the elevator, she looks inside her hotel room. It was simple room consists of a bed, table, t.v., aircon and a window that... Pumasok siya at sumilip sa labas ng bintana. Napailing nalang siya... A window that only looks out into a wet alley full of garbage. Typical America. Binalewala nalang niya ito. Basta't disente siyang makakatulog. Hinubad niya ang sombrero, tinanggal ang suot na sneakers gamit ang mga paa at hinubad ang blue jeans na suot. Wearing only her undies and white-shirt, she peeks inside the bathroom. At least, may bathtub at hot&cold shower. She looks at the span of her small room and breathes deep. The room maybe small, but why does she feel she's big and can conquer the whole world? Siguro'y dahil dito ay walang nagbibigay ng limitasyon sa gawa niya. She can sleep anytime, eat anything she want... and... Niyuko niya ang sarili na walang pants. ...and wear any way she wants. She stretches her body from her 14 hours flight from Scotland to U.S.A. The bed looks so tempting as if it was inviting her to come and sleep between those fluffy sheets but not now... Kinuha niya ang laptop sa bagahe niya, tinulak ang lamesa palapit sa kama at umupo na rin sa kutson para simulang gawin ang proposal niya ng maayos. She'll laid her plans properly so that donators won't think twice helping her. Sinali na rin niya ang mga litratong kuha niya sa Marchomont at Muirhaus. MILLER HQ Kumatok si Nadia at pumasok sa opisina ng amo. "Sir, andito na po yung mga short-list proposals na napili ng committee para paglaanan ng pera ng Miller Foundation." Bitbit nito ang mga folders. While his eyes are on the laptop, he points the only vacant space on his table full of papers. "Here." Tumalima agad ang sekretarya niya at nilagay ito roon. "Is there anything you need, sir?" Hapong sumandal si Isaiah sa upuan niya. "Next time, when Grandma called for me... tell her I'm busy. Ako ang nag-hire sa'yo kaya sa akin ka sumunod." "But --- " "The next time she threatens you that she'll fire you, babaan mo siya ng telepono." Nagdadalawang tumango ang babae. "Naintindihan mo ako?" His bored eyes look at her. Mabilis na tumango ang secretary niya. "Good. Now, send an e-mail to Berkshire and tell them I hated their proposal. Full of bullshits." Nanlaki ang mata ni Nadia. "U-Uh... 'yan p-po talaga ang i-email ko sa kanila, sir?" "Yes. Also tell them if they can't send me a short and precise proposal by 5PM today, I'll consider that they are not serious about the partnership." Tumango ang babae at mabilis na sinulat sa notebook nito ang utos niya. Binalik niya uli ang tingin sa laptop. And that's how his every day life works. Spend almost all his time inside the all-glass office, crunching numbers, analyzing reports and trying to operate the biggest business empire single-handedly. Kung tututuusin, he owns his time. He can decide not to report to duty, he can have a whole year vacation, he can just let those people under him work for him but... he chooses to tire his mind out. Ayaw niya ng walang ginawa. Sanay na siguro ang katawan niya noong idolo pa siya na halos walang pahinga. Ngayong pag nagpapahinga siya'y mas nararamdaman niya ang pagod, Isa pa, nawawala rin sa isip niya ang nangyari noon pag may pinagkakaabalahan siyang ibang bagay. So far, it's effective. Working mentally and physically temporarily takes her out of his system. Temporarily. Since at night, she always visits his dream... tempting him of her sweet scent, kissable lips and smooth body. Kaya nga ayaw niyang matulog ng di pagod, mabilis lang ito makakapasok sa isipan niya. His attention raises towards the door when he heard two knocks. Sumilip roon si Baxter. "Sir." "Oh, Boyet?" "Pinatatanong nung dalawang kinuha natin sa airport kanina kung sasama ka ba sa late-lunch nila?" Umiling siya. "Not hungry. Plus, it's not my job to entertain visitors. Tell Nadia to call Grandma Cora. Bisita niya ang mga iyan kaya siya ang mag-aasikaso." "Wala ka talagang pinipiling taong, sir 'no? Kahit lola mo, pinagsusungitan mo." "If you go soft to people, they'll end up f*****g you hard. Kaya unahan mo na sila. Now, don't waste any more of my time." Yuko nito sa laptop. Baxter salutes. "Gotcha!" Pabagsak na humiga si Marga sa kama niya nang matapos ang kalahati ng proposal niya. "Ahhhhh... sarap." Dama niya sa malambot na kama. Gusto na niyang matulog pero di pa pwede.... Baka lang kasi mawala ang mga ideya na gusto niyang isulat. "Pero ang sarap na matulog..." Ungol niya. Her phone vibrates from the table. Kinuha niya iyon. Tawag mula kay Joaquin. Her thumb decides to hit the Cancel button, yet it stops midway. Napa-buntong hininga siya. Naging marahas siya nung huli nilang pag-uusap kaya at least man lang ang magawa niya riot'y kausapin ito ng maayos. She presses the Accept button. Dinala niya ang phone sa tainga at humiga uli. "Hello?" Joaquin: "Marga. H-Hi." "Joaquin." Pagkilala niya rito. Joaquin: "Nasa California ka na?" "Yeah..." She pulls a pillow and hugs it. Joaquin: "I see..." Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago nagsalita uli ito. "Margaret... a-about our last talk ---" "Kalimutan na natin yun." Joaquin: "I'm sorry if I let you feel that your feelings didn't matter." Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Joaquin: "I... I do love you, Margaret." Di siya sumagot dahil nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa puro at sinserong pagmamahal ni Joaquin na dama niya kahit nag-uusap lang sila sa cellphone... nasasaktan siya kasi sa ngayo'y di pa niya ito masusuklian. Joaquin: "And I know you're not ready to open up your heart again." Joaquin is a really a great man. Whoever wins the heart of this Italian prince will be surely a lucky lady and that's not her. Di mahirap mahalin ang prinsipe, sadyang siya lang ang di handang magmahal. Joaquin: "But I'm willing to wait." Tumingala siya sa kisame habang nakikinig sa boses ng lalake. Masasaktan lang niya ito kasi kahit siya mismo di niya alam kung kelan pa niya bubuksan ang puso niya na magmahal ulit.. o bubukas pa ba? "Joaquin, stop." Sambit niya. "You should have realized this before proposing to me." Joaquin: "I know. I was... I w-was assuming you had the same feeling." "Pasensiya ka rin kung napaasa kita." And that was the truth. Maybe she became too comfortable with him that gives off false signal that she loves him. "Pero andito na 'eh. Nag-propose ka na... Engaged na tayo. Ano pa bang magagawa ko?" Joaquin: "Well, let's try working it out?" Umiling siya. "Not now. I am working on something. Let's talk when I get back." Joaquin: "Glad to hear that." Marga sensed he finally smiles on the other line. "See you soon?" Tumango siya. "See you soon, Joaquin." Then she ends the call. > "You know Isaiah Clark Miller?" Alban asked. She hugs her bare knees. Sinong Isaiah ba ang tinutukoy nito? Ang kilala ba niya o ang lalakeng ngayo'y namumuno sa pinakamangyarihang angkan sa mundo? It's been two years since she last saw him. Nababasa nalang niya ang pangalan nito sa mga pahayagan pero iba pala ang epekto pag binibigkas na ng mga tao ang pangalan nito. It sounds... powerful yet cold. It sounds familiar yet strange at the same time. Does his eyes still sparkle every time he smiles? Does he still comb his hair with his fingers when anxious? Does he still eat vegetables? Napangiti siya pag naalala niya paano nasisira ang mukha nito pag hinahandaan ng gulay. Does his fear of needles still exist? Does he still throw his clothes on the floor? Or his wet towel drapes on the sofa? Sinubsob niya ang mukha sa pagitan ng kaniyan mga tuhod. Does he still love her? Now, who is the Isaiah that Alban is talking about again? 'Bakit Marga? Umaasa ka? Umayos ka nga... tinakda ka nang ikinasal. Odds are not in your favor. Isipin mo nalang ang mga taong mong naghihintay sa'yo sa Scotland. You owe them a better life.' Yet... it didn't stop her to wonder about the man she once knew with tantalizing blue eyes. Tumayo siya at umupo sa hamba ng kaniyang bintana. She smiles. At least she has a good view of the moon from where she was sitting. 29th FLOOR | MILLER HQ Wearing nothing but a white sleeping pajama, Isaiah's wearing his eyeglasses as he was reading a proposal for the charity event as he was sitting on his bed. Kunot ang noo niyang binasa ang huling proposal mula sa dalawampung nagpasa. Sumandal siya sa headboard at hinilot ang noo. His eyes start to hurt. Napadako ang tingin niya sa nakabukas na sliding door niya sa balkonahe. The soft night breeze sends the curtain riding the air. Hinubad niya ang eyeglasses at naglakad papunta sa nakabukas na sliding door. He stretches his bare arms and torso as he walks towards the balcony. He was immediately welcomed by the caressing wind, soothing the stiffness of his whole body. Di niya inalintana ang lamig kahit hubad ang pang-itaas. Tinukod niya ang mga braso sa railings at tiningala ang maliwanag na buwan. . . Marga smiles as she stares longer at the bright moons. 'Is he looking up on the same side too?' Napailing nalang siya sabay tawa. She's being crazy. Bumaba siya sa hamba ng bintana at sinara iyon. . . He filled his lungs with the fresh, crisp California air. He rakes his hair with his fingers and exhales deep. Tumalikod na rin siya at pumasok sa loob sabay sinara ang sliding door. "Darlin'! Darlin'!" Umungol na tinakpan ni Margaret ang kaniyang mukha ng unan nang tumama ang sinag ng araw direkta sa kaniya. Nakalimutan rin pala niyang isara ang kurtina ng bintana. "Uhhhnnn.." "Wake up!! Wake up!!" Malamya siyang umupo sa kama sabay kinusot ang mga mata. She can't possibly go back to sleep with Alban's loud knocks on her door. "T-Teka l-lang..."Nag-inat siya ng katawan. 'Ano ba? May sunog? Bomba?' Kinuha niya ang puting nightrobe na nakasampay sa sandalan ng upuan at sinuot. "Open up!!" Dinamba na nito ang pinto. She checked the time. 6:30AM. Bakas pa ang mga marka ng sabog niyang buhok at natuyong laway sa mukha niya. Idagdag mo pa ang malaki niyang eyebags. 'Anong oras nga ako nakatulog kagabi?' Her mind is still processing every information. Binuksan niya ang pintuan. "Ano ba??" Humikab pa siya. "Plano mo bang gisingin buong hotel ---- " Nawala bigla ang antok niya nang hawakan ni Alban ang mukha niya gamit ang dalawang kamay nito. "W-What?" "Where's your proposal?" Napakurap siya. "P-Proposal ko?" Nilingon niya ang nakabukas niyang laptop sa nightable. "U-Uhhh... still on works? Medyo makalata pa ang mga detalye kaya --- " "Give me that. Now." Titig ni Alban sa mata niya. "H-Huh? Huh?" Di niya alam kung dala ba sa antok kaya medyo matagal pick-up niya sa impormasyon o sadyang di niya alam anong sinasabi nito. "Proposal ko?" Excited itong tumango. "Yes!" "W-Why?" Nag-aayos si Nadia sa mga schedules ng amo niya sa desk calendar niya na namumutiktik ng iba't-ibang kulay na sticky notes. Halos di na niya ito madikitan kasi puno na ang buong buwan nito ng mga appointments. Napakamot siya sa ulo. "Gusto pa niyang isingit ko ang pagdalo niya sa pag-blessing ng bagong biling eroplano ng MAC [Miller Aviation Corp.] sa 26th. Eh puno na ang araw na 'yun. Paano ko ba'to ---" Napatalon siya mula sa pagkakatayo sa loob ng granite counter niya nang tumunog bigla ang intercom. ☎ Isaiah: "Nadia. Inside." Sinapak ni Nadia ang noo. "Ano na naman ba kasalanan mo, Nadia?" Inayos niya ang damit at pumasok sa loob ng opisina ng amo niya. "S-Sir?" Isaiah pushes a pile of documents on his table. "Done reading these." Nanlaki ang mata niyang naglakad palapit sa mesa nito. "L-Lahat 'to, sir?" She picks one proposal consists of almost 200+ pages and there's 20 or more proposals on the pile. Tumayo si Isaiah at may tinawagan sa phone nito. Isa-isang kinuha at binuhat sa mga bisig ni Nadia ang mga nagkakapalang mga folder. "Sir, did you manage to choose one charity organization who would be Miller's Foundation's beneficiary?" [A/N: Beneficiary – a person or organization who will receive the money or donation.] Nakayuko ang amo niya sa cellphone nito nang umiling. "Nope." "E-Eh?" Sinundan ni Nadia ito ng tingin nang nagpalakad-lakad ito sa loob ng opisina. "Sa 23 proposals po mula sa iba't-ibang organization wala kayong napili?" Isaiah looked at her with a 'are-you-seriously-asking-me-that?' look. Agad siya napayuko sa hiya. He slid his phone on his pocket. "To answer your question, yes. I don't see anyone among those who submitted worth to be helped." "Pero..." Tiningnan ni Nadia ang nasa pinakatuktok na folder sa mga files na buhat niya. "Ito, sir 'oh. Para sa mga batang walang mga magulang." "...they already received help from a Texas Senator last week. Why are they submitting a proposal?" "Baka kulang ang tulong na binigay?" "It means, if we choose to help that org., there's a big chance that the money will not be used for the children as intended. Kundi ibinubulsa kung sinumang Pontio Pilatong nagpapatakbo sa org. na 'yan ang pera. They received 1.2 million from Senator Georgie, and in span of a week.... naubos?" "Ohhh..." Tango ni Nadia. 'Oo nga 'no.' "May nabasa akong proposal rito sir tungkol sa mga Senior Citizens. Yun! Tulungan natin ---- " "Mr. James run that organization. He has a scandal and an ongoing investigation about p********a. I don't want the Miller have anything to do with a scum." [A/N: p********a - s****l feelings or actions directed toward children.] Isaiah pulls out his phone again to dial a number. "If they decide kick him out, maybe I'll reconsider helping them." He brings his phone on his ear. 'Galing... Binasa nga talaga niya lahat 'to.' It was indeed impressive given that she only gave these to him yesterday. Kung siya kasi ang tatanungin, ang dami talagang proposals na yung kawawa at kailangan talaga ng pera para ipagpatuloy ang mga magaganda nitong adhkain sa organisasyon ng mga ito. Pero tama ang ginawa ng boss niya. Dapat kasi kilatisin mo muna kung sino ang tutulungan kung karapat-dapat ba talaga sa malaking perang handang ihandog ng mga Miller. No one knows how much exactly the foundation gives but some says it is enough to feed a whole country. Tiningan niya ang among di mapakali sa kakalakad ng paroon at parito sa opisina. "Sir.." Sunod ng mga mata niya rito. "Anong gagawin ko sa mga ito --- " "Throw it away. They're useless." Tanging sagot lang nito habang niluluwagan ang suot na necktie. 'Okay lang ba 'to?' "Okay lang po ba kayo, Sir ---- " Naputol ang sasabihin niya nang tinaas ni Isaiah ang kamay nito para patahimikin siya. "Avery?" Puno ng pag-aalalang anas ni Isaiah sa kabilang linya. LAKEHOUSE | PHILIPPINES | 11:00PM Di pa rin makapaniwala si Avery na bumangon mula sa kama at tiningnan pa ang cellphone na hawak. "T-Teka... tumatawag ba talaga si Liam?" Knowing he only exchanges simple messages towards her in Viber, this is very... much...surprising. Sinagot uli niya ang cellphone. "Liam?" Isaiah: "Who else." Sungit nitong sagot sa kabilang linya. "O-OMG!!" Agad niyang tinakpan ang bibig para wag tumili kasi mahimbing na natutulog ang maliliit niyang kambal at si Isaac na nakatagilid sa kabilang bahagi ng kama. "Y-You called! You called!! Finally!!" Paimpit niyang tili. Isaiah: "Lumabas ka diyan sa kwarto. Magigising mo ang mga bata." Maingat na tumayo si Avery para wag masyadong magalaw ang kama at humalik sa pisngi ng natutulog na asawa bago naglakad papalayo. Carefully, she opens and closes the glass door as she enters the terrace that views the span of the calm lake where their temporary house is located. Niyakap niya ang sarili at nagtitili. "LIAM!!!! LIAAAAAAAAAMMMMMM!!!" Isaiah: "Easy, easy..." Avery can sense that her friend is suppressing a smile on the other end of the line. "...ano yung sinend mo sa akin kanina na litrato? Why is Althea had a needle injected in her arm?" Bumagsak ang balikat ni Avery at napangiwi. "Yung totoo... ito lang tinawag mo sa akin?" Isaiah: "Will there be another reason?" Napangiti nalang si Avery. She just sent a picture of her little Althea Suzette crying as she was getting a vaccine against certain diseases, yet Isaiah made it sounds like it was a mortal sin. Halatang nag-alala ito ng husto sa bata. "Calm down. Lumalabas ang phobia mo sa mga karayom. She had her first dose of vaccines, okay? Same goes with Basti.. pero parang ayaw nitong kunan ng litrato kasi sinisipa ang cellphone pag nilalapit ko sa mukha niya." Naalala niya kanina kung paano nalang kamuntik lumipad ang phone niya palabas sa bintana ng malakas itong sinipa ni Sebastian Jacob nung kukunan sana niya ang reaksiyon nito pagturok ng injection. He didn't cry because Isaac was holding him. "Don't worry. Noah administered the injections. He was safe and gentle with the twins." Isaiah: "Bakit pa kasi na-imbento 'yang injection." Inis nitong angal. "'to naman..." Halukipkip niya. "Di ka naman inaano ng injection 'ah. Tsaka isa pa... si Noah naman nagturok kaya may tiwala ako." She heard him finally loosening up. "Calm down." Isaiah: "Okay... para lang kasing nasasaktan si Thea sa litrato." "You know that girl." Sumandal si Avery sa wooden railings at sinilip ang anak na babae na noo'y nakadapa na sa mukha ng ama. "She loves attention from all the people around her." Isaiah: "Just like the mother, huh? The face that the camera loves." She rolled her eyes. "Sino kaya sa'tin ang sikat na sikat na mula pagkabata na?" She faces the calm waters of the lake. "It's in the Miller's blood already. The genes, the charisma?" Isaiah: "At dinagdagan mo pa." Dumaan muna ang ilang minute ng katahimikan. She wanted to burst into tears. She finally heard his voice --- and there's still pain in it. She wanted to comfort him like what he did to her when her relationship with Isaac went downhill. But it seems Isaiah's not a fan of receiving help. "Kamusta ka na, Liam?" Isaiah: "You still call me that, huh?" "Of course. Kinalakihan kitang yan ang tawag sa'yo." And she misses the smiling Liam who loves to piggy-back ride her on his back. Isaiah: "I miss you, Ava." She smiles. "Oh, I miss you too, Liam." She looks at her sleeping twins. "And they can't wait to see you." Isaiah: "Soon." She clears her throat. "Liam?" Isaiah: "Hmm?" Avery looks at Isaac. "Have you talked to him?" Di ito sumagot sa kabilang linya. "I wish you could patch things up with your brother." And he just repeated his answer. Isaiah: "Soon." Gusto sanang i-open up ni Avery ang nabasa niya sa internet ukol sa planong pagpapakasal ni Margaret at ng isang prinsipe. But, it would be insensitive of her to talk that issue to someone like Isaiah who's trying to move-on on the incident two years ago. "Bisita ka naman rito 'oh..." Isaiah: "I am planning to." HOTEL | U.S.A Di pa rin ma-digest ni Margaret ang mabilis na explanation ni Alban sa kaniya. Nakaupo na siya sa kama niya habang si Alban naman ay nakatayo at patuloy pa rin sa pagsasalita. "Wait, wait..." Tinaas niya ang dalawang kamay para patigilin ito sa kakasalita. "D-Dahan-dahan! Sabog ako basta bagong gising." He exasperated a sigh. "I am saying is that the Miller Foundation have not accepted any proposals yet out from the 20 plus organization vying to have their large sum donation!" ... Sinapo ni Alban ang noo dahil parang luting pa rin ang prinsesa "J-just give me your proposal. Ako ang magpa-pass niyan ngayon doon sa opisina ni Mr. Miller." "P-Pero..." Nilingon niya ang laptop. "D-Di ko pa natapos. Makalat pa ang mga detalye ---" "But have you laid out your intention on what would you do with the donation if it fortunately lands on you?" Mabilis siyang tumango. "O-Oo naman. Yun ang huli kong ginawa kagabi." Kinuha ni Alban ang laptop niya. "Then let's submit this." Naglakad na ito palabas. "TEKA!!! ANG PANGIT PA NG ---" "Fortune favors the bold, darlin'!" Kindat ni Alban. Napangiti nalang siyang umiling. "Bahala ka na nga..." Tumawa itong lumabas pero ilang sandali'y sumilip uli ito sa loob. "I forgot. Ano password ng laptop mo?" "Peashooter143." "Huh?" "Password ko, Peashooter143." Ulit niya. Her mind then remembers her lovable but naughty furless cat. 'Is she being a good girl to Mama Lizbeth?' Mas maawa ka sa taong magaalaga kay Pea kesa sa pusa mismo. Knowing Pea's spoiled-attitude, nakakaubos talaga ng pasensiya. The last time she remember is she left Pea on Mama Lizbeth's care. PHILIPPINES "Pea!!" Pumasok si Lizbeth sa bahay dala ang mga bagong pitas na mga gulay mula sa hardin niya sa likod ng bahay. "Peashooter!!" Pea is sitting on the living room's table licking her tail. "Ganiyan... magtino ka." Nilapag ni Liz ang basket sa kusina. "Namummuro ka na sa gabi sa kakalandi sa mga ibang pusa sa labas. Pag ikaw nabuntis at dadami na kayong walang balahibong pusa, aakalain talaga ng mga tambay sa kalye na mukha kayong iihawing binalatan na manok." Pea sharp eyes looked at the old lady. 'Hangaaaaaaal... MATANDANG HUKLUBAN!' Pero tinitigan rin siya ni Liz. "Ay wag na wag mo akong titingnan ng ganiyan, Pea. Sige... mag-rebelde ka. Itatabi talaga kita kay Kira doon sa isang kwarto." Si Lizbeth na naman ang nakatokang mag-babysit sa dalawang hayop kasi may medical mission ang pamangkin niyang si Noah sa isang malayong lugar. Yumuko nalang si Pea bilang pagsuko at pinagpatuloy nalang ang pagdila sa buntot. MILLER HQ | CALIFORNIA, USA Kumatok si Nadia. "Sir?" Tinulak niya pabukas ang pintuan ng opisina ng amo. "Hmmm?" With a pencil on his one hand, the other is under his cheek as he stares at a document behind his large table. "May humabol po sa submission ng proposal?" He looks up to her. "Please tell me it's worth my time." Di agad nakasagot si Nadia. Kasi sa cover page palang ng proposal na binigay sa kaniya ay kulang-kulang na ang details. [A/N: If you are asking for a donation, the cover page must have the TITLE/PURPOSE of the project, the NAME of the beneficiary or of the organization who will receive the donation, the NAME OF THE AUTHOR of the proposal, and the AMOUNT of the needed money for the project.] "Nadia." Untag ng amo niya sa kaniya. "U-Uhhh..." Niyuko ni Nadia ang folder na hawak. "Just leave it here." Turo ni Isaiah sa mesa gamit ang lapis. "And get back to work." "O-Opo." Mabilis naglakad si Nadia at nilapag ang folder sa mesa tsaka tumalikod para lumabas. When he heard the door close, his gaze landed on the folder with a title, 'For the People of Marchomont at Muirhaus.' Paglabas kanina ni Marga sa hotel, agad niyang nakita ang isang bread stall sa parke kung saan may iilang tao ang naglinya para bumili. Agad kumulo ang tiyan niya dahil sa nakakagutom na amoy ng mga tinapay. Di kasi siya kumain ng hapunan kagabi dahil naka-focus siya sa ginawa niyang proposal kaya nalipasan na siya ng gutom at isa pa'y di niya namamalayan ang oras hangga't sa mismong mata na niya ang bumigay. Matapos pumili ng tatlong baguette bread, nagbayad si Marga sa tindero at niyakap ang paper bag na laman ang nagtataasang tinapay. "Thanks." Ngiti niya. She's wearing a pink tank-top [a body-hugging sando] under her black jacket and a white pedal shorts paired with her white sneakers and black cap keeping her long red-hair from people. Umupo siya sa isang stone bench sa kalapit na parke at nilantakan ang isang baguette na may raisins sa loob. "Hmm.. sarap 'ah." Tiningnan niya ang tinapay na ngumunguya. Mabilis niyang naubos ang isa dala siguro ng gutom. Sinumulan niyang kainin ang pangalawang tinapay. While munching, she looks around the busy business district of San Francisco. Nagtataasang mga building. Ang mga lumalabas at naglalakad sa sidewalk ay pawang naka-business attire at nakayuko o di kaya'y may kausap sa kani-kanilang cellphone. Unlike in Scotland, people there spends their time peacefully --- attending to their own farms, milking their own cows and selling their own products in the market. Palengke lang 'ata ang busy sa Scotland. Iba nga talaga ang buhay dito sa America. Parang de numero at pag nagwaldas ka ni isang segundo'y kasalanan na. Kinuha niya ang bottled water na nasa tabi niya at uminom roon. "Sir, two blueberry croissant bread." Saad ng isang lalakeng customer ng bread stall. "The usual sweetness?" Tanong ng tindero. "Yes." Sinara ni Marga ang bottled water at tinapunan ng tingin ang may-ari ng boses. Kakagat na sana siya uli nang namukhaan niya ang lalake. Nilingon niya uli ito. Naka-business attire rin ito pero di nakasuot ng necktie at may nakakabit na I.D. sa chest pocket ng coat nito. Ibang-iba na ang dating nito pero pareho pa rin ang mukha nitong walanghiya. "B-Boyet?" Lumingon sa kaniya ang lalake at nanlaki ang mga mata dala sa gulat na pagkilala sa kaniya. "...T-Tomboy?" Tumayo siya at agad rumehistro ang saya sa mukha. "BOYEEEETTTTTTT!!!" Sigaw niya sabay takbo. She jumps and hugs her close friend. Tumatawa namang sinalo siya nito. "TOMBOY!!! IKAW NGA!! IKAW NGA!!" Niyuko ni Marga ito at hinawakan ang mukha. "P*TA!!! IKAW NGA RIN 'TONG NAKIKITA KO!! JAPORMS NA JAPORMS KA NA AH!!" Parang timang itong dinalaan ang ibabang labi. "Ganiyan na ba talaga ako ka-pogi?" Niyakap niya uli ito nang mahigpit dahil sa saya. "BOYEEEEEEEETTTTTT!!! Na-miss kita!!!" "Oy! Oy!!" Nag-uubong palo ni Baxter sa lilkod niya. "TOMBOY!! WAG MASYADONG MAHIGPIT! TAE KA! DI AKO MAKAHINGA!! BITAWAN MO AKO!!" . . Magkatabi na sila sa bench at pinagsaluhan ang baguette na binili niya. "Ano?" Halos mabilaokan si Marga sa tawa. "Ano na uli pangalan mo?" "Baxter." Namumulang saad nito at kumagat sa tinapay. "Yun naman talaga totoo kong pangalan. Palayaw ko lang ang Boyet." "Pfft!" Sinapak siya nito sa ulo. "Sige! Tawanan mo ako!" "Aray!" Sinapo niya ang ulo at sumagot ng suntok sa balikat nito pero pagkatapos ay natigilan siya. "Woah!!" Dinama niya ang braso nito. "Ay aba!! May muscles ka na tang*na!!" At pinagalaw pa ng letse ang muscles nito sa braso. "Matigas ba?" Tumango siya. "Kasing tigas ng mukha mo!" Sabay tawa. "Alam mo... mas sumakit pananalita mo ngayon, langya ka." "Seriously, you really... changed!" And she means it positively. Gone was the driver who only wears white shirt and tattered acid wash blue jeans. "Kung di siguro kita kilala, aakalain ko talagang may-ari ka ng isa sa mga building na andito." "Talaga?" Nagningning ang mga mata nito. "Na-inlove ka na?" "At naniwala ka naman?" Pabirong bawi niya. "Mamatay ka!!" Ingos nito. Sumandal siya sa balikat nito. "Oh! Tingnan mo oh! Kung ako girlfriend mo, kikiligin ako sa ganitong posisyon natin." "Lumayo ka, letse." Tulak palayo nito sa kaniya. "Sorry na..." Paglalambing niyang yakap sa braso nito. "Pero totoo..." Tiningala niya ito. "You look good." Nag-thumbs up pa siya. Niyuko siya nito. "Kahit di mo sabihin, alam ko sa sariling gwapo na ako." Nalukot ang mukha niya at binitawan ito. "Humangin ka rin lalo. Talo mo pa ang hanging habagat." Tumawa nalang ito. "May jowa ka na?" Kagat niya uli sa tinapay. Umiling ito. "Wala pa." "Eh? Sa kisig mo ngayon dapat marami ng nababaliw sa'yo." Nagkibit ito ng balikat. "Maniwala ka man o hindi, ni isa sa mga babaeng foreigner rito wala akong naka-date." "Baka ginagamitan mo uli ng mga baduy na pick-up lines?" She can't help but laugh how Boyet back then uses corny jokes to get Ms. Hailey's attention. "Di 'ah" Lumabi itong kumain ng tinapay. "Sadyang mas gusto ko pa rin na babaeng Pilipina. Ewan ko ba." Nakakaloko siyang ngumiti. "Tulad ko?" -.- "Bakit? Babae ka ba?" Tumango siya. "Tama ka nga naman. Mas malaki pa nga t**i ko sa'yo." "Hoy! Ikaw! Parang di ka prinsesang magsalita --- " It was meant to be a joke yet Baxter saw how Marga reaction changed. She became sad. "O-Oy... 'to naman. Biro lang." Siko nito sa balikat ng kaibigan. "Isla ---- este, Marga. Margaret pala." She sighs as she looks up. "Ibigay mo nalang sa akin 'tong pagkakataong itong maging ako, Boyet." Bigla itong nakonsensiya. "Sorry na." Inakbayan niya 'to. "Ganoon ba talaga kahirap maging prinsesa?" She nods as she slowly bites her bread. Nawalan tuloy siya ng gana nang maalala ang buhay niya sa palasyo. "So fake news pala yung mga napanood ko sa mga movies na tumatawa ang prinsesa habang nakasakay ng kabayo... tapos halos isang dosena ang maids niya at may isang buong kwartong mga damit, sapatos at alahas." Margaret chuckles as she turns to him. "It was all true." Nanlaki ang mata nito. "So... meron ka nun?" She nods. "Wow! Yaman mo na pala ngayon. Pautang 'ha." Pilit pinapasaya ulit ito ni Baxter ngunit nabigo ito. Margaret's eyes are looking far-away. "Margaret?" "All of those was true... What movies didn't show is how struggle it was to be one." She looks at her hands. Wala na itong kalyo tulad noong si Isla pa siya. Pero ba't ganun? Mas napagod siya bilang si Margaret? "The strict diet? The endless lessons? The limitations? The pressure?" Nilingon niya ang kaibigan. "Di pala siya biro, Boyet. Ngunit di ko matatalikuran ang paging prinsesa. I have a responsibility. That's why I am here – to serve my people and to do what's right." "Masaya ka ba?" Mapait siyang ngumiti. "Masaya na ako pag nakikita ang mga nasasakupan ko na masaya." Di sumagot ang kaibigan bagkus tinaas nalang nito ang tinapay. "Ako nalang lilibre sa'yo. Nakonsensiya tuloy ako." Doon na siya tumawa. "HAHAHAHAHA! Sure ka? Marami akong gustong kainin. Siomai, fishball, isaw, dirty ice cream ---- " "Adik ka? Nasa America tayo. Wala tayo sa Pilipinas." Tumawa na rin ito. Sumandal siya rito. "Na-miss kita, Boyet." "Na-miss rin kita, tomboy." Pinisil ni Baxter ang namumulang pisngi niya. "Ano nga uli pinunta mo rito?" Umayos siya na pagkaupo. "I'm attending a charity event to raise funds for a project for my people." "Charity Event? Oy! Saktong-sakto! Sa Miyerkules may charity event na gaganapin kung saan ---- " Nabitin ang sasabihin ni Baxter at doon lang natagpi-tagpi ang sinabi ni Margaret. "T-Teka... ang 2019 Charity Ball ba ang dadaluhin mo?" Tumango siya. "Eh? Andiyan si Sir Isaiah. Dadalo siya!" She nods again. "I know and I'm vying to win his approval of my project's proposal." Napanganga nalang si Baxter. "M-Marga... nakoo..." Napakamot nalang ito sa noo. Nabahala siya sa inasta nito. "Bakit?" "Ayaw lang kitang masaktan pero..." Napabuga ito ng hangin. "Di na siya tulad ng dati... matapos nung... alam mo na? Kaya hindi maging maganda ang pagkikita ninyo ulit." "Well... I am expecting it already." "Naman 'eh." Baxter is caught in the middle. "Basta... ah ewan! Basta't... ayyyyssshhh~" She nods. "I know. It's okay, Boyet." Hinawakan niya kamay nito. "I'll try not to talk about our personal issue. I am here for my people. That's all." "Di mo pa siya nakita?" "D-Di pa... bakit?" "Natanong ko lang. Kasi parang handa ka na 'eh di mo pa nga nakikita yung tao. Marga, madaling sabihin na kaya mo... paano pag kaharap mo na?" She was speechless. May tinuro si Baxter na itim na building na isa sa mga nagtatayugan sa taas. "Nakikita mo ang itim na building na 'yan? That's Miller Headquarters." Her heart beats fast. "T-That's the Miller Headquarters?" "Oo." Seryosong lumingon sa kaniya ang kaibigan. "That building houses the head office of all Miller's businesses. Prima Nova, Miller Aviation Corp., Tango Communications and even the Smith&Miller Conglomerates – name it." Her eyes still locked on the building. "And the person behind them... the person controlling them in the shadows.... Isaiah Clark is in there. He is few steps away from you, Marga." Nilingon niya ito. "He's not the same person. So, you really need to safeguard your heart the moment you meet him. Payong kaibigan." Binalingan uli niya ang building. She's few steps away from him. She's even breathing the same air as his. Dinama niya ang kumakabog niyang dibdib. "Di nga natin alam baka bukas o mamaya... mabunggo mo siya sa daan." She nods. Baxter's right. Madaling sabihing kaya. Pero pag kaharap na... kakayanin ba niya? Just imagining his sharp eyes on her – makes her tremble with fear at the same time, excitement. Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang phone niya sa bulsa. She answers it. "Hello ---" Alban: "Asan ka?" "Ako?" Tinapunan niya ng tingin si Baxter. "Andito sa isang parke. Kumakain, bakit?" Alban: "The park outside your hotel? Good. Malapit lang dyan ang resto ng La Caldonia. Meet me there." And he ended it abruptly. "Huh? Ano raw?" "Fiancee mo?" Tanong ni Baxter. Umiling siya. "Nope. A friend. Uhhh... alam mo ba saan ang La Caldonia rito?" "La... ahhhh, oo. Malapit lang yun rito pero hatid na kita. Babalik na rin ako sa opisina. Baka lang bigla niya ako hanapin." She nods and gathers her stuff on the bench. Then a question on her mind suddenly pops up. "Uh, Boyet?" "Oh?" "J-Just asking.... Uhmmm... does he have... umm... a ---" "Girlfriend?" Tusong ngiti nito. "Wala. But sometimes he flirts. Uh no... girls flirt with him." Di nalang nito dinagdag ang tungkol kay Diana. Tutal, isang gabing kalasingan lang naman 'yun. "Tara?" . . Agad sumalubong ang masarap na amoy ng pasta kay Marga nang pumasok siya sa resto. Kumulo uli ang tiyan niya. 'Makapag-order nga ng maayos na pagkain.' Nilibot niya ang paningin at nakita si Alban na kumakayaw sa direksyon niya. Lumapit siya roon. At nang nakalapit na siya ng husto ay doon palang niya nahalatang may kasama itong babae. 'Must be his girlfriend.' Umupo siya sa isang upuan roon at ningitian ang dalawa. "Hi." "Hi, darlin'." He kisses her cheek. "This is Nadia. My love." Ngumiti siya sa babaeng naka-tailored suit. "Hi, Nadia." Lahad niya ng kamay. "I'm Margaret." "Hello." Tanggap nito ng pakikipagkamay niya tsaka ngumiti. "I'm Nadia." "And Nadia here..." Akbay sa kaniya ni Alban sa Amerikanang babae. "...is your gateway to success." Sabay hinalikan ang babae ng malalim sa bibig. Nanlaki ang mata ni Marga at nahihiyang yumuko sabay kinuha ang tasang may tsaa. Uminom siya roon para takpan ang namumula niyang mukha. Patuloy pa rin itong naglaplapan sa harap niya na parang wala siya at ang mga ibang kumakain roon. "Let's continue this later, babe." Dampi ni Alban ng munting halik sa labi ni Nadia. "Like I said, Marga... she's your gateway to success." Tiningnan niya ang dalawa. Nadia looks dreamily at Alban. Nilingon niya ang kaibigan. "G-Gateway to success?" "Well Nadia, here..." Pisil nito sa pisngi nito at naghagikhikan pa. 'Sarap pagtutusukin ng dalawang ito ng tinidor.' Inom nalang ui niya ng tsaa. "Nadia here... is Isaiah Clark's secretary." "Ugh!" Nasamid ang lalamunan niya sa iniinom at gulat na nakatingin sa babae. "You're what?" "I'm his secretary." Ulit ni Nadia. Napasandal nalang siya sa kinauupuan. Kaya pala alam ni Alban na walang tinanggap na proposal si Isaiah kasi may mata pala ito sa loob ng opisina. Di na rin siya magugulat kong ginamit ni Alban si Nadia para ipasa ang proposal niya. "You used her?!" Nag-aakusang tingin niya sa lalake. "Darlin'! No! No! Kagabi ko palang naman na secretary siya ni Mr. Miller, okay? Tsaka kanina ko rin nalaman na wala siyang tinanggap na proposal... sakto namang may ipapasa tayo. Look at the odds! Fortune indeed favors the bold!" Nasapo niya ang noo. Kagabi pa nagkilala ang dalawa pero kung maghalikan, wagas? O sadyang siya lang talaga ang napagiwanan ng panahon sa pamamaraan kung paano makipagharutan ang mga tao ngayon. "And guess what?" Malapad na ngumisi si Alban. "What?" "You did it!" Masaya nitong balita. "He chooses your proposal as the beneficiary of their aid!" Kung pwede palang bumagsak ng panga niya'y matagal na itong nahulog sa sahig. "H-He did?" Tumango si Nadia. "He did. Out of the 23 proposals, he chooses yours." Napasinghap siya sabay takip ng bibig. "N-No way! No way!!" Gusto niyang maiyak sa saya. "Oh my God!!! Oh my --- " Pinaypay niya ang sarili gamit ang mga palad. "Shiiiiitttt!!" Gusto niyang tumili. Her plans... for her people... of giving them hope – a hope that will finally materialize. "Oh my God!" "And he wanted to meet you tomorrow, Ms. Margaret." At para siyang binuhusan ng malamig na tubig. "E-Eh? M-Meet me?" Nadia nods. "Yes." "You'll be meeting with him tomorrow." Alban snuggles at Nadia's neck that makes that made the woman giggle. "W-Wait..." Tinaas niya ang isang kamay. May naalala siya sa ginawa niyang proposal. "Wait... d-did he know I made that proposal?" Napatingin sa kaniya ang dalawa. "Why?" Sabay pa nitong tanong. Naalala ni Margaret na wala siyang nilagay na pangalan niya sa ginawa niya. "Did he know... I made that?" Ulit niyang tanong. Umiling si Nadia. "Nope. Kulang nga ang details sa cover page. But he is interested to discuss it with you. Nakuha mo ang atensiyon niya kahit kulang kulang ang proposal mo. He said that only your proposal has heart in it that seems to be genuine in helping people." At nilingon nito sa Alban para makipagharutan uli. Napasandal uli si Marga sa kinauupuan niya. While the two are having their time of their lives, para namang nauupos na kandila si Marga. Isaiah want to meet her not knowing it was HER! Nasapo nalang niya ang noo. This was not the first meeting she expected for them after the fiasco two years ago. She planned it with a lot of people so that personal issues will not be discussed... yet here she was... meeting the man... alone... in an office. Great, Marga. Great... "A-Alban?" Lumingon ito mula sa paghalik nito kay Nadia. "Oh?" "Can you go on my behalf?" Alban gave her a funny look. "Marga, I didn't read your proposal. Basta ko lang siya p-in-rint at binigay kay Nadia. No one knows how to discuss it better than you." He has a point. Uminom nalang siya uli ng tsaa para naman mapatahan niya ang mga paru-paro sa sikmura niya. This is for her people. This is for her people. She keeps repeating it to remind her why she is here on the first place. She needs to set aside her issue with him. But can she uphold it until the end of their meeting? Kinagabihan, sa kwarto niya, nakatitig lang si Margaret sa blankong pahina ng proposal niya sa laptop niya. Since it was unfinished when it was submitted, she needs to finish the last part for Isaiah to read it properly with details laid out accurately like the time-frame of the project and the location. Shit! Binagsak nalang niya ang katawan sa kama. Di rin pala niya nilagay roon na nasa Scotland ang Marchomont at Muirhaus. Baka inakala nito na pangalan ito ng organization at hindi mga village sa Scotland. Tumagilid siya at kinuha ang unan para yakapin. If he'll know it was her and it's for the people of Scotland, will he back out? 'Sana naman wag.' Pumikit siya. This is the only way left for her to give those people a chance to live a proper, normal life. > "Kasi parang handa ka na 'eh di mo pa nga nakikita yung tao. Marga, madaling sabihin na kaya mo... paano pag kaharap mo na?" Baxter measured her firm decision. 'Kakayanin mo, Marga.. Kakayanin mo.' Umupo siya sa kama at hinila palapit ang mesa para simulan ang huling bahagi ng proposal niya. On her mind, she imagines the face of little Isla she met on the village, laughing while enjoying the fresh water. Doon siya humuhugot ng lakas para makapag-focus sa ginagawa. The next day, Marga, fresh from the bath, sits infront of the mirror. With her hair dripping wet, she pulls a day-cream from a small travelling bag where her essentials are kept. Nagsimula niyang pinahiran ang mukha at leeg. Waiting for the cream to settle down on her skin, she kneels behind her luggage to find decent clothe to wear. "Hmmm..." Tinaas niya ang isang palda. "No." She digs deeper. "This one?" Tingin niya sa blouse na may maliliit na bulaklak na design. "Nope." . . Huminto siya sa lobby ng hotel na tinutuluyan niya at humingi ng permiso sa front desk kung pwede pa siya makiprint. While waiting for her papers, she anxiously taps her fingers on the country. Her insides are in knots. 'Damn it, Marga. Calm down!' Kahit kakaligo lang niya'y pinagpapawisan na siya. Kinuha nalang niya ang cellphone niya at naglaro ng Plants vs. Zombies para ikalma ang sarili. . . After paying the taxi driver, she exits the yellow cab and looks up at the tall, black skyscraper infront of her. [A/N: Skyscraper - a very tall building of many stories.] She breathes deep and exhales sharply. "Kaya ko 'to. Kaya mo 'to, Marga." She nods and starts to walk towards the entrance. Pagpasok niya'y agad siya sinalubong ng mga iba't-ibang lahi ng mga negosyante. In their own language, they talk to their colleagues. She also saw peoples in suit sitting on the lobby, typing on their laptops. With nothing but a purse and a folder, she felt she came into a battlefield with no weapon. She composes herself and searches for the information desk. Ngayon palang niya na-appreciate ang paging prinsesa kasi naturuan siya paano dalhin ang sarili sa ganitong mga scenario para di siya masabing out-of-place. "Hi." Ngiti siya sa dalawang Amerikana sa front desk. "I'm here for a m-meeting with t-the chairman??" The female with black hair asks for an I.D. Binigay niya ang driver's license niya. Driver's license na di niya kailanman nagamit kahit alam na niya paano magmaneho ng kotse kasi parating may driver siyang kasama. The other one picks up the intercom and dials a number. Two rings and the receiver on the other line answers. "Hi, Nadia. There's a certain Margaret Victoria Carolina Scott here? Yes, a meeting with the chairman. Yes, yes. Uh okay... in the meeting room. Okay, okay." Binaba nito ang intercom at ngumiti sa kaniya sabay lahad sa isang visitor's I.D. "You can proceed to the 18th Floor, Ms. Scott and look for the conference room. You'll have your meeting with Mr. Miller there." Ngiti nito sa kaniya. [A/N: Note that Marga is using the Scott surname instead of Black (her father's surname) since the Queen is against on having any connection to the man she thinks killed her daughter by taking her away from Scotland.] . . Pagpasok niya sa kulay gintong elevator, agad siyang tinanong ng elevator boy na nakaupo sa sulok. "Where to, Miss?" "Umm... 18th Floor." Tinapunan niya ng tingin ang babaeng doctor na may kinu-kuting sa cellphone nito. Tumango ang lalakeng at pinindot ang elevator panel. She breathes deep again and look at the floor indicator above the steel door. Diana, wearing her white doctor's coat, looked at the woman on the door's reflection. "Hmm..." Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya nakatingin sa babaeng may pulang buhok. She maybe dressed simply but Diana can't explain the irritation she felt towards the woman. She is sure she never met her. 'Who is she?' "15th Floor." Anas ng elevator boy. Tumayo si Diana mula sa pagkakasandal sa bagon at lumabas sa elevator. Before walking away, she looks at Marga from toe to head. "Huh?" Nagsalubong ang kilay ni Margaret sa ginawa ng babae na agad rin umalis matapos siya pinadahan ng tingin. 'May mali ba sa suot ko?' Yuko niya sa sarili. Few seconds later, the elevator boy announces. "18th Floor." 'This is it, Margaret.' "Thank you." She then steps out. Inside the conference room, Isaiah's listening to a presentation by their company's accounting head. He looks at the slides then to the printed copy he's holding. He scribbles notes on it with his pen. Madami siyang nakikitang mali pero pag tinanong niya ito'y tataas pa lalo ang diskusyon. He's been sitting for two hours listening to inaccurate numbers and statistics. The dimly lit room then lighted up properly, signaling the end of the presentation. "And that would be all." Panapos ng accounting head ng kompanya. Tahimik ang buong board room at nakatingin kay Isaiah para hintayin ang reaksiyon nito. He swivels his chair to face the attendees. "Next time, if you poorly made a presentation like that, don't arrange a meeting with me." Nagsiyukuan ang mga ito. His guess was right. Minadali nga ng mga ito ang monthly report nito sa kaniya. "Ulitin niyo uli itong palpak na presentasyon, papalitan ko kayo." Tumayo siya at inayos ang suot na grey business suit. He nods on Nadia who nods back and closes her laptop. Nagsitayuan na rin lahat ng mga dumalo roon. Una na siyang lumabas habang sumunod ang mga ito. While walking on the hallway, Nadia walks fast to keep up beside him. "Sir, you still have a meeting after this." "Meeting again?" His turns to look at his secretary. "I didn't know I had another one after this." "You told me yesterday after you read the proposal for the charity event?" "Oh that..." The talks of the people with him died down as they saw a woman, with flaming red hair stands from waiting in the lobby. "Woah! Who is she?" Isaiah stops his track and looks straight at the subject of their gasps and admiration. Wearing a white body-hugging dress, two-inch nude colored heels and her long, wavy red-hair alluringly flowing behind her and frames her small face, the woman meets his eyes. Margaret swallows a lump on her throat and muster another deep breath then nods. "I-Isaiah." Chris, one of the accountants, whistles. "Damn... that's one hot chick! I'll have her phone number later ---- " Matalim na nilingon ni Isaiah ang katabi. "Shut the f**k up or I'll punch your failed presentation in your mouth." The sharp edge of his voice sent the people around them into dead silence. Nadia, getting the clue of what's happening, immediately butts in. "Come on, let's g-get back to work." Akay nito sa mga dumalo ng meeting palayo sa dalawa. Margaret smiles at Nadia as they walked away. Then they are left alone in that floor. Tinaas ni Marga ang tingin sa lalakeng nakatayo di-kalayuan sa posisyon niya. Isaiah's face was expressionless as his blue eyes' probes at her. Una siyang yumuko at napalunok. The atmosphere's getting heavier in every passing minute. "Isaiah ---" "State your business." Malamig nitong putol. Tiningnan niya uli ito. "I-I'm here for the... for the meeting? Para sa proposal na pinasa ko k-kahapon." He slid his hands inside his trousers pocket. "And?" "Well, I have here the... uhh... the..." Nahirapan siyang huminga sa bilis ng t***k ng puso niya. 's**t, Marga! Calm down!!' Her body freezes as she heard him walks toward him. Pumikit siya nang maramdaman niya itong huminto sa mismong harapan niya. "Why aren't you looking at me?" His deep voice resounds inside her body. Huminga uli siya ng malalim. "You have trouble breathing?" Tiningala niya ang matangkad na lalake. Finally, she's face-to-face of the man she's been yearning all these years. He looks down at her with his deep-blue eyes – a cool color yet emanating a fiery resolution. The thin stubble beside his face and on his chin enhanced the roughness of his demeanor. Gone was the always sparkly smooth idol she once knew. In front her is a man with masculinity and domineering attitude exudes on every movement he does. Pinahinahon niya ang sarili. "M-Mr. Milller ----" "Where's the Isaiah?" She bit her lower lip due to frustration that her tongue is failing her. Isaiah's eyes drop on her pink-tinted lips. "Isaiah." Ulit ni Marga. His eyes meet hers. "I'm here to discuss a-about the proposal you r-read yesterday. N-Nadia you told me... you..." Binaba niya ang tingin sa kulay itim nitong necktie. His intense gaze is too distracting. "..you... ummm... you took an interest of it to be the beneficiary of the Miller's foundation. What you read was a draft. Dala ko yung maayos at kompletong proposal." Nilahad ni Isaiah ang kamay. Binigay niya ang folder. Niyuko nito at pinasadahan ang mga pages. "A Miller and a Scott... working on one project..." "About that..." She fidgets her fingers. "C-Can we for... for some time... forget about the feud between our families and ----" Nahugot niya ang hininga ng tumingin ito sa kaniya. "And set aside differences?" "F-For m-my people." Sinalubong niya ang tingin nito. He throws the folder on the floor throwing the papers on different directions. Dahil sa pagkagulat ay di agad siya nakahuma si Margaret na nakatingin lang sa nagkalat na mga papel sa sahig. Isaiah turns his back and starts walking away. Kinuyom niya ang mga palad. She trembles with anger. Pinaghirapan niya ito pero basta-basta lang nitong tinapon na parang wala lang. On those papers lies the future of her constituents. Sinundan niya ng matalim na tingin ang nakatalikod na pigura nito. 'And you really think this will make me gave up?' Mabilis niyang pinulot ang mga papel sa sahig at sinilid pabalik sa folder. Tumakbo siya at sinundan ito. "Isaiah!!" Tawag niya rito. 'Tang*na ka, Marga! Wag kang marupok! "ISAIAH!!" Isaiah stops when Margaret blocks his way towards the door. Firm resolution is in her eyes as she looks at him. "Please reconsider. This is for the innocent lives in my country. They have nothing to do with the war between our countries. They need water! They need to survive!! I need to win this proposal! Not for the Scotts. But for my people." Hinihingal siyang huminto sa pagsasalita. "Please." "Step out of my way." Utos nito. Hinawakan niya ang kamay nito gamit ang dalawang kamay niya. "Mr. Miller, please." His gaze falls on her hands holding his. "I see you're not wearing your engagement ring." Her body froze. She immediately hides her hand behind her back. He mockingly smirks. "That silently gives me permission to do what I want." Napatingala siya rito. "W-What do you mean?" Lumapit ito sa kaniya. Umatras siya. "W-What are you doing?" At naramdaman nalang niya ang malamig na dingding sa likuran niya at napatalon siya sa gulat nang hinampas ni Isaiah ang dingding sa tabi ng ulo niya. Napapikit siya. He lowers his head to whisper closely to her ear. "Your knight-in-shining armor is not here to save you of what I'm about to do." "What --- ISAIAH!!" Napatili nalang siyang nang marahas na hinablot ni Isaiah ang dalawang kamay at tinaas. Pinning it on the wall above her head with one hand, his long fingers cuffed her wrists, clenching it hard. "Isaiah.. nasasaktan ako..." Ungol niya. His other arm wraps around her small waist, pulling her hard towards his rock-hard body. "Margaret..." The way he pronounce her name slices her heart deep – for pain and angers is evident in his voice. "Look at me." Gasping for air, she looks at him. "You don't go popping out of nowhere after two years and question my decision. Heard me?" Her lips tremble as she speaks. "This is not about u-us, Isaiah." He whispers close enough to kissing her ear. "It's always about us, Isla." She groans inwardly as she heard that name from his lips. "And then tempt me with that ring-less finger of yours?" Namula siya. "How dare you!! I'm not tempting you ----" "That's more I like it..." He then tilted her chin upward. "Fight back, Isla." "Isaiah --- " "You don't get to have the final say on this one." His jaw tightens as his body reacts on their closeness. "It's a no, Princess Margaret. Take yourself and your proposal out of my building." He then let go of her in un-gently way and storms out the hallway. Napaupo nalang si Margaret sa sahig at sinapo ang bibig. Her body won't stop trembling. Her knees are still weak from the encounter. Her breathes are rapid. Pumasok naman si Nadia at nagulat sa posisyon niya. "M-Miss Margaret?" Dinaklot niya ang damit sa may dibdib niya habang malalim ang hugot niyan ng hininga. Dinaluhan siya nito. "You okay?" She shakes her head slowly. "I-I'm not okay." Marga was left weak as if Isaiah sucked the energy out of her. "I'm not okay..." "You need water?" Tanong ni Nadia sa kaniya. Umiling siya. > "Di na siya tulad ng dati... Kaya hindi maging maganda ang pagkikita ninyo ulit." She tried to gather her strength back. 'It takes more than this to make me give up. No, Isaiah... I won't give up.'  She clenches her fist, angry of herself from being to weak under his presence. Matapos masara ang pinto ng opisina' naihilamos ni Isaiah ang mukha sa kamay niya. He's millimeter close of losing his control. He loosens his necktie. Maybe in that way, he'll release the intense desire trapped inside his body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD