#WTMH Roll 2: Margaret of Scotland & Ireland

6634 Words
Due to her old age, Governess Amelia is shaking as she wrote French words on the blackboard slowly. [A/N: Governess - a woman employed to teach in a private household.] Margaret, sitting on the only chair and desk in the huge study room, is patiently waiting for the old woman to finish writing the sentence with chalk. She yawns as she taps her pen in her notebook. Her eyes then fall on the French saying she highlighted in her book. "Qui n'avance pas, recule" 'He who does not move forward, recedes.' Translate ni Marga sa utak niya. He... who does not move forward, recedes. She looks at the frail back of her teacher who continues to write and coughs as the same time because of the chalk dust. All of her 'princess' lessons that do not involve physical movements are being taught by Governess Amelia. French and English Literature (which requires her to study deep and old English and French terms, quotes and books), Royal Social Etiquette (how to exit a car properly, which fingers should hold the cup holder when drinking coffee or tea, how to signal waiter/waitress that you are done eating using your utensils, etc.), International Relations (learning the ropes of other countries' laws and how to look smart while conversing international issues), Finance and Business (tackles about finances and trades of their countries) and of course, Scotland and Ireland's History (such as the past kings and queens' achievement and their very long names and origins). Di naman siya nagrereklamo pero sa bagal ng kilos at pananalita ng matanda'y halos isa o tatlong subjects lang ang natatalakay nila. May times nga na siya nalang sa sarili niya ang nag-aaral sa gabi sa kwarto niya. Mahirap kasi pag dedepende lang siya rito lalo na't kakailanganin niya ang mga kaalamang ito sa tungkulin niya bilang prinsesa. Sa hapon naman ang kumbaga 'physical' lessons niya. Ballet, fencing, playing flute, violin, piano and harp, horse-back riding, slow ballroom dancing at cooking (her favorite subject!). With the help of her female instructor, Governess Agnes, a woman in her mid-30s, Margaret excels well on these lessons. Nakapalumbaba siyang tumingin sa labas ng bintana. The clear blue sky is tempting her to... cut classes. 'Ang tagal matapos... Nabuburyo na ako.' She pouts as her mind imagines herself running outside towards Chomper's stable and ride on his back to her heart's content. *PLIK* Napakurap siya mula sa pag-de-daydreaming. 'H-Huh?' *PLIK*PLIK* Nangunot ang noo niya sa naririnig niyang munting ingay. 'Ano yun?' *PLIK* She squinted her eyes and saw tiny stones hitting the window glass. "Huh?" The tiny sounds keeps on going as she approaches the window. Huminto ang tunog nang hinawakan niya ang handle sabay tulak nito pabukas. At dahil nasa ikalawang palapag ang study room sa palasyo'y sumilip siya pababa. Joaquin smiles and waves at her. The prince is wearing a powder-green sweater and black trouser pants, making him look so... prince-ly. Sumimangot siya. "Daya mo... ba't andito ka? Wala kang klase?" He scoffs. "Actually, tapos na ako. My teacher is... quick." He winks. Mas lalo niyang ikinasimangot iyon. "Unfair..." Since the Prime Minister of Canada will be staying here in Scotland for a week, Joaquin, as the assigned tour guide was compelled to stay as well. Pero di ibig sabihin niyon ay exempted na ito sa pang-araw-araw na aralin. And these what make the hassle when a royal travels, he goes not just with his luggage but with his whole staff --- personal chef (lalo na sa mga hari at reyna na siyang nakakaalam anong gusto nitong kainin), hair designer at dressers, personal assistant at secretary tapos tatlo o limang bodyguards. On Joaquin's case, he is with his trusted bodyguard (Alfio), his teacher (Governess Hannah) and dresser nito. Looking up to her, he points at the nearby tree. "I heard you are good climber. Want to skip classes?" Napasinghap at namula si Marga. "Paano mo alam?" He smiles. "I heard some maids talking at the laundry area that the tree on your room keeps swinging at night. I wonder why?" His deep-set, dark eyes teases. Umingos siya. "Imbestigador ka ba? Pwede namang hangin --- " "Tag-lagas ngayon, Margaret. There's no strong wind that could make a tree sway enough for other people to notice." "Oo na... Oo na... Ako na unggoy." "Wanna take up my offer?" He lends his hands. "Correction!" Siya naman ang ngumiti. "You should say: 'You want to take my offer?'. It's a mortal sin for an heir to talk in shortcuts." "Good student you are." Binaba ni Joaquin ang kamay. "I take that as a no then. Have a nice day --- " "Oy 'to naman!!" Dabog niya. "Di ka naman mabiro. Oo na, bababa na." "Should I catch you?" "No thanks. Para saan ba ang mala-unggoy kung powers kung di ko kayang umakyat-baba sa puno." Hinubad niya ang itim na flat-shoes at tinapon palabas. "T-Teka... di'ba ako mahuhuli ni Governess Amelia na wala na ako sa upuan ko?" Lingon niya sa matandang nagsusulat pa rin sa blackboard. "Margaret... criminals think in advance." Tawa ni Joaquin sa baba. . . Pinagpapawisang nakaupo si Jean sa pwesto ni Margaret sa upuan habang suot ang damit ng prinsesa at isang pulang-wig. 'Mag-re-resign na talaga ako pag mahuli ako ritooo~' Mangiyak-ngiyak niyang yuko sa libro para masabing nagbabasa 'kuno' habang nagtuturo ng French si Governess Amelia sa harap niya. > "Jean..." Suot ni Margaret sa kaniyang damit na pang-maid. "Wag kang matakot. Malabo ang mat ani Governess Amelia. She can't tell the difference between a wig or not. Plus, we have the same body-built. We'll be alright. Suotin mo damit ko. Babalik ako bago mag lunchtime." Sinapo nalang ni Jean ang noo. 'Oo... di nga tayo nahalata ni Governess Amelia. Pero tae ha... inuusig ako ng konsensiya ko.' Binabalanse ni Margaret ang katawan habang binabaybay niya ang natumbang katawan ng punong-kahoy suot ang damit ni Jean. "Salamat 'ha. Bagot na bagot na talaga ako kanina sa loob. May nakukuha naman ako sa tinuturo ni Governess Amelia... pero ang bagal lang kasi niya. Siguro kung bilisan niya ng... siguro... times 2 ang pagsasalita at kilos niya'y gaganahan ako." Flailing her arms sidewards to keep her balance, she mumbled. "Governess Amelia was also your mother's Governess." Joaquin answers. He's walking on the dry land beside her. "Opps --- " Na-outbalance siya pero maagap na hinawakan ni Joaquin ang isang kamay niya kaya ngitian niya ito at pinagpatuloy ang pagbagtas sa katawan ng kahoy hawak ang kamay nito. "Oo... alam ko. Pero nasa tamang oras na para mag-retiro si Governess Amelia." "You're mean." Joaquin tightly holds her hand as she keeps on disbalancing. "I'm not! Dapat sa kaniya'y magpahinga na. Namnamin ang natitirang oras ng buhay niya – reality speaking." Her eyes locked on her path. "Tsaka... dapat ang mga apo na niya ang tinuturuan niya. Di ako." "Be careful what you wish for, Marga." Tawa ni Joaquin. "I wish my governess is Amelia. You want to trade Governess? Governess Hannah is all yours." "Maliksi pa naman siya 'ah?" Lingon niya rito. "Kaya nga... ayaw mo kay Amelia kasi mabagal. Hannah is a very energetic governess." Joaquin faces her, holds her waist with two hands and drops her gently back on the ground. "Every after lesson, she has this quiz and if you fail, you get to repeat the lesson... again and again until you perfect it." Lumukot ang mukha niya. "Ngee..." "Still wanted to exchange?" Umiling siya. "Wag na. Okay na pala ako kay Amelia... at least nakakatakas ako tulad ngayon." Pinagpatuloy nila ang paglalakbay sa loob ng masukal na kagubatan na sa loob ng dalawang taon ay galamay na ni Marga ang labas-masok roon (at dahil na rin iyon sa tulong ni Joaquin na dati ng ginawang playground ang kagubatan pag bumibisita ang pamilya nito sa Scotland). "Pero sa totoo, dapat na talaga siyang magpahinga." "You've got one thing wrong." "And what's that?" "Amelia has no grandchildren to play with." Nahinto siya at nilingon ito. "Anong ibig mong sabihin?" "Wala siyang apo. She didn't get married." "G-Ganun ba?" Bigla tuloy siyang na-guilty sa sinabi. "She's living with her sister, also not married." "Bakit di sila nag-asawa? I mean... Amelia is beautiful." Totoo. Sa kabila ng uugod na katawan nito'y halatang maganda ito nung kabataan. She has this gentle feature on her face that makes her very approachable. "So does her sister, I think?" "Their partners served in the bloody war your grandfather took part with in order to defend Ireland." Napatingala siya sa matangad na prinsipe. "So may nobyo sila?" Tumango ito. "Yeah. Back then, all male who were fit to join the military may it be 12 years old or 60 years old, are required to enlist their names to become soldiers. Their partners volunteered to join. They do want to protect their homeland." Yumuko si Marga. "Yet... they never returned..." "Yes, they didn't. Their bodies were never found... or maybe unidentified due to the thousands of casualties that time." Kinagat niya ang ibabang labi. "Amelia and her sister... are still waiting for them to come back." Tumango si Joaquin. "Yes. They believe they are alive, so they never marry anyone." "Sa tingin mo, buhay pa ba sila ---" "Qui n'avance pas, recule." Biglang saad ni Joaquin. Nanlaki ang mata ni Marga. She just learned that phrase earlier. "He who does not move forward, recedes." Sabay nilang saad sa English translation nito. "Amelia and her sister chose not to move on and accept reality, Marga. So they remained that way." She swallows a lump on her throat and looks away. "May parte talaga sa buhay natin na dapat nating bitawan para magpatuloy." She looks down. Has she moved on? Or like Amelia... still stuck? "Why, Marga? Are you waiting for someone?" Napatingin siya rito at pilit ng ngumiti. "Who?" Joaquin, sensing tension from her, holds her hand. "Calm down... It's just a simple question." Tumawa siya nang pahapyaw at pasimple na hinablot ang kamay. "I-Ikaw naman kasi... binigla mo a-ako sa tanong mo." She immediately turns around and resumes strolling the little jungle. Kinatanghalian, matapos ang pagpapasyal nila sa kagubatan at pagpalit na rin nila ni Jean ng kasuota'y kasama ni Margaret si Joaquin sa dining room para mananghalian. While four maids are preparing the table, Marga, sitting across Joaquin, notices that the maids only prepared two sets of plates. "Delilah." Lingon niya sa isang maid. "Is grandma not joining us for lunch?" Tanong niya matapos mahalatang walang pinggan o mga kubyertos ang kabiserang posisyon ng lamesa. Umiling ang matandang maid. "Hindi po, Princess Marga." "Where is she?" Usisa niya. "Last time I checked, she's in the library... reading some documents." Tumango nalang siya at tiningnan ang pagbuhos ng chicken soup sa bowl niya ng assistant chef ng palasyo. Matapos maihanda ng mga maids ang mga kubyertos sa mga tamang lalagyan ay sabay-sabay ang mga itong yumuko at lumabas sa dining room para bigyan sila ni Joaquin ng privacy. After the door closes, Marga pins her hair behind her ear and is about to drink some soup on the bowl using a spoon when Joaquin nudges her feet under the table. Nabitin ang paghigop niya at napataas ng tingin. "Oh?" "Tayo nalang rito." "Tapos?" Kurap niya. Tinaas ni Joaquin ang dalawang kamay. "Let's eat with our hands?" Agad sumilay ang ngiti sa labi niya. "Sure ka?" He shrugs his shoulders and looks around to ensure the coast is clear. He then grabs the platter of rice and with his bare hands, he slides some food on his plate. "You want some?" Alok nito. Tumawa si Marga. "Sure!" Lahad niya ng pinggan niya na siya namang nilagyan ng prinsipe. Joaquin became her closest companion during her journey becoming a princess. Ito yung nagbibigay sa kaniya ng tip paano madaling pag-aralan ang lengguwaheng French, paano hawakan sabre (that thin sword used in fencing) at kung paano paamuhin ang mabangis na si Chomper. In return, she taught him the ways of being a commoner. Isa na roon ang paano kumain nang magkamay. Ito 'ata ang paboritong natutunan nito sa kaniya kasi pag walang ibang nakikita, pilit kumain nitong magkamay. Sapo ni Marga ang tiyan sa kakatawa nang muli'y nahirapan si Joaquin paano sumubo ng kanin. "Why do they always spill?" Himutok ng prinsipe. "Di ko pa rin matantiya..." Dumikit ang ilang kanin sa bibig nito. "HAHAHAHAH!" She reaches his cheek to removes the rice grains. "Kasi ang tataas ng mga daliri mo... talo pa mga babae. Sabi ko kasi sa'yo... ipunin mo muna ang kanin, gumawa ka ng maliit na bundok..." Pinakita niya paano ito gawin sa plato niya mismo. "Pag sa tingin mo'y pulido na ang bundok ng kani'y, maliksi mo itong hahakupin at --- " She feeds the rice on her mouth. "Dali lang." Nguya niya. Sinubukan uli ni Joaquin pero bago masubo nito'y agad ito nagkakapiraso at nahulog sa plato. "Ahhh... Damn." Nagkumpol ng kanin si Marga at nilahad rito. "Say 'ahhhh'." Labag sa loob ni Joaquin na kainin iyon. "I'm not forever in your care, Margaret." Ngumiti siya. "Kumain ka nalang! Kung ipipilit mong magkamay ka, baka bukas ka pa mabusog sa liit ng nakukumpol mong kanin. Wag mo rin kasing lakasan pag-hawak ng kanin pag isusubo mo na." Joaquin keeps mumbling while munching the food. Siya naman ang sumubo ng kanin sa sarili. Nalibang nalang siyang nakatingin kay Joaquin na nagpupumili pa rin. In the end, Margaret keeps 'handfeeding' him, teasing him weak. LAKEHOUSE, PHILIPPINES Avery buttons her maternity dress near her chest after breast-feeding the twins. Hinilot niya ang leeg at nilingon uli ang mga munting anghel niyang natulog uli. "I love you, my angels." Halik niya sa noo ni Thea at Basti. -DING- Napaangat ang tingin niya sa cellphone niya sa may nighttable. Kinuha niya iyon at sinilip ang screen. A smile immediately forms on her lips as she reads the name of the Viber message' sender. "Isaiah." Umupo siya uli at binasa ang mensahe. Isaiah: "Can you send me a picture of their sleeping faces?" Nagreply siya: "Mukha mo muna. " Naghintay muna siya ng ilang minuto. Walang reply. "Eh?" Pagtingin niya sa status nito'y online naman. Nag-message uli siya: "Isaiah?" Di pa rin ito nag-reply at nag-se-seen lang. Napabuntong-hininga siya. Oo nga't siya lang at si Tita Lizbeth ang may contact rito.. pero.. Pinasadahan niya ang history ng mga palitan nila ng mensahe. Siya lang 'ata ang madaldal sa chatbox nila. Nagrereply lang ito ng LIKE emoji pag nagpapadala siya ng mga litrato ng kambal. Sa panahong tatanungin niya ito kung kamusta ito'y palagi sagot nito'y: "I'm fine." At ni isa sa sandamakmak na tawag niya wala itong sinasagot kahit bina-blackmail niya itong tumatawa na si Thea at mag-vi-videocall sila para makita nito ng unang-una pero di pa tin tumalab. Una itong nag-me-message basta't na-mi-miss nito ang pamangking kambal. Nakasimangot siyang nag-message uli: "Nagtatampo na ako sa'yo 'ha. Sa loob ng halos dalawang taon, di muna pinapakita mukha mo? Bakit? Nag-pa-nose-job ka ba? Nag-pa inject ng gluta? May malaking tigyawat ba sa ilong?" No reply. She just rolls her eyes upward. "Ay ewan ko sa'yo. Di na kita pipilitin kung away mong magpakita ng mukha." Reklamo niya sa hangin. "Bestfriend mo, pinagkakaitan mo ng litrato man lang --- " -DING- Napayuko siya sa phone. A smile finally forms on her lips when he finally sends a photo. Nilingon niya ang natutulog niyang mga anak. "Althea, Sebastian... you have one heck of a hot uncle to play with soonest." Althea Suzette smiles in her sleep as if agreeing to what her mother said. BALMORAL CASTLE | SCOTLAND Pawisang uminom ng tubig mula sa tumbler niya si Marga matapos ang kaniyang dalawang oras na ensayo sa ballet suot ang puting leotards (A/N: Leotard is a skin-tight one-piece garment that covers the body from the legs to shoulder.) Dahil na-amo na niya si Chomper, isang oras nalang ang horse-back riding lesson niya. Umupo siya sa sahig ng studio at hinihingal na sumandal sa salaming dingding habang tinatanggal sa pagkakatali ang pink ballet shoes niya. She hated ballet maybe because she grew up not dancing ballet. Matigas kumbaga ang mga muscles niya. She can't do tiptoe for more than five seconds and Governess Agnes always tell her: "MORE FLUID WITH YOUR HANDS, MARGA!". "MAKE YOUR MOVEMENTS SOFTER, LIKE A WILLOW!!". "NO, MARGARET! CHIN UP, CHIN UP! STOMACH IN!", "WRONG MARGARET! WHAT DID I TOLD YOU WHEN YOU TURN?" , "MARGA!", "MARGARET!" , "NO!", "MARGA! WRONG!!" Marahas siyang tumayo at taas-baba ang ginawa ng kaniyang dibdib sa inis na nararamdaman. > "You're unbecoming a princess, Marga." Lingon sa kaniya ng reyna. > "Behave this time, Margaret." Her tight grip on her tumbler slowly loosens. > "Remember who you are." Her shoulders fall as a sign of defeat. There's no use fighting with her emotions – she'll end up losing anyway. "Princess Marga?" Pumasok sa studio si Governess Agnes mula sa 15 mins. break nila. "Ready for our next lesson?" Di niya ito nilingon. "Still ballet?" "Of course." Punas ni Governess Agnes sa kamay nito sa panyong hawak. "Ballet can also be of help on ballroom dancing, Princess. You're movements are still edgy. We need to polish it." Napalunok nalang si Marga at yumukod para itali uli ang ribbon ng kaniyang ballet shoes. "Bring out your feminine side, Princess..." She grew deaf as Governess Agnes keeps talking about the benefits of ballet. Nagbalik-tanaw siya sa mga panahong nagiging barker siya ng mga jeep, naging kargador siya ng mga banyera ng isda sa palengke at pagkikipagmurahan sa mga tao sa Tagpi. Those activities weren't feminine or fancy... yet why was she happy back then? Matapos masuot ng mayo ang ballet shoes ay seryosong binalingan niya ang guro. "Let's start." . . Dala ang isang towel, binabagtas ni Marga ang tahimik na hallway sa east wing ng kastilyo suot pa rin ang puting leotard at kulay pink na stockings. Sa laki kasi ng Balmoral Castle, para na itong maze sa daming kwarto at daanan na magkakadugtong naman pala. At sa matagal na niyang pag-aaral ng ballet, nalaman niyang may daanan pala sa east wing kung saan mararating niya ang hagdan papuntang kwarto nang mabilis. Passing by rows of ceiling-to-floor huge windows, the orange tint of the setting sun invaded the quiet hallway. Only her shadow is playing on the still place. You can even hear the cows moo-ing on the far farm fields. "Not this again, Nelson." Napako siya sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ng lola niya. "My Queen, we need to address this issue especially that drought (El Nino) is fast approaching." Lumapit sa isang pintuan si Marga at dinikit ang tainga roon. "I know.. Nasa akin man ang huling desiyon ay dapat dadaan pa rin sa kongreso ang gusto mong mangyari." "Mahal na reyna, ipagpaumanhin niyo po ang aking kapangahasan... Pero hihintayin pa ba natin ang buong pagsang-ayon ng kongreso kung ang dami ng nagugutom sa Marchomont at Muirhaus?" Tukoy ni Nelson sa iilang malalayong lugar ng Scotland. Narinig ni Margaret ang pagbuntong-hininga nito. "I'll take note of it, okay, Nelson? For now... I'll attend to some prior commitments first." Agad lumayo si Marga nang marinig na naglakad si Nelson palabas sa library. Nakita niyang lumabas itong nakayuko at sinara ang pinto. 'Bakit? May nangyari ba?' Tingin niya sa nakasarang library. . . The same thing happened at dinner. Marga ate alone on the huge dinner room. Tanging tunog ng kubyertos lang niya ang naririnig – pati na rin siguro ang pagnguya at paglunok niya. Nag-hiwa siya ng kapiraso mula sa hinandang steamed chicken salad. The food seems bland in her tongue. Walang lasa o sadyang wala siyang gana? Binaba nalang niya ang hawak na kubyertos at tiningnan ang mahabang lamesa sa harapan niya na may doseng (12) upuan kasali ang sa kaniya. For a royal family of two (her and the Queen), this table is too much. Too sad. Too lonely. > "Pea!!" Sigaw ni Isla mula sa kusina. "Ready na pagkain mo!" Lagay niya sa bowl nito sa sahig. "Wag ka na makisali rito sa mesa. Dami kong pinamili kasi ngayong prutas." Nakangiti niyang pinasadahan ng tingin ang mga prutas na siyang nakapuno sa maliit na dinner table ni Liam sa kusina. With two high-stools, the table looked lively with those colorful fruits, scented candles and patterned placemats. In split second, Marga saw the long-table filled with fruits and different foods. Ngumiti siya. Her surroundings also change into a familiar place she considered home back then. It's his bachelor's pad's kitchen. "Isla." That voice! Paglingon niya'y si Ussie lang pala na nakasilip sa pintuan at parang nagtataka sa inasta nya. "P-Princess Margaret?" Binalingan uli ni Marga ang mesa. It went back to the long-table with white satin tablecloth sewn with red mosaic and had four candleholders arranged in the middle plus her plates and utensils. It looks empty. Tuluyan ng nawala ang gana niyang kumain. Sinapo niya ang noo. Lumapit sa kaniya si Ussie. "Princess Marga? What's wrong?" Tumayo siya at umiling. "P-Paki ligpit nalang, Ussie 'ha. D-Di na ako kakain." Dire-diretso na siyang lumabas sa dining room at iniwang nakasunod ang tingin ni Ussie sa kaniya. Joaquin exits the bathroom tying the ribbon of his white bathrobe – with hair still wet from his evening bath, he presses the answer button on his phone and switch it to loudspeaker mode. "Good evening, mother." Lumapit siya sa mesa at nagbuhos ng white wine sa crystal glass. Queen Greta: "Hi, son. How are you?" Uminom muna siya ng konting wine at umupo sa kama. "I'm great. I had a dinner with the Prime Minister, talked about golf and his family." He drinks again as he stands up to view the night scene of the Scotland's city from his room on the 20th floor of a five-star hotel. Nilingon niya uli ang phone na nasa mesa. "Also, he expresses his intent to visit Sicly, Italy ----" Queen Greta: "How's Margaret?" Automatically, he smiles. "Tumawag ka ba, inang reyna, para sa akin o para sa prinsesa?" Queen Greta: "Of course, I called for you! But I'm excited to check about Marga as well." Magaan kasi ang loob ng hari at reyna kay Margaret dahil sa natural nitong kabaitan at masayahing personalidad. Sa mga pagkakataong bumibisita ang amang hari at inang reyna sa Scotland, si Margaret agad ang hinahanap ng mga ito. Well, his parents always wanted a daughter after him ever since and Marga seems to fill that void. Umupo siya sa kama at nilaro ang wine sa hawak na glass. "Beautiful as ever." Inalala niya ang pagtawa ni Marga kanina sa kagubatan at paano ito pa-simpleng kumakanta habang gumagawa ng flower crown sa may kapatagan. "She's like a ray of sunshine...." Naalala rin niya ang pagsubo nito sa kaniya kaninang tanghalian. "... full of life. Like," He looks up dreamily. "I feel at peace... relax every time she's around." Queen Greta: "Am I sensing something on your voice, Joaquin?" Her voice teasing.  Agad nawala ang ngiti niya sa mga labi at namula. "W-What do you mean?" Queen Greta: "We may be seas apart, son, but your tone is clear from here." He grins sidewards. "What do you think, mother?" Queen Greta: "I love Margaret, Joaquin. She's so... natural." "And?" Queen Greta: "Do you love her?" He paused for a moment. > "Why, Marga? Are you waiting for someone?" Then he saw her body tensed with that question. Her eyes avoids looking at his. "It depends." He places the glass on nightable and drops his body on the bed. Queen Greta: "Depends?!" At tumawa ito sa kabilang linya. "What kind of answer is that?" "Mother, I can't give my hundred percent to someone who is ---" Queen Greta: "Do you love her?" Ulit nito. He sighs. > Margaret cutely pouts as she whines about her old governess. "I think, I do." Seryoso niyang sagot. > He kisses her hand after meeting her for the first time. "Islanda... that's a beautiful name." He looks up to the red-haired beauty he bumped in the pristine shore of Caribbean. "But how can you love someone who is already loving someone else?" Queen Greta: "Are you not up for some competition?" Natigilan si Joaquin. Queen Greta: "Love is battleground, my son. Love is not given without a fight." "You're right..." Sang-ayon niya. Queen Greta: "Love is battleground, my son. Love is not given without a fight." Di na siya sumagot pa. Tama nga naman ang inang reyna. Di magbabago ang kaibigang pagtingin sa kaniya ni Marga kung di niya ipaparamdam rito ang nararamdaman niya. You won't know what wind feels like if you won't feel it. Queen Greta: "I think it's right time for you to ask her hand for marriage." Suhestiyon ng inang reyna. "I really like Marga for you." "Marriage?" Umupo siya uli sa kama. "Isn't that a bit fast?" Queen Greta: "Mabubuo ba ang kasabihang: 'The early bird catches the worm.' Kung kukupad-kupad ka? Son, you are born a prince. You don't follow what's in today like courtship and all? No. Dati, wala akong gusto sa papa mo. It was a forced marriage yet.. your father woo-ed me and he did make me fall in love with him." Ngumiti siya at tumango. "And you're right again, mother." Queen Greta: "The next time I call, gusto ko ng good news 'ah. I love you, Joaquin. Good night." Lumapit siya sa phone. "Sleep well, mother. Goodnight." At pinindot ang End Call button. Binagsak uli niya ang sarili sa kama at huminga ng malalim. He smiles as new hope starts to appear within him. "Right. I'm too weak to give up this early." Sinara ni Margaret ang binasang libro at bumaba sa kama. In gentle steps, she crosses her room, opens her door and checks the hallway. It was quiet. Pumasok siya uli sa kwarto at tiningnan ang orasan. 10:30 PM. Ngumiti siya at kinuha uli ang tsinelas sa ilalim ng kama pagkatapos ay nagbihis ng komportableng damit para sa plano niyang tatakas uli sa palasyo. In those little time alone, far away from the palace, she always finds solace in the middle of those sunflowers. Kaya di siya pumapalya tuwing gabi sa pag-alis. In that place, she can feel herself fully re-charged for the next day's another set of soul-wrenching activities. Matapos makababa sa lupa, maingat siyang tumakbo papuntang sa likuran para kunin uli si Chomper. Dala ang kumot niya na sinilid sa loob ng damit kaya parang siyang kuba sa bukol niya sa likod. Chomper, upon sensing she is near, softly sniffs on the spaces between his door made of wood. She jumps to peek inside Chomper's stable. "Excited ka na 'ata ha?" Binuksan niya ang pintuan. Agad namang ningungod ng kabayo ang ilong nito sa leeg niya. "I know. I know. Again, let us be quiet..." Hinila niya tali nito. . . After arriving on the sunflower field, she jumps off Chomper's back and tied him to a tree. Patalon-talon siyang lumapit sa mga nag-tataasang sunflower. "Hello." Ngiti niya at dinama ang mga tangkay nito gamit ang mga daliri niya. "Andito uli ako..." The wind from the eastern coast blow softly, making the sunflowers look like they're dancing. Naglakad siya sa gitna ng mga ito. Reaching a vacant circle lot in the middle of them, nilabas ni Marga ang dinalang kumot at nilapag iyon sa lupa. Umupo siya roon at yakap-yakap ang tuhod ay tiningala niya ang malaki at maliwanag na buwan. "Patambay rito 'ha." Sabi niya sa bilog na buwan. "Malungkot ako ngayon 'eh." Humiga siya sa kumot habang unan niya ang dalawang braso. Sa posisyon niya ngayon, malayo siya sa tinitingala ng iba na isang di makabasag-pinggang prinsesa. Pumikit siya. Ngunit... sa posisyong iyon siya nakakaramdam ng kaginhawaan. When she opens her eyes, she went still. "Teka..." Niyuko niya ang sarili. This soft, flowy white dress. She looks at her hair, it was again braided loosely in sideways in red-ribbon. She looks at her surroundings. It was a sunflower field with a nearby river, flowing with clear waters. This place. She's been here before... in her dreams. Agad niya nilibot ang paningin. 'W-Where are you?' Tumalikod siya. 'P-Please... let me see you... please...' Her heart feels tightly-caged in her chest as it pounds heavily. 'Where are you?' Tumakbo siya. All she can see are endless yellow flowers. 'Please...' She clenches her fists and is about to shout his name when... "Looking for me?" A voice speaks at her back. Agad niya nasapo ang bibig. Her tears immediately fall from her eyes. "G-God..." She felt him walking towards her and stops behind her. She closes her eyes as she feels his hand softly brushing her neck to hold her braided-hair. 'Turn, Isla! Please! Turn around!' Sigaw ng utak niya subalit di tumitinag ang katawan niya. 'Turn!!' "Isla." A surge of pleasure possesses her. No one says her name beautifully than him. "Y-Yes?" 'Turm, Isla! Look at him!' "Look at me." "I can't!" Iyak niya. "I can't m-move my body..." Iyak nalang niya habang pilit ginagalaw ang katawan. "I can't m-move --- " "You can't move bec. you choose not to." Natigilan siya at hagulhol na umiling. "N-No, Isaiah... I wanted to look at you..." Then the sunflower field disappeared before her eyes and she gasps when the scene changes. Nasa harap na niya ang eroplanong sinakyan niya nung umalis siya sa Pilipinas. Niyuko niya ang kamay kung saan yakap-yakap niya ang back-pack niya. "N-No... No..." Nag-uunahang pumatak ang luha niya. This memory... It's too painful... "No, no... Please..." Not this memory. "You had your chance to turn, Isla." She can feel his warm breath on her nape. "Million chances to turn around...." "I HAVE NO CHOICE!!!" She shouted between tears. "I...h-have..." Hikbi niya. "I....uhhnnn... I have no choice... Isaiah..." She finally said his name. "And now you wanted to look at me?" Her surroundings change back to the sunflower field. "Things have changed, Margaret." He whispers. "D-Don't call me that..." Hagulhol niya. She can't even move her hands to wiper her tears. "This time, you truly let go of the chance to have a choice." At biglang naramdaman ni Marga na bumigat ang ulo niya. Her hand moves to touch her head – no.... It was a... Kinuha niya kung anumang pumatong roon. It was a crown. "Isaiah." Bigla siyang nabuhayan ng pag-asa ng makagalaw na siya. "I'm sor --- " Paglingon niya'y wala na ito. "Isaiah?" She looks down. Noon, biglang sumabog si Isaiah sa napakaraming petals nung yayakapin na sana niya ito. Ngayon, nakatingin nalang siya sa lantang sunflower sa paanan niya. "I'm sorry." Iyak nalang niyasabay dampot sa bulaklak. Napabalikwas ng bangon si Margaret at agad sinala ang magkabilang pisngi. They are wet with tears. Napalingon siya sa likuran niya nang biglang umingay si Chomper sa may di kalayuan. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. 2:15AM. Kahit nanginginig pa ang tuhod mula sa pagkaidlip at sa masamang panaginip, pilit siyang tumayo at tinakbo ang direskyon ng kabayo. She needs to go back to the palace immediately. Baka magtaka ang mga rumorondang guard na bukas pa ang ilaw at bintana ng kwarto niya. While walking fast, she wipes the tears on her face. Kahit gaanong punas niya sa mga luha'y di mapapawi ang mabigat na pakiramdam ng puso niya. Remembering that scene will always be a torture. . . "s**t!" Mura niya nang matingalang sirado ang bintana ng kwarto niya. Baka pumasok siguro si Jean at Ussie at sinara ang bintana na di nahahalatang wala siya sa kwarto. Inis niyang tinahak ang pintuan sa likod. Dasal niya'y bukas pa iyon. Nakaramdam na siya ng ginaw. Laking tuwa nalang niya na bukas pa iyon at gumapang para wag makita ng head chef na nag-a-arrange ng mga gamit na panluto sa mga closet. Exiting the dirty kitchen and into the dining room, she tiptoes to open the door that leads to the stairs. "Margaret?" "P*ta --- " Tinakpan niya ang bibig at nilingon ang may-ari niyon. Para siyang naubusan ng dugo nang makilala niya iyon. Queen Mary, on her silky maroon nightrobe, is holding a glass of water. "G-Grandma." Yuko niya bilang pagkilala at halos masampal niya ang sarili ng may dalawang petals ng sunflower ang nahulog sa sahig mula sa ulo at balikat niya. 'Langya...' "You're still awake?" "Y-Yes." Tingin niya sa reyna. "I.. I was..." She looks away to look for something that she could use for an excuse. Napako ang tingin niya sa hawak na baso ng kaniyang lola. "I was thirsty." Sinalubong niya ang tingin rito. "I'm on my way to the kitchen to grab some drinks." Mary's eyes fall on the two petals contrasting the red carpet. "I see... You go sleep after." Tumango siya. "Yes, g-grandma." Nilagpasan siya ng reyna. She held hear breath until the Queen passed by her. Naibuga nalang niya ang kanina pa niyang pinipigilang hangin. "Whew ---" - BLAG – Napatalon nalang si Marga nang makarinig ng tunog na parang may natumba. "Ano yu – GRANDMA!!!" Hiyaw nalang niya nang makita ang reyna na nakabulagta sa sahig. Mabilis niya itong dinaluhan at tinihaya sa hita niya. "G-Grandma..." Natatarantang yugyog niya rito. "Grandma, wake up!!!" Namumutla ito. "GRANDMA!!" Lumingon siya sa paligid. "NELSON!!!!! SOMEBODY!!! HELP PLEASE!!!!" Sigaw niya nang malakas. "HELP!!! NELSOOOOOON!!!" Niyuko niya ang abuela. "Grandma..." . . Nakaupo sa sahig sa tabi ng kama ng reyna si Marga hawak-hawak ang kamay nito. Mahimbing itong natutulog sa kama kung saan kitang-kita niya ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib nito. "Grandma..." Dala niya sa kamay nito sa pisngi niya. Nakatayo naman sa paanan si Nelson at isa sa mga maid na unang rumespondeng si Grema. Pumasok ang doctor na agad namang sinalubong ni Nelson. Lumingon rito si Margaret. "D-Doc." Tumango ang family doctor nila sa kaniya bilang pag-galang. "Princess. I already talked to my nurse. Papunta na yun rito dala ang mga gamot para sa reyna." Tinapunan nito ng tingin ang natutulog na reyna. "She's over fatigue, Princess Marga. She works too much and it's talking toll on her body. The Queen is already 82 years old and too much stress is bad for her frail health." Nag-aalala nilingon niya ang reyna. Nalungkot siya sa nakitang hitsura ng mukha ng reyna. Despite her old age, she still manages to look magnificent, yet it didn't conceal the signs of stress – deep wrinkles on her forehead and on the sides of her mouth and the dark circles under her eyes. "She needs to rest. Higpit kong ipagbabawal ang pagpapagod niya. Madali lang siyang magkasakit dahil sa tumatanda niyang edad. This is a sad reality for any human beings, Princess. May you be a Queen or simple citizen, all of us experienced aging." Tumango siya. "The Queen shoulders all the problems of our countries and that's too much for her. So please, even though she hates it, make her rest. It's for her own good." At naalala ni Marga ang mabigat na pag-uusap ni Nelson at ng reyna kanina. Di rin ito kumain ng agahan at hapunan. The Queen is formidable to handle heavy problems of the countries alone. "Grandma..." Dinama niya ang noo nito. Nag-usap muna saglit si Nelson at ang doctor. Pagkatapos ay pinasama ni Nelson ang maid sa doctor para iihatid ito palabas. He turns to her. "Princess.." Nilingon niya ito. "Nelson..." Kagat niya sa ibabang labi. Napabuntong-hininga ang matandang katiwala. "I'm sorry, I didn't stop her to rest --- " Umiling siya. "It's not your fault. She feels responsible for all of her constituents and she will feel bad if she just rest while her people are suffering." Dahan-dahang tumango si Nelson. "Ba't pakiramdam ko wala akong kwenta?" Sisi niya sa sarili habang tinutunghay ang mukha ng reyna. Umiling ang lalake. "Oh no, no... please don't blame yourself, Princess. You're still learning the ropes ---" "Sa loob ng dalawang taon?" Lingon niya rito. "Dapat marami na akong alam. Dapat nakikihalubilo na ako sa mga diskusyon... ibahagi ang opinion ko ---" "Princess." Putol nito. Nag-iwas siya ng tingin. "Napakagaling niyo nga po. Ang bilis niyong natuto samantala yung ibang mga ka-edad mo'y mula pa pagkabata'y nahihirapan pa rin." "Pero --- " Nelson kneels on one knee and pats her head. "You're doing well, Princess Marga." Lumabi siya at pilit wag umiyak. "Okay, for your consolation..." Alok ni Nelson. "...the Queen is looking forward to this meaning with a businessman later at 10AM." "Meeting?" Tumango si Nelson. "Yes. Para ito sa plano ng reyna na magtayo ng dam ng tubig sa Mauchester. Problema kasi ang patubigan roon. Naapektuhan na rin pati pananim at mga hayop. This is important." Tiningnan niya ang lola. "Mahina ang katawan ng lola, Nelson. Ako muna ang papalit sa kaniya sa meeting." "Then let me assist you, Princess." Ngiti ni Nelson. "Do you want me to brief you with the details?" Buo ang loob niya na tumango. "Please do." . . Dalawang oras lang ang tulog ni Marga at ni Nelson kasi buong magdamag nilang pinag-aralan ang suhestiyon ng reyna sa nasabing businessman. Ganoon nalang siya namangha sa magandang plano ng abuela niya para sa mga tao sa Mauchester. The water dam will benefit all people on that poverished area of Ireland. Sa daming problemang hinaharap ng lola niya'y nagawa pa nitong bumuo ng magandang plano. No wonder the people of Scotland and Ireland loves their Queen. She indeed has the heart for hear people. Margaret wants to be like her. Kasalukuyang nakaupo siya kaharap ang salamin sa kwarto habang inaayos ni Jean ang buhok niya at si Ussie ay nakatoka sa paghahanda ng isusuot niya sa meeting mamaya. Hawak pa rin niya ang dokumento ng proposal ng lola niya. "A year for construction..." Pag-intindi niya sa mga detalye. "Then another year for staff training to handle the dam..." Napalingion silang tatlo nang may kumatok. Sumilip roon si Nelson. "Princess, 10 minutes?" Ngumiti siya at tumango. "I'll be ready by then." Tiningnan niya ang dalawang katiwala sa repliksyon ng salamin at nakaramdam siya ng kaginhawaan nang ngumiti ang mga ito sa kaniya. "You'll do great, Princess!!" Sabay suporta ng dalawa sa kaniya. Margaret fidgets with her fingers as they travel towards the restaurant for the venue. 'T-Teka lang... d-di pa m-masyado akong napasubo?' Sinapak niya ang noo. 'Wag kang ganiyan, Margaret! Kaya mo 'to! Kaya mo 'to! Mag-uusap lang kayo...' Tiningnan niya si Nelson na nakaupo sa harap, katabi ang driver. "Nelson?" Lumingon ito. "Yes, Princess?" "W-What's in stake for today's meeting?" "Well, if you happen to convince businessman... then we'll have the deal." "What if I fail?" "Uhh.. t-then we'll find another investor." Napasandal nalang si Margaret sa upuan. 'Naku.... Paano pag di ko maintindihan ang lenggwahe niya... pag ito mabulilyaso... kasalanan ko talaga ang patuloy na paghihirap ng mga mamayan sa Mauchester.' Di pa nga nagsisimula'y iba't-ibang scenario na ang pumapasok sa isip niya. Pinilig niya ang ulo. She needs a distraction. "Nelson?" "Yes?" "T-Tell me about this... businessman." "Oh... I heard he is an American and from a big company in the U.S." Nanigas ang kamay niya sa pagsilip sa mga detalye sa hawak na dokumento. "A-American? F-From the U.S.?" "Yes." Tingin ni Nelson sa rearview mirror. "Why?" Her throat runs dry. "Who is he again?" At bago makasagot si Nelson ay huminto na ang kotse sa harap ng isang restaurant. "Wait here, Princess... let me check the venue and confirm the reservation. Stay inside." Utos nito tsaka lumabas. Dinama niya ang dumagundong na dibdib. "I-It can't be..." Bumukas ang pintuan sa passenger seat at sumilip si Nelson sa loob. "Everything is okay, Princess." Dahil wala sa mismong siyudad ang restaurant, wala masyadong tao roon kaya walang makakita sa kanila. Unlike the publicized lunch they had with the Canadian Prime Minister. She exits gracefully with her peach shirt-dress and two-inch high heels black pump shoe. Her hair in high-ponytail. Di pa rin kumakalma ang dibdib niya sa pagtambol. Every step she takes are heavy yet with excitement. 'He's here.' Nelson opens the door of the restaurant. Nahigit niya ang hinga niya. With his back on her, the well-built man is looking on his phone. His hair is golden... but will his eyes have the same hue of blue? She clutches her purse tightly. 'Please... look at me.' Nelson approaches the man and lends his hand towards him. Dahan-dahang lumingon sa kaniya ang lalake. Lumapit si Nelson sa kaniya. "Princess Marga, this is James Morrison." Her heart immediately sinks in. "Ohh..." It was not him. The middle-aged man, blonde and with dark eyes, smiles at her. "Princess Margaret." Lahad nito ng kamay. "Glad to finally meet you." Di agad siya nakahuma at nakatingin lang sa kamay nito. Pinaglilipat ni Nelson ang tingin sa dalawa at binulungan ang prinsesa. "Is something wrong, Princess?" Doon na siya natauhan. "Oh! S-Sorry.." Pinilig niya ang ulo at ngumiti sabay tanggap sa handshake ng negosyante. "H-Hello, Mr.?" "Morrison." "Mr. Morrison." Matamis niyang ngiti. "Apologies, the Queen can't come due to emergency reasons she needs to attend to." [A/N: Health issues among royals are strictly prohibited to be shared to public in order not to raise unrest among the citizens. That they might think they'll lose a leader.] "Hope my presence is enough?" "More than enough." Tango ng lalake. "Let's sit down, shall we?" Alok nito sa nakareserbang lamesa nila sa restaurant. Gustong matawa ni Marga sa sarili. It can't be him, because if it was him... Nelson or even her grandmother would have not this meeting in the first place. "This is a very ambitious plan, Princess." Tingin ng negosyante sa proposal ng reyna matapos nilang mag-brunch at i-explain ang plano ng gobyerno ng Scotland. Nakaramdam ng pagka-alarma si Margaret sa nakikita nitong pag-aalinlangan. "Mr. Morrison." Tumangin ito sa kaniya. "This is for our people. Let your men do your work... let us repay you, aside from money, the gratitude of thousands of our citizen. I know you are a businessman, and you don't do thing for free. But give this a shot... I promise you, your company will have more profit than you imagined." "How can we ensure that?" Ngumiti siya. "Kasi tanging kompanya niyo lang ang kukunin naming magmamanage ng water dam. We'll have... as said by our proposal, 20% of the revenue. You'll have the 80%. Two years... three years from now, babalik sa inyo ang puhunan niyo. Doble." She bit her lower lip as the man looks down on the proposal again. Tiningan niya si Nelson. Tumango ito na parang sinabi nitong okay lang ang lahat. Sana nga... Mr. Morrison looks at her then at Nelson. "Looks like we have a deal." Natakpan nia ang bibig para wag sumigaw. Di siya makapaniwala. Nakuha niya ang deal!!! "I-Is that a yes?" The businessman smiles widely. "I admire your love for your people, Princess Margaret. You'll be a good queen someday." Nilahad nito ang kamay. "Yes." Malapad ang ngiti niya na nilingon si Nelson at si Mr. Morrison. "Oh, thank you! Thank you!" Tanggap niya sa kamay nito. "You just made our people happy!" Tumango ang negosyante at tinanguan ang secretary nito para ihanda ang contract. She wants to jump for joy. 'I did it! Yes! Yes!' The secretary then gave her the contract to read. Agad niyang pinalapit si Nelson para dalawa silang mag-review noon. Mr. Morrison was about to say something when he saw someone enters the restaurant. "Oh...what do we have here. Never in my whole life I came to see a Miller this close." Parehong natigilan si Margaret at Nelson. A Miller. Agad lumingon si Margaret sa b****a ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD