Chapter 25: The Booth

2828 Words

Chapter 25: The Booth   Matapos ang ilang oras na lecture ay sa wakas nag-dismiss na ng klase ang kanilang teacher sa Algebra. May kasabikang pumunta si Lance sa fifth row. Nandoon kasi ang kasintahan niyang si Denise. Naratnan niya ito at si Adrian na nagliligpit ng mga gamit.   “O, ang bilis mo namang pumunta rito. Kaaalis pa lamang ng guro natin at nandirito na ka na agad,” wika ni Adrian nang mapansing nakatayo na ang kaklase katabi ni Denise.   “Bakit, bawal ba? Kanina pa ako nakaligpit ng mga gamit, e,” pasimpleng tugon ni Lance.   “Hindi naman sa bawal,” tugon ni Adrian. Agad napalingon si Denise kay Adrian. Hindi pa tapos ang kasintahan ni Lance sa pagliligpit ng mga gamit.   Sa klase kasi nila kanina ay gumamit sila ng mga drawing instruments. Gaya ng ruler, compass, pro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD