Chapter 1: The Dinner

2600 Words
Chapter 1: The Dinner Kakarating lang ng kuya ni Denise mula sa ibayong dagat. Dahil doon, nagdesisyon ang ama ng tahanan na maghapunan silang limang magpamilya sa magarang restaurant. Nakaupo sa dulo ng mesang puno ng mga nakakatakam na pagkain ay ang padre de pamilya na si Benson Frendon. Katabi niya sa kanan ay ang asawa niya na si Grace Frendon. Sa kaliwa naman ng ama ay ang pinakamatandang anak nitong si Vince. Ang bunsong si Denise naman ay katabi ang ina. Kaharap ng dalaga ay ang pangitna sa kanilang tatlong magkakapatid na siya rin ang dahilan kung bakit may ganitong piging na nagaganap kasalukuyan. Siya ay si Teejay Frendon. Nang inihatid na ng waiter ang panghuli sa ini-order nilang mainit pang corn soup bilang appetizer ay hudyat na iyon para simulan ang hapunan nila. Mula sa hapag ay kinuha ng bawat isa ang kubyertos na tinatawag na soup spoon. Ito ay ang medyo may kalakihang kutsara na ginagamit ng mga pormal at mayayamang tao kapag kumakain ng sopas. Kailangan muna nilang ubusin ang soup bago dumako sa mga main course dishes. “O, sabi na nga ba at masasarapan kayo sa appetizer nila rito,” wika ng ama ngunit hinahanap pa rin ang verbal na pagsang-ayon ng mga miyembro nito. “Masarap nga talaga, Pa. Bukod sa tamang-tama lang ang timplada ng mga condiments, masasabi mong magandang uri talaga ng mais ang ginamit nila rito," pagsang-ayon ni Teejay. "Paano n’yo nalaman ang tungkol sa restaurant na ‘to?" “Noong nakaraang buwan lang, Anak,” ang mama Grace niya ang nagsalita. “Anniversary kasi namin iyon ng papa mo. Eh, napagplanuhan na naming mag-foodtrip buong araw gaya ng ginagawa namin noong magkasintahan pa lang kami. Ang ginawa namin ay naghalughog kami sa internet ng mga magagandang kainan para puntahan. Doon namin nakita itong restaurant na halos magaganda ang feedback ng mga guests nila.” “So that explains it,” simpleng tugon ni Teejay at pagkatapos ay muling humigop ng soup. “Nice choice of place for a homecome celebration.” Dahil sa nasa isang maliit na bowl lamang ang corn soup nakalagay, ang pagkain niyon ay hindi masyadong nagtagal. Nang ma-appetized na ang buong pamilya ay sinimulan na nila ang pagkain sa lahat ng mga nakahain sa mesa. “Teej, ngayong nakauwi ka na mula sa America, ano ang masasabi mo sa lugar na iyon?” habang humihiwa ng roasted chicken ay nagtanong ang kuyang si Vince sa balik-bayan niyang kapatid. “Gaya ng kuwento mo sa akin noong nag-o-OJT ka pa sa pagiging business administrative mo roon, maganda nga ang pamumuhay sa America. Makakapili ka ng oras kung kailan mo gustong pumasok sa trabaho, provided na ma-fullfil mo ang working hours requirement per day na nakasaad sa kontrata mo. Bukod doon ay maganda rin ang sahod sa overtime. And most importantly, hindi hassle ang pagbiyahe papuntang one place to another. Napaka-organized ng lugar na’yon. Ngunit, iyon nga lang, gaya rin ng sabi mo ay iba talaga kapag nasa tabi mo ang pamilya mo.” Mula sa nagsasalitang kapatid, inilipat ni Denise ang paningin sa mga magulang. Gaya ng inaasaahan niyang makita sa mga mukha nito, masaya ang mag-asawang magkahawak kamay na pinagmamasdan ang mga anak nila. Kaya bilang tugon sa sinabi ng kuya Teejay niya ay ngumiti rin siya. Ngayon na nakapag-OJT na ang dalawang kuya sa America, siya na lang ang inaasahan ng mga magulang niyang doon din kukuha ng internship. Ngunit ewan niya kung magagawa niya iyon on time. To start with, engineering is a difficult field of practice and discipline. “Kaya, Den, sipagan mo lang ang pag-aaral.” Mula sa mga magulang ay pinadako ni Denise ang paningin sa kuya Vince niyang nagsasalita. “And before you know it ay nasa pictorial ka na para sa graduation mo.” Tumango-tango lamang si Denise bilang pagtugon. Ang graduation pictorial ay isa sa mga fulfilling part ng pagiging college student. Doon, masasabi mo sa sarili na official candidates ka na para sa graduation. Ngunit sa kaso ni Denise, tila ang makapunta sa bahaging iyon ng pagkakolehiyo niya ay isang bituin na siya ay isang mabagal na satellite explorer lamang na may destinasyon papunta roon. Nakakatuwa mang isipin ngunit parang ganoon ang eksaktong halintulad ng kasalukuyang estado niyang bilang studyante sa engineering. Gamit ang mga kubyertos ay sumubo ulit si Denise ng pagkain. “Mahirap talaga kapag engineering ang kurso mo, Den," si Teejay. "But to motivate you, maraming mga magagandang opportunities ang kayang maialok sa iyo ni America kapag nandoon ka na. Si Kuya, given nang itataguyog ang family businesses natin. Ako, maghahanda na lang para sa board exam pagkatapos ng graduation. Ikaw, sipagan mo lang talaga ang pag-aaral. Five years na sakripisyo, at makikita mo ang itinutukoy ko." “Pagsisikapin ko po, Kuya,” sabi ng dalaga. Although she speak those words with some sort of confidence, she really doubt herself if she can really make it out of college on time. Dahil sa nahihirapan na siya ngayon sa mga lectures nila as a first-year pa lamang, ano na lang kapag nasa final year na siya? Nararamdaman niyang along the way ay may mga maibabagsak talagang siyang subjects. Hopefully ay hindi iyon darami sapagkat kahit walang patakaran ang school nila na ma-ki-kick out ang mga students na maraming fail, ngunit ang sa kanya ay baka mag-na-nine years na siya sa kursong kinuha at hindi pa siya graduating. “Actually, sinabihan ko na ang kapatid mo tungkol sa bagay na’yon,” nagsalita ang ama nila. “Binigyan ko siya ng mga options na pwede niyang pag-isipan. At ang isa sa mga iyon ay…” “Dad, sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Ayaw ko ng ganoon!” mabilis na sabat ni Denise dahilan para maputol ang sinasabi ng ama. “Tungkol saan, Dad?” naguguluhang tanong ni Teejay. “Hay, nako, Anak, hayaan mo na ang ama mo. Kulitan lang nilang dalawa ni Denise ‘yon noong nakaraan. Nakita kasi ni Papa mo ang tatlong test papers ng bunso mo sa tatlong magkakaibang subjects. Lahat ay may score na zero.” Dahil sa sinabi ng mama nila ay sumabog sa tawa ang mga kuya ni Denise. Ngayon ang dalaga ay nahihiya na sapagkat nakakahalata na ang mga kalapit mesa nilang nag-di-dinner din tungkol sa pinag-uusapan nilang magpamilya. Kahit na gusto niyang pagalitan ang ina at ama dahil sa mga sinasabi ng mga ito at gantihan ang mga nakakatandang kuya niya, respeto na lang sa pagkain ang pinairal ni Denise at tumahimik. Sumubo siya ng pagkaing masarap ngunit nabigo itong pagaanin ang nararamdaman niyang pagkahiya sa mga asta ng pamilya niya sa marangyang lugar na ito. “So, Dad, ano itong kinukulit mo kay bunso?” tanong ni Teejay sa ama. “Hay, huwag na, Anak. Baka pag-uwi natin ay hindi na ako kausapin niyan,” tugon ni Benson. Ngumunguya ng pagkain, sa isip ni Denise ay parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Salamat at alam ng papa niya kung hanggang saan lang dapat ang sasabihin tungkol sa usapan nila noong araw na iyon. Nakakatunaw sa hiya kapag detalyadong nalaman ng mga kuya niya ang usapang iyon! Nang biglang nagsalita si Vince, “Ngunit kung ayaw ni Papa ay kayang-kaya kong sabihin sa iyo, Teej, ang nangyari noong nag-usap silang dalawa. Liban sa kaalaman ni Denise ay nandoon ako at nagtatago malapit sa kanila at pinipigilan ang sarili na tumawa. Bro, napaka-epic niyon!” Biglang nanlaki ang mag mata ni Denise sa sinabi ng nakakatandang kapatid. Sa isip niya, papaanong nandoon ang kapatid niya habang nag-uusap silang dalawa ng papa niya? Sa pagkakaalam niya kasi ang kuya niya ay nasa sarili nitong kuwarto at naglalaro ng video game. Ngunit bakit nandoon na rin ito sa library ng bahay nila at nakikinig sa nangyayari? “Kuya, alam mo ngunit hindi mo sinabi?” hindi makapaniwalang tanong ng dalaga. “Oo naman. Ano ba ang gusto mong ibunyag ko para mapatunayan na nandoroon ako at nakikinig? Ang pinagsabihan ka ni Papa na mas pag-igihan pa ang pag-aaral, o ang nangyaring pagtawag ni Papa sa lalaking pinakamatalino sa section mo?” Hearing what her brother Vince said, it made her shift back to that event na gusto na lang niyang ibaon sa limot dahil sa hiyang nakamtam sa kagagawan ng ama... Sabado ang araw na’yon at kahit na may scheduled ROTC drill sila ay inatras iyon sa susunod na linggo dahil sa may pupuntahang seminar ang mga officers nila. Kasalukuyan siyang nandoroon sa library ng bahay nila at naghahanap ng Algebra textbook nang biglang dumating ang ama niya. Ipinakita ni Benson ang hawak nitong tatlong yellow pad na nakagusot na sinabi niyang nakita niya raw sa basurahan. Kahit na hindi niya pa nakikita ang nilalaman niyon ay agad nang humingi ang dalaga ng tawad sa ama. Dagdag pa ni Denise ay pag-iibayuhin niya pa ang pag-aaral para sa susunod ay makabawi na siya sa mga mabababang scores niya. Mabilis namang tinanggap ng ama ang sinabi ng anak at pinalakas rin ang loob nitong mas pag-igihan pa ang pag-aaral. Nang sa tingin ni Denise ay matatapos na ang pag-uusap nilang mag-ama ay may hiningi si Benson sa kanya. Number daw ng pinakamatalino sa kanilang klase. Kahit na nagtataka sa hiningi ng ama ay mabilis na kinuha ni Denise ang cellphone at ibinigay ang gustong number nito. Nang matanggap na ng ama ang hinihingi ay nagbalak na ang dalagang umalis sa library sapagkat nakuha na niya ang sadyang libro. Ngunit nang papalabas na siya sa pintuan ng library, narinig niyang nagsalita ang papa niya. “Good morning, Mr. Vladimir.” Dahil sa apelyido ito ng pinakamatalino sa section nila ay hindi muna nilisan ni Denise ang library. Mula sa pintuan ay bumalik ang dalaga para makinig sa pag-uusap ng papa niya at ng kaklase na nasa kabilang linya. Bakit naman kaya tatawag ang papa niya sa lalaking iyon? “Ah, goodmorning, too. To who am I speaking?” At naka-loudspeak pa ang cellphone ng papa niya. “This is the father of Denise Frendon.” “Ah, Mr. Frendon…” napansin ni Denise ang bahagyang pagtahimik ng kabilang linya. Then, “What can I do for you, Sir?” “Actually not in particular naman itong pagtawag ko. Gusto ko lang naman makilala ang crush ng anak ko.” Pansamantalang natigilan si Denise dahil sa sinabi ng ama. Ano ang pinagsasabi nito? May nabanggit ba ang dalaga sa ama niyang may natitipuhan siyang lalaki. Sa pakaalala niya kasi ay wala. Ano ang gustong ipahiwatig nito sa kaklase niya? “Pardon me, Mr. Frendon. But I don’t understand,” sagot ng kaklase. “Yeah, yeah. That is the reason why I have called you. Funny is it that those smart people are always slow in identifying that there’s someone admiring them. Do you have girlfriend?” “No, Sir.” “What about boyfriend?” “I am not homosexual, Sir.” “Just as what I’ve expected. Oh, well.” Pansamantlang natigilan ang ama ni Denise nang nagpatika sa kanya ang dalaga. Ang mukha nito ay nagpapahiwatig na hindi na niya nagugustuhan ang daloy ng pag-uusap ng ama sa kaklase. Ngunit ganoon pa man ay ipinagpatuloy lang ni Benson ang pakikipag-usap kay Mr. Vladimir. “Son, seryusong usapan ito. Lalaki sa lalaki, maganda naman ang anak ko. Kahit papaano ba ay may nararamdaman kang affection kay Denise gaya ng nararamdaman ng anak ko sa’yo?” Dahil sa tanong ng ama ni Denise ay bilang nablanko ang kabilang linya. At nang makalipas na ang ilang sandali na dapat ay nakasalita na si Mr. Vladimir para tugunan ang tanong ay walang ibang narinig ang dalawang Frendon ngunit ang kakaibang katahimikan. Nanlumo sa ginawa ng ama niya, ngunit nang binabalak nang magsalita ng dalaga para pagalitan sana ang ama, sakto namang nagsalita ang matalinong kaklase sa kabilang linya. “Hindi ko po ipagkakilang maganda ang anak mo, Mr. Frendon.” Nanigas ang dalaga sa narinig. “But before ko po sagutan ang tanong na’yan, lalaki sa lalaki, can we keep this conversation as a secret from anyone including Denise?” “Sure!” agad na tugon ng ama ng dalaga. “Kahit na medyo nakukulitan ako sa anak n'yong iyan ay may gusto din ako sa kanya.” Nanlaki ang mga mata ni Denise dahil sa ibinunyag ng kaklase niya. Ano, may gusto sa kanya ang pinakamatalino sa kanilang section? That is uncommon… Kaya bago matapos ang tagpo sa library ay sinabihan ni Benson si Denise na may mga options na siya para huwag nang mahirapan sa pag-aaral. Either na kukuha sila ng isang magaling na tutor, o gawin niyang boyfriend ang pinakamatalinong lalaki sa section nila. Kahit saan doon ay okay lang sa ama ang pipiliin ng anak. Malalim na ang gabi nang makalabas ang pamilya Frendon sa magarang restaurant. Kahit na masaya ang nangyaring family dinner ay nakokonsensya ang dalaga kay Mr. Vladimir. Ang pinakamatalinong kaklase kasi ang naging subject ng pag-uusap nila kanina. Bukod sa matalino ang lalaking iyon ay mabait din. Si papa niya kasi, e, pinapakialaman ang pag-aaral ng anak. Mula sa labas ng restaurant ay dumiretso ang pamilya Frendon sa parking lot at tinungo na ang kulay dark brown na Toyota Rush ng kanyang ama. Nang makapasok na silang lahat sa loob ay agad nang ipinaandar ni Benson ang sasakyan. Sa malalim nang gabi at may kahabaang biyahe. Dahil doon ay napagdesisyunang magbukas ni Denise ng cellphone. Binuksan niya ang chat box na para sa section nila para malaman kung ano ang pinag-uusapan ng mga kaklase. Mayroong nagpapa-like ng isang picture para sa pageant ng pinsan nito, mayroon din namang nag-uusap para sa susunod na concert ng paborito nilang K-pop group sa bansa, at napasama rin sa konbersasyon ang bagong update ng isang popular na laro sa mga mobile phones. Nang biglang may nag-appear na notification sa itaas ng screen ng phone ni Denise... Binasa niya ito at nagulat sa nakita. Lance Vladimir sent you a friend request. At kahit na alam na niya ang posibleng kahihinatnan nitong gagawin niya, nonetheless ay pinindot niya ang “Accept”. Ngayon ay opisyal na siyang f*******: friend ng pinakamatalinong lalaki sa section nila. Ewan niya kung ano ang pumasok sa utak niya na pumunta sa profile ni Mr. Vladimir at tingnan ang mga larawan ng lalaking alam niyang may gusto sa kanya. Hindi niya ipagkakaila na ang pogi nitong classmate niya. Parang si Henry Cavill minus the divided chin ang pigura ng mukha nito dahil sa parehong squared-jaw ang artista at ang kaklase niya. At mayroon pa ngang larawan si Mr. Vladimir na naka-nerdy eyeglass na tila kahawig na kahawig nito ang character ni Clark Kent na pinagbibidahan din ni Henry Cavill sa Superman. But off course, wala siyang gusto rito. Sa ngayon ay kailangan niyang magpokus sa pag-aaral at isantabi muna ang mga ganitong bagay. Ngunit kung alam niyang namimiligro na talaga ang grado niya, tatanggapin niya ba ang suhesyon ng papa niya na i-boyfriend ang pinakamatalino sa klase nila? Patuloy na tinititigan ni Denise ang mukha ni Lance nang biglang may nag-pop up sa screen ng cellphone niya. Mayroon daw nag-chat sa kanya. Agad niyang tiningnan ito at nakitang si Lance ito na nag-wave sa kanya. Dahil sa ang pangit naman kung hindi niya tutugunan ang kaklase kaya mabilis siyang nag-reply ng wave din dito. She acted ignorant na sa gagawin niyang ito ay may posibilidad na parati nang mag-cha-chat ang lalaki sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD