Chapter 33: She Will Save Him Nakakapagod ang maghapong aktibidad sa quiz bee. Si Lance nga ang nanalo. Magkasama ngayon ang binata, ang kasintahan nito, at ang guro. Nagdesisyon ang tatlo na kumuha ng isang apartment space para dito magpalipas ng gabi. Nakabili na sila ng plane ticket at bukas pa ng umaga ang alis nila. “Kuya, congrats sa iyo!” agad na bati ni Sance kay Lance nang mag-connect na ang kanilang video call. Nakahilata sa sofa ay agad na napangiti ang binata nang marinig ang pagbati sa kanya ng bunso. “Salamat, Sance,” tugon ng kuya. “Kuya, mag-ko-congrats din sa’yo si Mama.” Kaya mula sa pagkakatutok ng camera sa mukha ng bunso, agad itong napunta kay Ancelia. Kasalukuya ay nagmamadali itong tunguhin ang kinaroroonan ni Sance. Kinuha nito ang cellphone at agad

