Prologue

197 Words
Limang taon ang matulin na lumipas, limang taon na pala simula ng bigla na lang nawala si Teofelo na parang bulo sa buhay ni Tin-tin. Sa araw na sana ay pag-iisang dibdib nilang dalawa, naglaho si Teofelo matapos nitong sabihin ang wedding vow nito kay Tin-tin. Wala mang bisa ang lahat, para kay Tin-tin naikasal siya kay Teofelo, na ito’y kaniyang asawa sa mata ng Panginoon at sa kaniyang puso. Dahil kasama ng pagkawala ni Teofelo ay ang pagkawala din ng alaala ng mga taong nakakakilala sa kay Teofelo. Noong una ipinipilit niya ang pagkakaroon ng isang TEofelo sa buhay nilang lahat. Pero nanawa na din siya dahil, iniisip na ng mga tao sa paligid niya na nababaliw na siya. Tanggap na niya ang lahat, masaya na siya na namumuhay sa kaalaman na hindi na babalik pa si Teofelo ng isang araw bigla na lang dumating sa buhay niya si Theodore Montefalco. Nabangga niya ito isang araw nang papauwi na siya sa apartment niya sa Manila. At first inakala niyang si Teofelo ito dahil sa sobrang magkamukha ng dalawa. She even call him Teofelo at first, pero agad din naman siyang itinama nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD