Chapter 1

1963 Words
"Table 4," Sabi sa akin ni Ericka, kasama ko sa trabaho. I nodded and took the drinks from her. Tinungo ko yung table 4 para ihatid yung order nila. Sa malayo pa lang ay kita ko yung mga lalakeng nasa late 30's nila. There are five of them and they look like billionaires. Napailing nalang ako. Ito yung mga good time ng mga mayayaman. They would enjoy a night in a bar with girls in their skimpy clothes sitting on their laps. "Here's your order," Sabi ko at inilapag yung order nila sa mesa. "Woah. Hi, Miss. How much are you?" Tanong sa akin nung lalaki. Tumaas yung kilay ko pero ibinawi agad. Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Waitress po ako. Pasensya na," Sabi ko. "Nonsense. I can buy you naman, diba? How much do you want?" Tanong niya. Kinuha niya yung wallet niya at naglabas ng pera. Sobrang dami ng pera niya at talagang nakakasilaw. Inilabas pa niya yung black card niya na ikinatili sa mga babaeng kasama nila. "Babe! Hindi ka naman nagsabi na may black card ka pala!" The girl on his lap exclaimed. "Of course. Ano gusto mo? You want a new bag? Dress?" Mayabang niyang sabi sa babae. "Anything!" Sabik na sabi nung babae. Tumawa nang mahina yung lalaki bago ako hinarap ulit. "Ano Miss? Ayaw mo talaga?" Ngumiti ulit ako at umiling. "Hindi niyo po ako mababayaran. And if you'll excuse me, may trabaho pa po ako." I turned my back to them para na sana umalis. Hahakbang na sana ako paalis nang biglang humawak sa pwet ko. Nanlaki ang aking mga mata at nilingon yung humawak. He's grinning. "Huwag ka nang pa-hard to get, Miss. Alam kong nasisilawan ka din sa pera. Ito na o. You don't have to work here. You just need to make me happy!" Sabi nung lalaki. I wanted to stay compose. I wanted to be professional kasi kapag sumigaw ako, kapalit nito yung trabaho ko. I can't do that pero binastos na niya ako. Akma na sana ko siyang sigawan pero biglang pumagitna si Ericka. "Sorry, sir. Pero kaming mga waitress ay taga-hatid lang ng orders. We don't do tables. If you'll excuse us," sabi ni Ericka. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinila papalayo sa lalaki. Nang makalayo ay saka na niya ako binitawan at hinarap. "Bakit mo ako pinigilan?" I asked. "Gusto ko siyang sapakin." Kumunot yung noo niya. "Naririnig mo ba yung sarili mo? Kapag ginawa mo 'yun, mawawalan ka ng trabaho! Gusto mo bang mangyari 'yun?" "Binastos niya ako!" "Kahit na!" She shouted back. "Ano pa ba yung inaasahan mo sa isang bar? Do you expect that every single one here is decent?" Napayuko nalang ako. Ericka got me inside the bar. Noong una pa lang ay sinabi na niya sa akin kung ano yung dapat kong aasahan. She said that there will always be perverts like the guy earlier. Sabi niya din na talagang mababastos yung mga waitress dahil sa unipormeng suot namin. "Sorry," I sighed. "And thank you. Kung hindi ka pumagitna kanina paniguradong wala na akong trabaho ngayon." "Next time, kontrolin mo yung galit mo," She said. I nodded. "Nga pala. May naghahanap sa'yo," She said as she pointed at the telephone. "I went out to tell you about it. Mukhang sakto naman yung pagdating ko." I smiled at her. "Thank you." "I'll cover for you. Sagutin mo muna yung tawag," She said. Tumango ako at tinungo yung telephone. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Wala akong inaasahang taong tatawag sa akin. Sino kaya ito? "Hello?" I answered the phone. "Si Kaia ito. Sino po sila?" "Hija," she answered. Napalunok ako. Boses ito ng landlady ko. "Manang..." I trailed off. "Inilabas ko na yung mga gamit mo. Ligpitin mo na ito kung ayaw mong maabutan ito ng garbage truck bukas," Malamig niyang sabi. I bit my lower lip as I tried not to cry. "Manang. Please po. Huwag po muna. Sa susunod na araw! Tama! Babayaran ko po kayo." I begged. "Sa susunod na araw? Saan ka naman makakahanap ng pera pambayad sa limang buwang utang mo sa pango-opahan dito? Kakasimula mo palang d'yan sa pagwe-waitress," sabi niya. "Hahanapan ko po ng paraan, Manang. Sige na po. Isang chance pa po," I said. "Ilang chance na 'yung binigay ko sa'yo. Limang buwan na kitang binigyan nv palugit pero hindi mo pa rin ako binabayaran," she paused. "May gustong magrent dito na mas may kakayahang bumayad." "Manang please--" "Tinawagan lang kita para sabihin sa'yo na kunin mo na yung gamit mo. Bye." "Teka lang, Manang--" naputol yung sasabihin ko sana kasi binabaan na niya ako. Natulala akong napatingin sa kawalan. Ano na ang gagawin ko ngayon? Gaya ng sabi ni Manang kakasimula ko lang sa bar. Imposible namang advance kong kunin yung sahod ko. "May problema ba?" Tanong ni Ericka sa akin. Napakurap ako at nilingon siya. "Ericka, pwede bang advance kong kunin yung sahod ko?" Umiling siya. "Kakasimula mo pa lang. Hindi iyon pwede." I bit my lower lip. Hindi pwede. Alam ko naman yun pero nagbabasakali ako kung pwede pa ba. I glanced at the p*****t man from afar. He's still flexing his black card to his girls. Bigla nalang nagtagpo ang aming mga mata. He winked at me but I rolled my eyes. Hindi. Kahit pa sobra na akong naghihirap ngayon, hinding-hindi ko ibebenta yung katawan ko. Tama. I should keep my dignity. I continued serving drinks to customers. May mga nagka-cat call pa rin at hindi talaga ako masasanay. Siguro dahil bago pa ako. Ilang drinks na yung nai-serve ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung malaking problema na dinadala ko ngayon. "Sabay na tayong umuwi," Aya ni Ericka sa akin matapos yung shift namin. Umiling ako. "Dito muna ako." "Ha? Anong gagawin mo dito?" She asked, confused. "Ayoko munang umuwi. Ayoko munang harapin problema ko," I smiled weakly She sighed and puts her hand on my shoulder. "Kung may pera lang ako, pinahiram na kita. Pero kung makakahanap man ako, papahiramin kita." Umiling ako. "Nako huwag na. Nakakahiya na sa'yo." "Parang hindi naman tayo magkaibigan niyan," She chuckled. "Sige na. Uwi na ako. You take care, okay?" I nodded. "Thank you, Ericka." Ngumiti siya at kumaway na. Kumaway siya pabalik bago tumalikod. Bumuntong-hininga ako at bumalik sa loob ng bar. Kumu-konti na yung mga tao kaya hindi na masyadong maingay. Lumapit ako sa counter kung nasaan yung bartender at naupo. "Oh, Kaia. Ba't nandito ka pa?" The bartender asked. "Isang hard nga," I said. Kumunot noo niya. "Mukhang hindi maganda gabi natin ngayon 'a," He chuckled. "Don't worry, I'll give you a good one." Ngumiti ako. "Thanks." Binalik ko yung tingin ko sa mga tao sa loob. Halos lasing na yung lahat na nandito. May mga nakahiga na sa sahig at hinintay yung magiging sundo nila. Nahinto ang aking mga mata sa lalaki kanina. Gaya ng iba ay knockout din siya. He'd pay me, right? Puhonan ko lang yung katawan ko and he'll pay me a huge amount. What if I'll try? Isang araw lang. Yung ibabayad niya ay sakto lang para ibayad sa mga utang ko. After I'll pay, I will quit. Tama. Nababaliw na siguro ako! Bakit ko naman ibebenta yung katawan ko? Ganyan na ba ako ka desperada? Oo, Kaia! Ganyan ka ka desperada para magkapera! Pero yung dignity ko! Ano naman ang magagawa sa dignidad mo kung lubog ka naman sa utang? Walang maitutulong 'yan kung paiiralin mo pride mo! Sinabunutan ko yung sarili. "Aish! Ang gulo!" "Magulo nga," The bartender chuckled. "Ito na. It's on me." Napangiti ako. "Thank you, pero babayaran ko ito." Umiling siya. "Huwag na. Para naman tayong hindi magkasama sa trabaho." "Salamat ulit," I smiled at uminom. Napapikit ako nang naramdaman yung init na dala nito sa tiyan ko. I need to numb myself. Gusto ko munang kalimutan yung mga problema ko. "Good eve, sir," Bati nung bartender sa bagong dating. I opened my eyes and turned to the person the bartender was greeting. Parang huminto yung mundo nang magtagpo ang aming mga mata. He looked at me with no emotions or whatsoever. Isang napakagandang lalaki. Mula sa kinauupuan ko ay amoy ko yung suot niyang pabango. Amoy mayaman. "Do you mind if I sit here?" Tanong niya sa akin. Napakurap ako at umiling. "Hindi. Not at all." Tumango siya bago hinarap yung bartender. "Give me a hard one. The best one, please." Tumingin saglit sa akin yung bartender bago binalik yung tingin sa lalaking nasa tabi ko. "Coming right up!" Iniwan na kami nung bartender para ihanda yung order nung lalaki. Tahimik lang ako sa aking inuupuan na umiinom. "Ngayon lang kita nakita dito. First time mong mag-bar?" Biglang tanong nung lalaki. I look at him and to my side. Tinuro ko yung sarili ko. Ako ba yung kausap niya? Well, ako lang naman yung tao dito. He nodded. "Ah. Dito ako nagt-trabaho. Hindi pa nga lang ako umuwi," I replied. "Palagi ka ba dito?" He nodded. "Lately, at this time. May gusto lang kalimutan." I nodded. "Parehas lang pala tayong gustong makalimot." "Here's your drink, sir," Sabi nung bartender. "Thanks." Nakatingin lang ako sa kanya at pinagmasdan kung paano niya ubusin yung inumin niya. He looks troubled like I am. I sighed. We are all fighting our own battles. Ang hirap talaga ng buhay. "Can you accompany?" He asked me. "At least I could say that I'm not alone." I nodded. "Sure." Napagdesisyonan naming lumipat ng mauupuan. He also ordered a lot of alcohol. Ilang bote din yung in-order niya. Mukhang malaki talaga yung dinadala niya. He offered me one bottle but I declined. Pero talagang mapilit siya. Sabi pa niya libre na niya daw so I agreed. Ilang bote na din yung nainom namin at ramdam ko na yung tama. Umiikot na yung paningin ko but he is still composed. Kanina pa kami umiinom pero ni isa sa amin ay walang umimik. I cleared my throat na siyang ikinalingon niya. "Anong problema?" I asked, as if asking a close friend. "Sobrang lalim ng iniisip mo na hindi mo na napansin kung nakailang baso ka na." Natingin siya sa mga boteng wala nang laman. Napailing nalang siya. "Wala 'to." "Sabi mo na pumunta ka dito kasi may gusto kang kalimutan. Sabihin mo na sa akin. Let it out of your chest," sabi ko. He chuckled. "Alam mo, lasing ka na. Ihatid nalang kaya kita pauwi." "Huwag na. Dito na ako matutulog," sabi ko at humiga a sofa. "Dito din naman ako nagta-trabaho. Pagkagising ko nasa trabaho na ako. Edi makakatipid ako sa pamasahe." "Miss, I insist. Ihahatid na kita. You'll have stiff neck in the morning kapag d'yan ka matutulog. You won't do your job well," Sabi niya. Pumikit ako at umiling. Ah! Umiikot na talaga paningin ko. Nakaramdam na din ako ng pamamanhid sa kamay. "Who even wants this job, anyway?" I chuckled. "Napilitan lang ako kasi wala na akong choice." "Halika na. Baka ano pa ang mangyari sa'yo. Ako pa naman yung huli mong kasama ngayon," He said. "Ayoko." "Tigas ng ulo," Mahina siyang tumawa. "You want this the hard way?" Minulat ko ang aking mga mata at nakita siyang papalapit sa akin. Hindi ko na siya masyadong makita kasi blurry na din yung paningin ko. "Anong gagawin mo?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong buhatin. He carried me in his arms bridal style. "Hoy! Ano ba? Mabigat ako!" Sigaw ko. Hindi siya sumagot. Nag-iwan siya ng bayad sa mesa at naglakad papalabas ng bar. Pumigilas pa ako pero agad din akong napahinto dahil unti-unti na akong nahihilo. Ayokong mas sasakit pa yung ulo ko. "I'll take you home," he whispered before darkness took over.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD