Kabanata 19 Hindi pa nakakabawe si Riley sa pagkakahalik sa kaniyang labi nang may kumuha ng kanilang atensyon. "D-Daddy!" Sabay silang napabaling ni Trigger kay Sniper na namamaos ang boses habang kunot-nuong kinukusot ang mata animong nasilaw ito sa liwanag. Agad siyang napahiwalay kay Trigger habang hindi pa tumitingin ang bata sa kanila. Malalaki naman ang hakbang ng lalake na nilapitan ang anak kitang-kita mo ang pag-aalala sa mga mata nito. "Hey buddy. Daddy's here." anito tapos ay dumukwang para humalik sa nuo ng anak kung saan niya ito hinalikan kanina. Sinuklay 'din nito ang buhok ng anak. "How's your feeling?" tanong nito sa anak habang siya nasa gilid lamang hindi niya alam na nangingilid na ang luha niya at para siyang nakahinga ng maluwag nang makitang gising ang bata.

