Kabanata 15: Nagising si Riley na magaan ang pakiramdam. Trigger is nowhere to be found. Sinubukan niyang katukin ito sa kwarto nito upang magpasalamat kagabi pero wala ito doon kaya hinanap niya rin ito sa kusina pero malinis ang kusina kaya naman naisipan niyang lumabas para hanapin ito. She's wearing a cream summer dress that Slyv gave to her last year for her birthday. "Trigger?" tawag niya sa pangalan ng binata habang nagpapalinga-linga. Naglakad pa siya kaunti at hindi nagtagal ay nakita niya ang binata sa isang maliit na kubo habang inaayos ang lamesa doon. Mukhang napansin nito ang kaniyang presensiya kaya naman napatingin ito sa kaniyang gawi. Hindi maiwasan mapansin ni Riley ang gandang lalake ng binata nakasuot ito ng sweater short at sando na kulay puti kaya kitang kita a

