01

751 Words
Tw: abuse Leila's POV; "Ano ba yan Leila puro ka nalang kpop ano bang nagagawa yan sayo ha" pasigaw nyang sabi sakin "Napapakain ka ba nyan ha mag focus ka nga sa pag aaral mo" pang sersermon nya sakin "Matataas naman grades ko pa ah" sagot ko naman sakanya "aba sumasagot kapa ha!" Galit na sabi nya kinuha nya yung dospordos nya at pinalo palo sakin sobrang sakit tiniis ko yung sakin matagal nya na tong ginagawa sakin kaya pag nanood ako ng kpop nagtatago ako para di nya ako makita. Umiiyak na ako dahil ito ata yung pinakamasakit na ginawa nya sakin." Pa tama na please" pagmamakaawa ko sakanya "Pa Tama na yan ano ka ba" sigaw ni mama kay papa. Tumigil na si papa umakyat ako sa taas tapos humahagolgol ako ng iyak "bakit kasi dapat a..ako pa wala naman akong g…ginagawa ah"paiyak na sabi ko "ginagawa ko naman lahat ah matataas naman grades ko ah tapos ako pa gumagawa ng gawaing bahay kasi lagi kayong wala" paghagulgul kung iyak sinisisi ko sarili ko bakit ba kasi ako nabuhay pero lagi kong iniisip na hindi ko pa nakikita ang ENHYFUN gusto ko silang makita kaya nagpapatuloy lang ako. Mahirap lang kami di kami mayaman tumululong din naman ako sakanila. Sabi ng iba mas masaya daw pag di masyadong mayaman yung pamilya kesa daw doon sa mayaman nga malungkot naman, pero mali kayo sobra kasi kami di nga mayaman lagi naman akong malungkot. Wala naman siguro yan sa yaman ng isang tao nasa pamilya yan ng isang tao. Ito yung rason na gusto ko pang mabuhay dahil gusto ko silang makita kahit sandali lang, nagpupursigi ako mag aral nakabili ako ng album kaso isa lang ito pero sobrang saya ko na pinaghirapan ko to nag trabaho ako para lang mabili ko to. May part time job ako sa Isang resto kaya nakakabili ako ng mga gusto ko. Kinabukasan pumasok na ako sa school,architecture student ako madaming plates na kailangan tapusin pero natatapos ko naman kaagad. Dumating na kaagad yung prof kaya nagsimula na kami kaagad wala namang kailangan gagawin puro lessons lang fast learner ako kaya na bored ako kaagad. "Goodbye Miss Santos" Pagbati ko sakanya. Tumango lang sya at umalis kaya umalis na din ako. Lagi akong nakakakuha ng uno every grade ko kaya no problem na sa mga ganyan. Isa lang kaibigan ko si ash apaka extroverted nya sya lang lagi nakakaintindi sakin kaya sobrang saya ko nung nakilala ko si ash. Pumunta na ako sa trabaho pagkatapos."Lili! Hi sabay na tayo" yan si Ashley ka trabaho ko college din siya same course "Hi ash sige tara na" sagot ko naman. "Lili alam mo na ba yung balita?" Nagtaka naman ako sa sinabi nya hindi na kasi ako updated dahil na din siguro busy na din ako "balita? ano yun?" Tanong ko naman sa kanya "gaga may concert dito sa pinas ang enhypen!!" Excited na pagkasabi nya sakin tumatalon talon pa ito"Pero wala akong sapat na pera ih" di pa sapat pera ko para sa concert nila kaya malungkot ako. "Ano ka ba ok lang yan malay mo diba swertehin ka" pagcomfort nya naman sakin nginitian ko lang sya at nagpatuloy na sa pag linis ng resto. Alas 9 na kaya umuwi na ako ng bigla kong nakasalubog si Drake blockmate ko "Lili ikaw pala yan" bati nya sakin "Hindi Hindi ako to multo lang to" skartastikong sagot ko sakanya naiinis kasi ako sakanya dahil dikit sya ng dikit sakin ewan ko ba dito may sapi ata to. "Sungit naman nito" nag pout pa jusq alisin mo na to sa harap ko. May jeep na kaya pinara ko na at sumakay iniwan sya doon ng walang pasabi jusq sumunod na naman sya oo nga pala magkapitbahay lang pala kami kaya yan hay nako. "Teka lang noh wag mo akong iwan" inirapan ko lang sya "Manong bayad ho" magbabayad na sana ako ng hinawakan ni drake kamay ko "Wag na ako na" Sabi nya naman sayang naman biyaya na yan sge na nga bumitaw ako sa pagkakahawak nya at nagbayad na din sya. Bumababa na kami sa jeep at naglakad na ako papunta sa amin "thank you" pagpapasalamat ko sakanya nginitian nya lang ako at pumasok na din ako sa bahay.Wala sila mama at papa sa bahay kaya dumiretso nalang ako sa kwarto ko at humiga "sakit ng likod ko pucha" sobrang sakit ng likod ko kakayuko sa trabaho. Pumikit ako saglit para magpahinga ng kunti. __________________________________________________________________________________________________________ : )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD