Chapter 5

2467 Words
“LET’S have a toast for Luke’s upcoming wedding and unending success!” malapad ang ngiting wika ni Daven at itinaas ang hawak na rock glass na may lamang alak. “Cheers!” Mahinang natawa si Luke nang pabiro siyang tinapik ng mga kaibigan sa balikat. Bago matapos ang appointment niya kanina kay Daven ay niyaya siya nito sa Hide Out—isang bar and club na pag-aari nito sa Taguig. Daven’s Hide Out is one of the country’s highest rank nightclub in the Philippines. Hide Out embodies Taguig’s extravagance. The central feature of this club is certainly the glittering pool that is surrounded by thirty cabanas, gold-plated interior, drinking hubs and a huge dance floor. Some of the country’s most sought-after and popular DJ’s can be found spinning there. Hindi napa-hindi-an ni Luke ang kaibigan dahil totoo naman ang sinabi nitong hindi na sila nagkaroon uli ng bonding time. Nang makarating siya roon ay nalaman niyang inimbita pala nito ang halos lahat ng kaibigan nila. They were seven on the table. Ang bonding moment sana nila ay naging isang mini-reunion. “So, when exactly is your wedding, huh? Nang makapaghanda namin kami ng stag party para sa ‘yo!” tanong ni Kyle. He and his family was into canning business. “Oo nga, Luke. It’s your last chance to enjoy your bachelor status. Kapag naikasal ka na kay Adriana ay mare-rendahan ka na. You can’t do anything you want anymore,” komento ni Brad. Bradley Samaniego is also one of the most sought after bachelor in the Pilippines. Pag-ari nito ang pinakamalaking contruction firm sa bansa. “No need for that, man. Basta imbitado kayong lahat sa kasal ko at dapat bawat isa sa inyo ay may maibigay na regalo,” ani Luke at tinapik sa balikat ang katabing kaibigan na si Josh. “Ano’ng regalo ba ang kailangan mo? You already had a yacht, a mansion in Beverly Hills, a huge villa in Barcelona, two successful distilleries, cars, planes, you name it. Hindi ka pa ba kontento sa pag-aari mo?” nakakunot-noong biro ni Josh na ikinatawa naman ni Luke at ng mga kaibigan nito. “Hindi. And I’m planning to ask for your golf club in Tagaytay Highlands as a wedding gift. You know, wala pa akong pagmamay-ari na golf club,” nakangising wika ni Luke. Naki-fist bump pa sa kaniya ang ibang kaibigan. “Kung maaatim mong magkaroon ng kaibigang pulubi ay papayag ako. Basta ba’t i-regalo rin ni Chester ang luxury resort niya sa Batangas,” wika ni Josh na nakangising sinulyapan si Chester na tahimik na nakikinig. Josh was one hell of a flirt and talkative guy habang si Chester ay ipinaglihi yata sa sama ng loob. Palaging nakakunot-noo at madalang lang kung magsalita. “What do you think, Ches?” untag ni Luke. “That’s not a problem.” Their friends whistled at Chester’s answer. He owned a lot of luxury hotels and resort in and out of the country kaya hindi nakapagtatakang balewala rito kung ipanregalo ang resort sa Batangas. That’s how rich this cold man is. “Really?” hindi kumbinsidong wika ni Josh. “Totohanan ‘to. Walang biro. Baka hindi mo kayang panindigan.” “I still have my luxury hotel and resorts in Phuket Thailand, Maldives, The Bahamas, Arizona and Australia. Hindi kawalan sa akin ang resort sa Batangas,” Chester answered, poker faced. Nakatikim ng kantyaw si Josh mula kina Daven at Kyle. “That only means na ikaw lang ang mamumulubi dito sa atin, pare!” kantyaw ni Kyle kay Josh. “Bakit ang yayaman n’yo ngayon? Ano’ng nangyari sa akin?” napapakamot ng batok na wika ni Josh. “While we’re busy growing our businesses, ikaw naman ay abala din sa pagta-travel kung saan-saang bansa kasama ang mga babae mo,” panenermon ni Daven kay Josh. “But you see, I was never short of money. Marami akong minanang milyones sa grandfather ko. I am enjoying my life to the fullest,” Josh defended. His grandfather is Henry Tan—the owner of Vida Malls, the biggest mall in the country. “Nawa’y lahat may minanang milyones,” puna ni Kyle. “Come on, dude. Makontento ka na sa buhay senyorito mo. Anyway, kumusta na iyong kasambahay n’yong sexy, virgin at maganda? Can I get her number?” tanong ni Josh na tumaas ang isang sulok ng labi. “Spare her, Josh.” Sinamaan ito ng tingin ni Kyle. Nakatikim naman si Josh ng siko mula kay Daven. Nang tingnan ni Luke si Kyle ay tila nawala na ito sa mood. Josh faked a cough at muling ibinaling ang pansin sa kaniya. “So, back at your wedding…ang mahalaga nama’y makadalo ako sa kasal mo, hindi ba, Luke? Just my mere presence is enough for a wedding gift, right?” “Katulad ng sinabi ko’y hindi ka makakadalo kapag wala kang dalang regalo.” He heard Josh groaned. Natatawang tinapik niya ito sa balikat. “I’m warning you, Luke. Nabanggit ni Adriana na hindi matutuloy ang inyong kasal kapag hindi nakadalo ang pinaka-gwapo n’yong bisita,” malapad ang ngising biro ni Josh. “Really? Well, just your presence is enough, man,” bawi niya. “I just don’t like the presence of this one coming,” mahinang usal ni Calvin na sapat lang para marinig ni Luke. Napalingon si Luke sa direksyon ni Calvin. Nakita niya itong blangko ang mukhang nakatitig sa entrance ng club na kita mula sa kinaroroonan nila. Luke saw Landon with his two friends, Anton and Hiro. Nakipag-handshake pa ito sa nadaanang kakilala. Dinala ni Luke sa bibig ang rock glass at inisang lagok ang laman niyong alak. Landon being around him is not a problem as long as hindi sila magkakaharap. Landon tends to always provoke Luke but he won’t give him the satisfaction he wants. Alam niyang sa isang pagkakamali lang niya’y hihilahin siya nito pababa. That’s why, dinidistansya ni Luke ang sarili sa anomang eskandalo. “Hey, Landon!” Lumipad ang tingin ni Luke kay Josh nang tinawag nito si Landon. Napatikhim naman si Calvin habang si Daven ay pilit na inaagaw ang pansin ni Josh. Josh knew about their business rivalry pero hindi ang mas malalim na dahilan ng pagiging magkaaway nila ni Landon. “Hey,” bati ni Landon nang makalapit ito sa table nilang magkakaibigan. Binati ng mga ito ang mga bagong dating maliban kina Chester, Calvin at Luke. “Join us, dude. The more the merrier,” yaya ni Josh. “That is, if it’s okay with you,” nakangiting wika ni Landon na mabilis na sinulyapan si Luke at ibinalik ang tingin kay Josh. “Oh, come on. Of course, it’s okay. We’re celebrating Luke’s success and upcoming wedding.” “Really?” malapad ang ngiting wika ni Landon na nanunuyang tinitigan pa si Luke. Luke just took a deep breath at hindi na pinansin si Landon kahit na nakakapikon na ang ka-preskohan nito. As expected, Landon and his two comrades joined with them. Sandaling nawala si Daven at nang bumalik ito’y may dala nang tatlong extrang rock glass at decanter na puno ng alak. “So, how’s your RhumPage, pare?” tanong ni Josh kay Landon nang makaupo ito kasama nila. Landon also owned a distilling company at si Luke ang major rival nito sa market. Luke remained silent. “It’s doing great. Actually, my master blenders created new formula two months ago. I’m hoping to launch my new wine creation by the end of this month.” “Wow, really? What a coincidence!” namamanghang wika ni Josh. “Hindi ba at may bagong formula ka ring ginawa, Luke?” anito na bumaling kay Luke. Luke coughed and tap his fingers on his thigh. “Right,” maikling sagot niya. “So, it will be possible that the two of you will be launching your new creations at the same time!” “That’s possible, that is if hindi ako maunahan ni Luke?” “Come on, man. This is not the right place to talk about that,” saway ni Hiro—ang half-Japanese na kaibigan ni Landon. Maybe he sensed something wrong would happen. Kilala nito si Landon, kung gaano ito ka-tuso pagdating sa negosyo. He will do everything kahit ang manlamang para lamang umangat. “They’re asking, buddy. Kabastusang matatawag kapag hindi ko sinagot ang tanong ng kaibigan kong si Josh,” balewalang wika ni Landon. “What do you mean by that?” Luke said between gritted teeth. Matalas ang tinging ipinukol kay Landon. Luke heard his friends cleared their throats. Ang katahimikan ng mga ito at ang katabilan ng dila ni Josh ay lalong nakapagpadagdag ng tensyon sa pagitan nila ni Landon. Kapag ipinagpatuloy ni Landon ang iniisip ay hindi niya masisiguro kung makakapagpigil pa siya. “You know, I just remembered what happened two years ago.” Nag-igting ang mga bagang ni Luke habang masamang tinititigan si Landon. They both knew what happened two years ago. Nang i-launch niya ang Echeveria’s Royal Gin niyang naging hit worldwide ay gumawa ng issue si Landon. He told the media that the formula was originally his. Na ninakaw daw iyon ng dating empleyado nitong sa panahong iyon ay nagtatrabaho sa kaniya. Which he actually found out na kahit sa kaniya nagtatrabaho ang empleyadong iyon ay lihim pa ring nagsasabwatan ang mga ito. The girl was a spy. Hindi lamang napaghandaan ng mga ito ang pag-advance ng launching niya a month before the scheduled date kaya nawalan ang mga ito ng pagkakataong unahan siya. In short, binaligtad siya nito sa media. Calvin made a slow clap na umagaw ng pansin ng lahat ng naroon sa table. He knew what had happened two years ago. Kung paanong muntik nang nakawin ni Landon ang pinaghirapan niya. Calvin’s face was blank habang nakatitig kay Landon. Maging ito’y tila naghahamon na ng away. But Luke knew better. Wala sa bokabularyo ni Calvin ang salitang gulo unless it’s inevitable. Luke let out a sarcastic laugh. “Yeah, so you see? There’s no way you can steal anything from me, Landon.” “That is what you believe. Baka isang araw ay magising ka na lang at wala na sa ‘yo ang lahat.” Luke chuckled. “You just can’t no matter how much you try.” Sandaling pumagitan ang katahimikan. Hindi nakaimik ang mga kasama nila sa table. Batid ng mga itong hindi makabubuti kung magbibigay sila ng sariling komento. Kung nakamamatay lamang ang titig ay siguradong kanina pa bumulagta si Landon. “Both of you are really competitive. Sa negosyo, sa babae…” basag ni Josh sa katahimikan at sandaling natigilan nang tila may naalala. “Hindi ba’t noon kahit sa babae’y nag-aagawan kayo?” ungkat nito. Luke faked a smile. Naiintindihan niyang nakainom si Josh at ugali talaga nito ang pagiging madaldal. Besides, Josh was only twenty nine and years younger than them. Actually, he’s the funnyman of the group. Pero minsan ay wala na sa lugar ang katabilan ng dila nito. Luke saw Calvin glared at him. As if telling him na huwag nang patulan ang usaping iyon. But he also caught Landon’s annoying grin. Nakita niyang siniko ni Daven si Josh ngunit tila hindi nito nakuha ang ibig sabihin ng katabi. Kahit ang mga kasama nila sa table ay nananatiling tahimik at umiinom. The tension in the air is thickening. “You’re mistaken, Josh. Wala namang agawang nangyari sa pagitan namin ni Luke. It just so happen that Luke’s women end up becoming mine,” nakangising wika ni Landon. Truth be told, hindi ganoon ang nangyari. Kahit mga girlfriends niya ay sinusulot ni Landon para lang mapatunayang mas nakakahigit ito sa kaniya. “The past didn’t matter to me anymore.” “Just because you have Adriana now?” natatawang tuya ni Landon na lalong nagpakulo ng dugo ni Luke. “Huwag mong isali si Adriana dito,” babala ni Luke. “Hindi ka takot na kahit si Adriana ay baka sa huli ay iwan ka at mapunta sa kaniya?” Josh asked. Really insensitive and offensive. “Why would I? Alam kong hindi ako ipagpapalit ni Adriana sa kahit na kanino. We’re getting married,” malaki ang kompyansang pahayag ni Luke. He heard Landon laughed. That irritates him big time. Tila ipinapahayag ng tawa nito na nagkakamali siya sa pinaniniwalaan niya. God knows how much he wanted to punch Landon’s nose right at that very moment. “I’m not interested on her, anyway. I like innocent, virgin ones. Hindi iyong pinagsawaan na ng iba.” Nagsalubong ang kilay ni Luke at humigpit ang pagkakakuyom sa kaniyang palad. “And I’m sure hindi si Luke ang naka-una sa magandang fiancée niya,” wika ni Landon na nginisihan pa si Luke. Hindi pa natutungga ni Landon ang alak ay lumipad na ang rock glass niya at ang sumunod ay narinig niyang nabasag iyon sa sahig. Dumapo ang kamao ni Luke sa mukha niya na ikinabigla ng mga kasama nila sa table. Unang tumayo si Calvin at pinigilan si Luke nang nais pa nitong sugurin si Landon. “I’ll kill that bastard!” “Calm down, man. That jerk is only provoking you. Hindi mo gugustuhing maging headline sa mga tabloids bukas.” Landon wiped his lips that’s been hit. Nakangiti pa ito at tila naaaliw pa sa paglabas ng galit ni Luke. “Is that all you’ve got, Lucas?” hamon ni Landon. Mabilis siyang nilapitan ni Daven at pumagitan na rin ang mga kaibigan nila sa kanilang dalawa ni Landon. Marami na rin ang nakatingin sa direksyon nila at hindi niya gugustuhing sirain ang imahe ng club ni Daven. “The next time na mag-krus ang landas nati’y hindi lang iyan ang matitikman mo!” banta ni Luke kay Landon. They were considered as mortal enemies. “I can’t wait…” patuloy na pang-aasar ni Landon sa kaniya. Nagpumiglas si Luke mula sa pagkakahawak ni Calvin at kinuha ang coat na nakasabit sa upuan. He then stormed out of the club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD