Chapter 2: She Fell Asleep

1457 Words
“YOU’RE Estelle, right?” Natigilan na naman si Estelle sa narinig. Na-amaze siya sa tinig nito, kaya naman hindi niya maiwasang mapaawang ng labi. “I said—” “O-opo. Estelle po ang pangalan ko,” putol niya sa sasabihin nito dahil nag-iba ang reaksyon ng mukha nito. Mukhang malapit ng mag-shift sa galit. “How old are you?” “2-20 na po, Sir.” “20. So, 18 ka nang dalhin ng kapatid mo rito. Right?” “O-opo.” Hindi pa rin mawala ang pagkautal ni Estelle. Siyempre, sa loob ng dalawang taon, hindi niya ito narinig magsalita at never siyang kinausap, kaya nakakapagtaka lang. “That’s all,” anito na ikinatigil niya. Tinawag din nito si Lala na agad namang lumapit sa kanila. After nang pag-uusap nila na iyon ni Sir Kurt, hindi na mawala sa isipan ni Estelle. Though matagal nang gumugulo sa isipan niya ito dahil pakiramd niya nagkakapuwang na ito sa dibdib niya. Ang dami niyang gustong malaman dito pero tikom ang bibig ni Lala kapag tinatanong niya. Private matter daw iyon kaya hindi na niya napilit. Kahit ang Kuya niya ay wala ring sinasabi sa kanya nang minsan niyang tanungin. Dalawang linggo ang matulin na lumipas, nasa hapag sila noon nang biglang i-open ng kapatid si Sir Kurt. “Bukas, kakausapin ka raw ni Ma’am tungkol kay Sir Kurt.” “B-bakit daw po?” “Hindi ko pa alam. Nabasa ko lang sa text ngayon ni Ma’am.” Lumabi si Estlelle sa narinig. Hindi kaya nakarating na kay Ma’am na kinausap siya ni Sir Kurt, tapos bawal pala itong kausapin? Napuno nang kaba ang dibdib ni Estelle hanggang sa pagdating nila sa malaking bahay na iyon. Sa unang pagkakataon, nakaapak siya sa loob ng bahay ng mga Guzman. Sa labas lang kasi siya dumideretso pagkadating nila ng kapatid. Napahanga na naman si Estelle nang makita ang mukha ni Ma’am Nica. Minsan lang niya itong makita pero nag-iwan ng magandang marka sa kanya dahil sa natural nitong ganda. “Hanggang sa Biyernes na lang kasi si Lala. At gusto ni Kurt na si Estelle na na lang daw ang maging assistant niya. Okay lang ba sa ‘yo, Esper?” Napaawan ng labi si Estelle sa narinig. Siya ang gustong maging assistant ni Sir Kurt? “Pero wala pong karanasan sa pag-aalaga si Estelle, Ma’am Nica.” Kita niya ang pagtaas ng kilay ni Nica. “Wala namang ibang gagawin ang kapatid mo kung hindi ang samahan si Kurt saan man niya gustong pumunta. Hindi rin naman kailangang subuan ‘yon, Esper. Saka katumbas ng bayad niya sa nurse ang sasahurin ni Estelle kaya sulit na sulit.” Biglang lumiwanag ang mukha ni Esper. Tumingin pa ito sa kanya. “Kaya mo bang magtrabaho na, Estelle? Safe naman dito sa bahay ng mga Guzman.” “I-ikaw po, Kuya.” Gusto na rin naman na talaga niyang magtrabaho para hindi na pabigat sa kapatid. “Kaya mo nga? Ayos lang sa akin dahil kilala ko na ang pamilyang ito, Estelle. Mababait naman sila kaya wala tayong dapat na ipag-alala.” “S-sige, Kuya.” Napangiti si Nica sa narinig. “So, okay na tayo? Ipapaayos ko na ang magiging silid mo. Katabi lang naman ni Kurt para kapag kailangan ka niya, hindi ka na mahirapan pa.” Dalawang araw din siyang trinain ni Lala. Nakakuha na nga ito ng legit agency ayon dito at nakatakda na ang pag-alis nito. “How is she?” dinig niyang tanong ni Kurt matapos ang mga habilin nito sa kanya. “Mabilis naman pong natuto si Estelle, Sir.” “Good. Makakauwi ka na.” “Thank you po, Sir.” Nagtatakang tumingin siya kay Lala. “Sorry, Estelle, pero mapapaaga ang pag-alis ko rito. Marami pa akong kailangang asikasuhin kasi.” “G-ganoon ba. Pero wala akong dala pang mga gamit.” “‘Wag kang mag-alala, nasabihan ko na ang Kuya mo na dalhin bukas ang mga gamit mo. Sa ngayon, may mga tinira akong gamit ko, pwede mong magamit ngayong gabi.” Tumango na lang siya rito. Nagpaalam na rin ito sa sa boss nila. Dinaanan din nito ang huling sahod nito sa mesa na tinuro ni Sir Kurt. Katahimikan ang namayani sa silid na iyon nang mapag-isa sila ng boss. Parang nataranta siya bigla dahil iba na pala kapag actual na. Alam naman niya ang mga gagawin dahil tumatak na sa utak niya, pero ngayon, parang sumama kay Lala palabas ng silid na iyon. “I’m going to take a bath.” “S-sige po, Sir.” Agad niyang iginiya ang boss sa banyo. Akmang iiwan niya ito nang magsalita ito. “Where are you going?” “P-po?” Napahilot sa noo si Kurt at tumingin sa kanya. “I hate talking, Estelle. So, please, linisan mo ang tainga mo para marinig mo ang lahat ng mga sasabihin ko!” Mataas na ang boses nito kaya sunod-sunod siyang tumango. Ngayon lang niya din kasi ito nakitang magalit. Kasi sa labas, hindi naman nga ito nagsasalita. Pero iba pala kapag kasama mo na si Kurt tapos dalawa lang kayo. Napayuko siya. “S-sorry po.” “Undress me.” Napalunok siya sa narinig nito. Muntik nang ulitin niya ang sinabi nito. Nagulat siya pero sinarili niya iyon. Pero bahagyang umawang ang labi niya. Kasi naman, hindi ito nabanggit ni Lala sa kanya na huhubaran pa niya ito kapag maliligo. Ang alam niya kasi, tutulungan niya sa bathtub na makalubog o ‘di kaya sa wheelchair na ginagamit nito sa pagpaligo. Pero itong huhubaran, walang nabanggit si Lala. Tumaas ang kilay ni Kurt kaya mabilis na lumapit siya rito, sa mismong harapan nito. Kita niyang gumalaw ang braso ni Kurt at bahagyang tinaas kaya nahulaan ni Estelle na handa na iton sa gagawin niya. Pinagpantay niya ang sarili kay Kurt. Lumabi at kinagat niya iyon nang bahagya bago pinuwesto ang kamay sa magkabilaang kamay sa laylayan ng puting shirt nito. Nilihis niya rin ang tingin dahil hindi niya kayang tingnan ang amo. Mayamaya ay napalunok siya nang maramdaman ang pagtama nang hininga nito sa kanyang leeg. Dinig niya ang pagsinghap ni Kurt nang lumapat ang balat niya sa katawan nito. Napatingin tuloy siya dito kaya nagtama ang paningin nila. Hindi maintindihan ni Estelle kung bakit ganoon na lang makatingin si Kurt. Para bang mangangain kaya napaiwas siya nang tingin at akmang iaangat ang damit nito nang magsalita ito. “Get out,” ani ng malamig na boses nito Napaayos siya nang tayo at pagkuwa’y yumuko saka dali-daling pumunta sa gawi ng pintuan. “Lock the door,” dinig niyang bilin ng amo kaya ni-lock niya din iyon. Nagpakawala nang hangin si Estelle pagkalabas. Tumingin siya sa pintuan ng banyo nito pagkuwa’y umiling. Sana naman matagalan niya ang boss niyang ito. Sana lang. Inayos niya ang mga gagamitin nito. White shirts at jogger lang naman ang kukunin niya sa closet nito dahil may underwear na ito sa loob na naka-stock. Inabot pa ng kalahating oras si Estelle na nakarayo sa banyo. Hindi naman siya pwedeng lumabas dahil baka bigla siy nitong tawagin. Pasado alas-diyes ng gabi nang bumalik ng silid ni Kurt si Estelle para ihatid ang gatas nito. Hindi na niya hinintay na maubos dahil ang sabi ni Lala, kinabukasan na nito kinukuha iyon. “Estelle,” tawag ng amo nang akmang tatalikod siya. “P-po?” “Hintayin mo na ang baso.” Tumango siya at bahagyang lumihis para makainom ito. Pero sampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa siya nito tinatawag para kunin ang baso. Kaya naman bumaling na siya rito. Abala pala ito sa pagbabasa ng document. Umabot pa ng 20 minutes ang tayo ni Estelle kaya nakaramdam siya nang pagod. Pagod din siya kanina sa tapat ng banyo nito tapos papagurin niya ulit sarili niya ngayon? Siguradong bagsak siya sa higaan mamaya. Hindi niya alam kung gaano katagal pa siya sa kinatatayuan basta namalayan na lang niya ang sariling nakapikit na ang mata. Narinig niyang may tumatawag sa pangalan niya. Ang buong akala niya panaginip iyon, ‘yon pala, totoong boses iyon ni Kurt “Ay, Sir Kurt!” gulat niyang sambit. Hiyang-hiya na tumingin siya sa amo pagkuwa’y sa baso na nasa side table nito. Wala nang laman pala kaya nagmadaling lumapit siya doon at kinuha. Alanganin ang ngiti ni Estelle nang makitang umiling ang amo sa kanya. Kahit na hiyang-hiya ay nagpaalam pa rin siya rito. Nga lang, ang boses niya at parang bakabaon sa lupa. Ikaw ba naman kasi matulog na nakatayo sa harap ng amo. Ilang beses na pinukpok ni Estelle ang ulo nang makabalik sa silid niya. Unang gabi niya sa actual na trabaho pero mukhang palpak kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD