CHAPTER THIRTY SIX *BHL: Unexpected*

2013 Words
"Ayos ka lang ba?" Hindi mapigilan ni Gilbert ang mag-alala para kay Paris. Kanina pa ito walang imik matapos ang pakikipag-usap nito sa matandang lalaki. Nasa loob na sila ng kotse pero ni hindi man lang ito nag-abala na tingnan siya at magsabi kung ano ang nararamdaman. Nananatili itong tahimik at may kung anong malalim na iniisip. Nagdesisyun siyang hawakan ito sa balikat at ganoon na lamang ang pagka-gulat nito nang gawin niya iyon. "Pasensiya na... Nag-aalala lang ako para sa 'yo. Kanina ka pa kasi tahimik simula nang lumabas tayo do'n," paliwanag niya dito. Hindi niya masisisi si Paris kung ganoon ang maramdaman nito. Kahit siya ay nalaman ang buong katotohanan. "Pasensiya ka na rin sa 'kin, Gilbert... Hindi ko maiwasan na isipin kung buhay pa nga ba ang mga magulang ko. Ilang taon na ang nakakalipas pero sa tuwing maaalala ko sila, bumibilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay buhay pa sila..." Kita ni Gilbert ang malungkot nitong mga mata ngunit kaakibat niyon ang pag-asa sa mga salita nito. "Tutulong akong hanapin kung sino ang taong gumawa no'n sa mga magulang mo, Paris." Kung iyon lang ang paraan para gumaan at mapanatag ang kalooban ni Paris ay nakahanda siyang gawin iyon. "Maraming salamat, Gilbert... Sa ngayon, mas kakailanganin natin na muling makausap ang lalaking 'yon... Kailangan kong malaman kung saan siya nakatira. Kailangan kong malaman ang totoo..." Nakikinig lamang si Gilbert kay Paris habang sinasabi nito iyon sa kaniya. "Kailangan mong mag-isip ng plano, Paris. Sigurado akong may taong galit sa pamilya mo... At sana hindi tama ang hinala ko na pati ikaw ay punteryahin na rin..." Nagbigay ng matinding kaba ang sinabi niya kay Paris. Pero sa kabila niyon ay umuusbong pa rin ang tapang at kagustuhan nitong malaman at makamit ang hustisyang nararapat para sa kaniyang mga magulang. "Tama ka... Alam kong hindi magiging madali ang lahat. Sa palagay ko ay planado ang lahat ng pangyayari kung totoo ngang 'yon ang nangyari sa mga magulang ko. Maaaring hanggang ngayon ay buhay pa sila." Napapa-hawak sa ibabang labi si Paris habang sinasabi nito iyon. Sa totoo lang, maski siya ay kinakabahan para kay Paris dahil kung sakaling totoo ang sinasabi ng matandang lalaki ay sigurado siyang pati si Paris ay hindi imposibleng pati ito ay mapahamak. "Sasabihin mo ba kay Grecian?" pag-iiba niya ng usapan. Bigla siya nitong binalingan ng tingin at saka niya nakita ang magkahalong pagkalito at lungkot sa mga mata nito. "Hindi ko alam... Wala naman siyang kinalaman dito," paliwanag ni Paris sa kaniya. Tumango na lamang siya bilang pag-intindi sa sinabi nito. "Sa tingin ko ay kailangan na nating umuwi." Ngayon na alam na niya at ni Paris ang inihayag ng matanda ay mas kinakailangan nilang mag doble ingat lalong-lalo na si Paris. Tumango lamang si Paris sa kaniyang sinabi. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at saka tuluyang pinaandar iyon. Hindi maiwasan ni Gilbert na isipin ang kaligtasan ni Paris. Ngayon ay mas lalo lamang siya nagkaroon ng rason para manatili sa tabi nito. **** Naisipan ni Grecian na ipagluto si Paris at pumasok sa kaniyang isipan ang Caldereta. Noon pa man ay gusto na niyang matutunan paano iyon gawin. Mga ilang video tutorials na rin ang kaniyang napanood para magkaroon ng sapat na impormasyon bago iyon gawin. "Sana mag work 'tong gagawin ko..." pabulong na sabi ni Grecian. Lagpas isang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin dumarating si Paris. Habang sinusunod niya ang proseso ng pagluluto ay hindi naman mawala sa kaniyang isipan ang nangyari kanina lamang. Patuloy ang kaniyang pagtataka kung sino ang gagawa ng ganoong bagay sa bahay ni Paris. Pagkaalis ni Paris kasama si Gilbert ay nagdesisyun siyang linisin ang laman ng pridyeder at saka niya itinapon ang katawan ng pusa. Napailing siya dahil walang pumapasok sa kaniyang utak kung sinong baliw ang gagawa niyon. Ngayon na nakasalang na ang kaniyang niluluto ay hinihintay na lamang niyang tuluyang lumambot ang karne ng baka. Ilang minuto na lang at maluluto na ang ginawa niyang Caldereta. Napangiti siya. Sigurado siyang magugustuhan iyon ni Paris. Bahagya siyang nagitla nang tumunog ang doorbell ng bahay. Naramdaman niya ang pagbukas ng pinto. Agad siyang kumilos para puntahan iyon. Nakita niya si Paris. Isang malapad na ngiti agad ang kaniyang ibinigay dito ngunit tila wala man lang itong gana na bigyan siya ng isang ngiti. Nagtaka siya sa ikinilos nito. "Babe– I mean, Paris, nagluto ako ng ulam para sa 'yo..." Dahil sa sinabi niya ay dahan-dahan siya nitong tiningnan. Kita niya ang pagka-mangha sa mga mata nito. Ang kaninang walang emosyon na mukha ay biglang napalitan ng isang kagalakan. "Talaga?" Hindi naman niya mapigilan na ngumiti at tumango sa tanong nito. "Amoy Caldereta ah!" Mula sa pinto ay lumabas si Gilbert. Bigla namang nakaramdam ng pagka-irita si Grecian. Talagang hindi niya gusto ang presensiya ni Gilbert. "Amoy pa lang, masarap na!" Muling naibalik ni Grecian ang kaniyang atensyon kay Paris. Napangiti siya sa sinabi nito. Mas mabuting ituon na lamang niya ang kaniyang pansin kay Paris dahil kung patuloy niyang iintindihin ang presensya ng kasama nito ay baka hindi siya makapag-pigil at bangasan niya ito. "Para sa 'yo, nagluto ako..." Nakangiti niyang sabi dito. Napansin naman ni Grecian na lumagpas sa kanilang kinatatayuan si Gilbert at dumeretso sa kusina. "Thank you, babe..." Ang akala niya ay nakalimutan nito na tawagin siya ng ganoon. Kanina ay nakapag-pigil siya na tawagin ito kagaya ng nakasanayan nila dahil alam niyang kasama nila si Gilbert. Sigurado siyang wala pang balak na sabihin ni Paris dito ang totoong namamagitan sa kanila. Basta ang mahalaga para sa kanilang dalawa ay ang relasyon nila na walang kinalaman ang kung sino man sa kung anong mayroon man sa kanila. "Tatabi ako mamaya?" Hindi alam ni Grecian kung bakit niya iyon sinabi kay Paris. Umaandar na naman ang kapusukan ng kaniyang sarili at ang mapaglaro niyang utak. "Huh? What do you mean?" takang tanong nito. "Ha? Aah... W-wala... Tatabi ako mamaya sa 'yo sa pag-upo." Mabuti na lamang at parang naniwala naman ito sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit mahirap siyang makapagpigil sa tuwing kasama niya si Paris. "Aah... 'yon lang pala, oo naman!" nakangiting tugon nito sa kaniya. Nginitian niya ito at saka niya ito sinundan papuntang hapag. **** "Wow... Grabe ang sarap," hindi mapigilang saad ni Paris. Ngayon lang niya nalaman na may ganoong katangian si Grecian. "Alam mo pa lang magluto? This taste... It's the typical that I usually taste sa mga restaurants," biglang sabi naman ni Gilbert. Nakita ni Paris kung paano sumingkit ang mga mata ni Grecian dahil sa sinabi ni Gilbert. Sa tuwing nagbabatuhan ng salita ang dalawa ay parang nabubuhay ang tensyon sa pagitan ng dalawa. "Actually, masarap siya..." muling pahayag niya kaya naman isang malapad na ngiti ang iginawad ni Grecian sa kaniya. Hangga't maaari ay ayaw niyang makaramdam ng insulto si Grecian dahil sa sinabi ni Gilbert. Totoong masarap ang niluto ni Grecian. Sadyang natural lamang kay Gilbert na magbigay ito ng komento sa ginawa ni Grecian, lalong-lalo na sa larangan ng pagluluto. "Thank you, Paris." Nginitian niya ito. "You're welcome..." Isang matamis na mga ngiti ang ipinakita ni Grecian sa kaniya. **** Nang matapos sa pagkain ay nakita ni Grecian na agad naglakad pataas si Paris para tunguhin ang kwarto nito. Kanina ay narinig niyang nagpaalam si Gilbert kay Paris na gagayak na ito sa kwarto para gawin ang ilan sa mga trabaho nito. Mabuti na lamang at mabilis niyang naabutan si Paris bago pa man din nito maisara ang pinto ng kwarto. Napahawak siya roon at nagtatakang tinitigan si Paris. Nakita rin niya itong nagtatakang nakatingin sa kaniyang mga mata. "May problema ba?" Hindi siya sigurado pero pakiramdam niya ay may dinadala itong problema na hindi sinasabi sa kaniya. "Ako dapat ang nagtatanong niyan... May problema ba babe?" Naging mahinahon ang boses ni Grecian sa kaniyang pagtatanong. Nakita niya ang pagbuntinghininga ni Paris at doon lang niya napagluho na may dinadala nga itong problema. "May mga bagay lang akong dapat ayusin, babe... Siguro ay napagod lang ako kanina..." Dahil sa sinabi nito ay agad na inisip ni Grecian ang nangyari kanina sa kanilang dalawa. "You mean... What we did?" Nagdadalawang-isip si Grecian kung tama ba ang tinutukoy niya sa sinasabi nito. "Yeah." Pasimple itong ngumiti sa kaniya. Ngayon ay alam na niya kung bakit ito napagod. "Sige na... Alam kong kailangan mo ng pahinga." Hindi niya mapigilan ang palihim na bumungisngis. "Napagod na nga 'yong tao, may gana ka pang tumawa diyan." Kunwari ay nagalit ito sa kaniya ngunit sinundan lamang niya iyon ng isa pang hagikhik. Palihim silang nagtawanan. Samantala, naging palagay na rin ang loob ni Paris na ganoon ang isipin ni Grecian dahil alam ni Paris na hindi pa panahon para malaman ni Grecian ang tungkol sa kaniyang mga magulang. "I'm sorry, babe. Now, rest. Kasi alam kong napagod ka." Sumeryuso ang mukha ni Grecian. Nagkaroon siya ng pagkakataon para halikan si Paris. Masuyo naman iyong tinanggap ni Paris at saka tumugon sa halik ni Grecian. "Kailangan mo na rin magpahinga dahil hindi lang ako ang may trabaho. Alam kong marami kang upcoming projects kaya magpahinga ka na..." Napangiti siya dahil alam na alam nito kung gaano siya maging abala sa trabaho. Sa ngayon ay mas malaki ang kaniyang rasong kung bakit kailangan niyang magsipag sa trabaho. Muling bumalik sa kaniyang alaala nang linisin niya ang loob ng pridyeder. "Nalinis ko na ang loob ng fridge... 'wag ka nang mag-alala dahil gagawan ko ng paraan para malaman kung sino ang may gawa no'n..." Bawat salita niya ay sinisigurado niyang mapapanatag ang loob ni Paris. Kusa itong ngumiti dahil sa sinabi niya. "Maraming salamat, babe. Maraming sakamat dahil sa kabila ng lahat, nandiyan ka para sa 'kin..." Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kaniyang braso. "Basta para sa 'yo, gagawin ko..." Muli niyang binigyan ng kasiguraduhan si Paris. Natapos ang kanilang pag-uusap at saka nila napagdesisyunan na matulog. Dahil alam nilang pareho na kasama nila si Gilbert ay kinakailangan nilang maghiwalat sa pagtulog. Dahil sa kadahilanang iyon ay nagkaroon ng inis si Grecian. Ngayon ay nawalan siya ng pagkakataon para makatabi si Paris nang dahil lang kay Gilbert. **** Ngayon ay alam na ni Gilbert ang lahat. Mula sa kaniyang kwarto ay palihim niyang binuksan ang pinto. Pupunta sana siya sa kabilang kwarto kung saan naroon si Paris para hiramin dito ang laptop nito nang hindu niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ni Paris at Grecian. Kahit isang salita mula sa pag-uusap ng dalawa ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Gilbert. Nabuhay ang kaniyang lungkot dahil sa usapan ng dalawa. Noong una pa lang na pagtungtong niya sa bahay ni Paris ay nagkaroon na agad siya ng kakaibang pakiramdam. Nagtaka siya kung bakit kasama ni Paris si Grecian gayung alam niyang iniiwasan nito si Grecian noong una pa lamang na naroon sila sa Batanes. Kaya pala mas lalong naging mailap sa kaniya si Paris dahil palihim na itong nakikipag relasyon at nakikipag mabutihan kay Grecian. Naikuyom ni Gilbert ang kaniyang magkabilang kamay dahil sa galit. Hindi niya maikakaila ang kaniyang galit kay Grecian. Kasabay ng kaniyang galit ay alam niyang unti-unti rin na nagkakaroon siya ng tampo kay Paris. Aminado siyang nahulog na siya sa kaibigan pero ang makita itong masaya sa iba ay parang hindi niya kaya. Kahit saan tingnan ay alam niyang marami siyang maibubuga kumpara kay Grecian dahil iyon ang kaniyang pinaniniwalaan. Kahit na anong mangyari ay naniniwala siya na sa huli ay siya pa rin ang pipiliin ni Paris. Kung hindi iyon mangyayari ay siya na mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon. Mabilis niyang tinungo ang kaniyang higaan at saka malungkot na nahiga. Hindi ang oras para panghinaan siya ng loob. Alam niyang nasa tama ang kaniyang desisyon na sundan si Paris. Kung ito nga ang inaakala niyang pagsubok bago niya makuha si Paris ay nakahanda siyang suungin iyon para lang mapatunayan na mas karapatdapat siya kumpara kay Grecian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD