Janine pov. Pabalik na ako sa pilipinas ngayon, nag sabi na din ako kay dad na kakausapin ko pa yong lalaking ipakikilala ko sa kanya. Sabi nya pa nga sa akin ay basta hindi lumagpas sa binigay nyang due sa akin. MAsyado talagang sigurista ang daddy ko, si mom naman ay parang ayaw ako kausapin ng sinabi ko sa kanya na babalik na ako sa pilipinas. Lagi nyang sinasabi sa akin na nakakalimutan ko sila ni dad pag nasa pilipinas ako. Hindi daw yon ang tunay kung tirahan pero kung mamalagi ako ay mas madalas pa kaysa sa amin. True naman din kasi yon dahil nanduon ang aking negosyo at isa lalo na ngayon na kailangan kong manmanan si jake. Pag dating ko sa bahay naming mag pipinsan ay nakita ko agad sila manang na nag aantay sa akin sila palang kasi ang nakaka alam na nakuwe na ako, "Magandang

