CHAPTER 2

1572 Words
Napadalas ang pagpunta ni harry dito dahil sinisimulan na nilang dalawa ayusin ang mga gamit nila. Dalawang araw nalang kasi ay aalis na sina ella't hannah papunta sa bahay ni harry. Simulan no'n ay madalang na kaming pumunta sa bahay nina ella kaya pili na rin ang oras na maglalaro si hannah at harvey. Ayoko kasing makita si harry dahil alam kong kilala niya ako. Magtatanong iyun kung sino ang tatay ni harvey. Habang nagluluto ako ay may biglang kumatok sa pinto kaya tinawag ko si harvey para buksan ito. “Harvey, pakibuksan ang pinto” utos ko na kaniya namang sinunod. Pinunasan ko ang aking kamay dahil natapos na rin akong magluto kaya pumunta agad ako roon baka kung sino na. “Ella?” banggit ko sa pangalan niya “Ahm, punta mamaya sa bahay. Birthday kasi ni hannah, konting salo-salo lang saka isama mo na rin si harvey” anyaya niya na pinayagan ko naman. Sana hindi ako makita ni harry dahil sigurado akong kokomprontahin ako no'n. Nakarating kami sa bahay nila ella, minabuti kong manatili na lamang sa gilid kung saan hindi ako makikita ng iba lalo na si harry. “Why are you hiding here?” gulat akong napatingin sa nagsalita sa gilid ko. How come he saw me here? “H-hindi naman” sagot ko. “Bakit hindi ka doon umupo tutal magkaibigan naman kayo ni ella?” tanong niya “Mas komportable kasi ako dito” sagot ko, mabuti di ako nautal. “Comfortable?.... Look where are you sitting at? A monoblock? You would feel more comfortable in the sofa” sagot niya ng nakangisi. “No thanks, i'm fine” wika ko. “Natatakot ka ba na malaman ko?” taka naman akong tumingin sa kaniya kahit alam ko ang ibig niyang sabihin. “What do you mean?” tanong ko at kinain ang puto na nasa plato ko. “He still finding you, he never get tired of finding you. I hope you know that” malumanay na saad niya at tumayo saka pumunta sa pwesto nila ni ella. “Hoy anong pinag-usapan niyo?” muntik ng matapon ang laman ng plato ko dahil biglang sumulpot ang bruha. “Chismosa!” sambit ko at kinain ang spaghetti. Kulang sa sauce! “Share na dali, kunin ko 'yang spaghetti” inalok ko naman ang spaghetti na sinabi niyang babawiin niya “Oh ito” kinuha ko muna ang huling puto saka nilapit pa ang plato sa kaniya “Sabihin mo na kasi” pamimilit niya. “Sige na nga, chismosa ka talaga!” inilapag ko muna sa hita ko ang plato at bumuntong hininga. “Kapag umalis kayo rito at nagtanong si harry tungkol sa akin please huwag kang sasagot. At 'yung tungkol kay harvey, sabihin mo na-r**e ako kaya ako nagka-anak” sabi ko na ikinakunot ng noo niya. “Sandali hindi ko gets eh, anong meron kay harry at sa iyo? May past ba kayong dalawa?” kumunot lalo ang noo niya. “Gaga, hindi. Ano kasi” huminga ulit ako ng malalim bago ipagpatuloy. “Ano?” tanong niya. “Siya 'yung kapatid ng tatay ni harvey” saad ko at yumuko. Alam kong nagbago ang reaksyon ngmukha niya. “Ibig mong sabihin mag-tito silang dalawa?” tanong niya na ikinatango ko na lamang. Tumingala ako at pantayan siya. “Pero bakit hindi mo sabihin?” tanong niyang muli. “Natatakot ako na baka kuhain niya si harvey sa akin. Ella alam mo na mahal na mahal ko ang anak ko kaya sana itago mo nalang ito kay harry at sa kapatid niya. Ayaw kong mahanap niya kami dahil hindi ko alam ang gagawin ko” hindi nakatakas ang luha ko at tumulo ito ng sabay-sabay mula sa akin mata. Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa akin. “Huwag kang mag-alala, akong bahala sa inyo.” nakangtiting aniya kaya napangiti na rin ako. “Thank you, ella. Don't you know how happy i am to have a friend like you. And also take care of hannah for me. Me and harvey will gonna visit you if i have a free time.” ani ko at hinawakan ang plato. “Ayos lang 'yun, saka tigil-tigilan mo na 'yang page-english mo” reklamo niya na ikinatawa naming dalawa. “Marami pa doon kuha ka pa” saad niya kaya pumunta ako roon sa lamesa at kumuha pa ng spaghetti. “He look like haime, didn't him?” halos mabitawan ko naman ang plato ng magsalita si harry gilid ko. Tumayo ako at hinarap siya. “Kabute ka ba? Sulpot ka ng sulpot kung saan saan!” reklamo ko at kumuha muli ng puto. “Answer me, marian. Is he my nephew?” seryosong tanong niya. “Nephew mo muka mo” bumalik akong muli sa bangkong kinauupuan ko kanina. Nakakainis, sinabi ko na eh, tatanungin talaga ako niyan. “Why so serious, i'm just asking” natatawang aniya at lumapit sa akin. “Can you just distant your self from me, you're not my type okay!” sinantok ko paikot anv spaghetti gamit ang tinidor. “Why, i don't like you either. Are you afraid that haime might know about this?” tanong niya “About what?” tanong ko “About you and that little kid” tinuro niya naman si harvey na ngayon ay naglalaro kasama si hannah. “He's not the father” madiing sambit ko. “He is” madiin niya ring sabi. “Can you just listen to me, i'm the mother” mariing sabi ko “I don't care if you're the mother, my brother needs his son—” ngumisi siya “Especially you!” pinangdiinan niya talaga 'yung you kaya biglang uminit ang mukha ko. “Do you think you can trick me, harry. I'm already fooled by your brother” turan ko. “May i ask you, do you know what's the real thing happened between my brother and your cousin?” tanong niya kaya napalingon ako sa ibang direksyon. Niloko nila ako 'yun ang alam ko at 'yun ang totoo. “Yes” sagot ko naman “What it is then?” tanong niyang muli. “Hindi ka ba nauubusan ng tanong, ha? Kanina ka pa kasi eh. Tigilan mo nga ako, pareho lang naman kayo ng panget mong kapatid” medyo malakas na saad ko kaya napatahimik siya. Oh ano ngayon? Pero bigla itong ngumisi. “Atleast my wife came back to me” huli niyang sinabi at umalis sa harapan ko Umupo na lamang akong muli at isinubo ang puto. Bwisit talaga 'tong kapatid ni haime. Pareho lang naman sila ang pinagkaiba lang, mas hot si haime ng kaunti. I hope he won't tell haime about this. I don't want him to get my child from me. If i have to move on to another place or even a country, i will. Just to hide my son from him. Alam na ni ella ang tungkol samin kaya sana itago niya na lamang ito. May tiwala naman ako sa kaniya pero iba pa rin 'yung nakakausap ko siya dahil alam kong mapapaamin siya ni haime pag nagkataon. “Maraming Salamat, ella para dito. Nabusog ako, masaya rin si harvey dahil nakasama niya si hannah bago kayo umalis bukas” masayang sabi ko kay ella. “Ano ka ba ayos lang 'yan. Salamat nga rin pala dahil sumama ka rito kahit nandito ang asawa ko” lumingon naman siya kay harvey na nakangiting tinignan siya. Bumalik na kaming muli ni harvey sa bahay. Hindi na ako nagluto pa ang nagtimpla na lamang ng gatas para kay harvey, ayaw niya kasi matulog ng hindi nakakainom ng gatas. Katulad ng tatay niya, palaging umiinom ng gatas sa akin. Inihatid ko ang gatas papunta sa kwarto namin at ipinainom ito sa kaniya. “Big boy na talaga ang baby ko, hindi na dumidede kay mama” hinaplos ko ang pisnge nito. Hawig na hawig nga talaga sa tatay niya na kahit sino mapapansin iyon kung makikita lang nila si haime. Lalo na 'yung harry na iyon, sana talaga hindi niya sabihin kay haime ang tungkol rito. “Mama, can i ask you?” tanong niya sa akin “What is it, baby boy ko?” tanong ko naman “Where's papa, mama?” tanong niya kaya napako ang katawan ko mula sa kama. Hindi ako makagalaw dahil sa tinanong niya. Should i have to tell him about his father o keep my mouth shut? Huminga ako ng malalim bago sumagot. “He's already dead, baby. Papa left us when you we're in mama's womb. He got cancer and because of complication, he died” kung kailangan kong magsinungaling gagawin ko huwag niya lang malaman ang tungkol sa tatay niya. “Ganun po? Do have a picture of him, mama?” tanong niya muli “Wala, baby boy eh. Papa doesn't like to take some picture so nothing left” kinuha ko ang kumot at ikinumot sa kaniya. “Let's sleep na baby boy ko. Bukas we're going to the mall. We will gonna buy some toys” nakangiti kong saad kaya ngumiti rin siya. “Talaga po?” tumango naman ako at umikot sa kama para humiga. Niyakap ko siya at sumalo sa kumot. I'm already happy with my son, we don't need him. I won't let him to get my child away from me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD