Isang buwan na ang nakalipas matapos ang honeymoon nilang mag asawa. At muling bumalik si Cobe sa pilipinas para asikasuhin ang kompanya dahil may importanti daw itong client. Hanggang dumating ang araw ng birthday ni Niko, idinaos nila ito sa isang beach resort dahil gusto ng bata maligo at maglaro sa dagat. Malaki ang ipinag bago ng katawan ni Niko, kumpara sa dati na malusog ito ngayon ay tumangkad ito na medyo payat. Nakangiti si Nicole na pinapanuod ang anak na nakikipag laro sa kapatid nito sa dalampasigan. Si Cobe ay nasa pilipinas, bago ito umalis ay nag promise ito sa anak na makakarating siya sa araw ng birthday ng bata. Ngunit mag gagabi na at hindi pa nakakarating si Cobe, si Nicole naman ay panay ang tingin sa cellphone habang pinapanuod ang dalawang bata na naglalaro sa

