Chapter 28

1059 Words

"Paano mo nalaman na dito ako nakatira inay?." Tanong niya sa ina. "Matagal na kitang sinusundan anak, nahihiya lang akong lumapit sayo." Nakayuko ang ulo nito habang nagsasalita. "Kaylan pa po?" Gulat niyang sambit sa ina. "Nakita kita nuon sa bus, parang bagong salta kalang dito sa maynila. Sinundan kita hanggang dito sa mansyon, alam kong ikaw ang anak ko. Dahil kamukhang kamukha mo ang iyong ama." "H-ho? Sinong ama, inay?" Nagulat siya sa huling sinabi ng kanyang ina. "Anak buntis na ako nuon nang gahasain ako. Hindi natanggap ng ama mo ang nangyari sakin, nung araw na sinabi ko sa kanya na buntis ako. Kinitil niya ang sarili niyang buhay dahil sa kahihiyang ginawa ko, ang buong akala niya ay ang dalawang lalake na nang gahasa sakin ang ama ng pinagbuntis ko." Dugtong niya habang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD