(Matthew’s POV) “Manang, hindi pa rin ba nakakabalik si Leslie?” Medyo naiinip na niyang tanong ulit kay Manang Elna. It’s Leslie’s day-off. Pero dumidilim na ay wala pa rin ito. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala para alamin kung nakabalik na si Leslie at baka nga nakukulitan na sa kanya si Manang Elna kakatanong niya. “Wala pa rin po, Sir Matthew…” Sagot naman ni Manang Elna. “Bakit wala pa rin siya..” mahinang tanong niya na lang sa sarili. Kanina pa nga siya nagte-text at tumatawag sa cellphone na ibinigay niya rito ngunit ni isang reply ay wala siyang natanggap mula sa dalaga. He's starting to get worried…. And afraid. He’s aware that Leslie’s contract had ended yesterday. He had to leave because something urgent came up pero hindi naman inabot ng gabi ang lakad niya

