“So who is this woman? Siya ba ang ipinalit mo kay Chelsea?” Kung hindi lang talaga siya desperado sa paghahanap kay Leslie ay hinding-hindi siya hihingi ng tulong kay Tyron. Sa lahat kasi ng pinsan niya ay ito ang alam niyang may pinakamalawak na koneksiyon dahil marami itong kakilala hindi lang sa larangan ng pagnenegosyo kundi sa iba pang bagay. Mahilig ito sa adventure, marami rin itong escapades sa buhay kaya kung saan-saan ito minsan nakakarating at kung sinu-sino ang nakikilala nito. Kumpara naman sa kanya na ilang taong halos nagkulong lang sa bahay niya. Hindi muna niya sasabihin sa mga kaibigan niya ang tungkol kay Leslie lalo at di niya nagustuhan ang nangyari noon nang makilala nang mga ito si Leslie. At least si Tyron, pinsan niya at alam niyang marami naman itong babae. “J

