“Welcome Sir. I’m Leslie. Can I get your order now?” Napipilitan niyang tanong sa customer na malaking mama habang nakayuko ito. Nakajacket ito at nakasumbrero pa, inisip tuloy niya na baka matanda na ito o isa na naman iyon sa mga lalaking gustong hingiin ang cellphone number niya at makipaglapit sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya dahil sa ilang linggo niyang pagtatrabaho sa restaurant ni Charlie ay marami na rin ang mga customer na nagpapapansin sa kanya at gaya nga ng lalaking nakayuko at nakaupo ay nire-request pang siya ang kumuha ng order nito. Iniangat ng lalaki ang mukha nito at ganoon na lang ang pagkagulat niya kaya napaawang ang mga labi niya at napatitig siya sa gwapong mukha ng Sir Matthew niya na nakangiti sa kanya. “Hi baby.” Nakangiti pang bati nito. Umalis na siya

