Dahil sa mga nalaman nila ay mas napabilis ang pagpapahukay nila sa bangkay ng baby na inilibing nina Matthew. Agad nilang ipina-DNA test ang bangkay ng baby at napatunayan nga nilang hindi iyon si baby Max. Sa wakas! Nabigyan na ng kumpirmasyon ang kutob niya lang nong una. Hindi pa patay si Baby Max at kailangan nila itong mailigtas mula sa mga kamay ng kung sino mang kumuha rito. Pero lahat ng nalaman nila ay pinanatili muna nilang sekreto dahil ayaw nilang maalarma ang kung sinumang taong nasa likod ng lahat ng iyon dahil baka mailigaw na naman nito sa kanila ang katotohanan. “Sino ang nag-utos sa’yong gawin iyon kay Ali?” Nasa bahay sila ni Alissa at kasalukuyan nilang ini-interrogate ang katulong na naglagay ng kung ano sa pagkain o inumin ni Ali kaya hindi siya nito napuntahan

