"Hi Alex. As you can see, kasama ko pala si Mr. Tan." Sabi ng pinsan nya at sinalubong naman nya ito at kinamayan. "Have a sit. Anung meron at napadalaw kayo? Sana ipinagbigay alam nyo saken o kahit sa PA ko na pupunta kayo." "Well, nandito lang naman kami para dito." At inilapag ni Nayumi ang listahan ng mga investors nila na unti unti ng umaalis at ibang mga partnership. "What's this?" "Basahin mo!" Sagot ng pinsan nya. Kinuha nya iyon at tinignan. Pansin nya ang kakaibang ekspresyon ng hitsura ni Mr. Tan. Napapailing pa ito. "Sana bago matapos ang buwan na ito ay mabigyan yan ng pansin. Dahil kung hindi, ang lahat ng pinaghirapan ko at ng papa mo ay mawawala. Kung ganun, kahit ako ay baka mapilitang bitawan din ang MI." "W-wait! H-hindi ko alam ang nangyayari. May binigay saken a

