Nagkaroon muna ng mahabang pag-uusap at conference si Alexander para sa bagong pinapagawa nilang projects. At napapansin nyang panay ang padyak sa paa si Mariah dahil siguro ay ngalay na ito sa pagtayo. Halos hindi na din masagot ni Alexander ang mga tinatanung sa kanya kasi nakatuon ang isip nya kay Mariah. Pagkatapos nun ay may sunod pa syang pictorial para sa bagong endorsement. Pawisan na din sya at kailangan mapalitan ng bagong masusuot. "Pakiayusan na si Mr. Montalvo. Nasan na ang PA at make-up artist nya? Pumunta na dito." Sigaw ng manager ng magiging kasama ni Alex para sa endorsement at pumapalakpak pa. Agad na lumapit si Mariah at nang makita ni Alex na natapilok ito ay tatayo na sana sya ngunit agad na inalalayan iyon ni Zack. Lumapit ito sa kanila kasama ang make up artist nit

