Nagtataka na sya sa mga sinasabi at kinikilos ng binata. Tinitignan niya ito ay abala sa paghahanap na susuotin sa closet nya. Muli syang nagpaalam dito at tumango lang si Alex. Pagbaba ni Mariah ay nakita nyang nakaupo ang tatlong babae sa malaking sofa sa sala. Tumayo ang mga ito ng makitang palapit sya at sinalubong ng senyora. "Salamat iha dahil pinagbigyan mo kami. And don't worry kung sakaling komprontahin ka ng apo kong si Zaquieo, ako ang bahala sayo. Ang mahalaga ngayon ay maayos na ang pakiramdam ni Alex." Wika ng Senyora. "Oo nga be. Kahit kami ni manang Serna nahihirapan din sa kanya. Diritso kana na ba sa Montalvo Imperial nyan?" tanung ni Carmina. "Oo, at kasabay ko na po pala si senyorito?" "Anu?" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo. "No! Hindi pa sya pwede pumasok, ngayon

