Hindi ko na muna pinuntahan si Aria at JD sa mga sumunod na araw. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin. Ngayong linggo na darating ang mga materyales na gagamitin para sa mga furniture sa pinapagawang hotel ni Aria. Kailangan kong pagtuonan ito ng pansin. "Grabe, ang tagal na nating hindi nagkikita!" salubong sa akin ni Kylie nang magkita kami. "I've been very busy," ngiti ko sa kanya. Niyaya ko siyang mag lunch ngayong araw. It's her day off. We need to catch up. I am so excited to hear about her stories. Mukhang masaya talaga siya sa kanyang love life. I can see it. Every day, she's blooming. I'm happy for her. "Ano naman kasi ang pinagkakaabalahan mo?" kunot noong tanong niya. Umiling lamang ako. "Ikaw nga d'yan ang dapat magkwento," pag iiba ko sa aming usapan. "Who's the lu

