Ngumiti si Aria ng tipid at umupo sa aking tabi. Hindi matanggal ang tingin ko sa kanya. Pinoproseso pa ng utak ko ang nakikita ng aking mga mata. Kahit ilang beses akong kumurap ay hindi siya nawawala sa paningin ko. Hindi ito panaginip. Nandito talaga si Aria. Nakaupo siya sa aking tabi! "Aria... nandito ka," hindi makapaniwalang sabi ko. I want to hug her, to kiss her. She's real and really here. Malungkot siyang ngumiti at tumango. Lumipat ang tingin niya sa aking buhok. Ang ngiti sa aking labi ay bigla na lamang napawi. Hinawakan ko agad ito at tumawa. "Bagong hairstyle ko. Bagay ba?" natatawang tanong ko. Hindi siya natawa sa aking pagbibiro. Nag iwas siya ng tingin sa akin. Binaling niya ang kanyang mga mata sa sahig. Kung sapat lang ang lakas sa aking katawan ay kanina ko pa s

