"Kanina ka pa tahimik," puna sa akin ni Victor pagdating namin sa aking apartment. Umiling lang ako at dumiretso sa kama para umupo. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga sinabi ng kanyang lola sa akin. Hindi niya ako tanggap. At kahit kailan ay hindi niya ako matatanggap. Iniisip niya na tanging pera lamang ni Victor ang habol ko. Lumapit sa akin si Victor at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang aking mga kamay. Maingat niyang hinalikan ang mga ito. "Come on, tell me. Ano'ng nasa isip mo?" may halong pag aalala ang tono ng kanyang boses. Tumingin ako sa kanya. Tipid ko siyang nginitian. "Sa tingin ko..." umpisa ko. "Hindi na natin kailangan pang magsama sa iisang bubong. Pwede naman tayong magkita araw-araw." Kumunot ang noo niya sa aking sinabi. "Pero mas maganda pa rin na magka

