"Sht! Totoo?!" hindi makapaniwalang sabi ni Calyx nang ikwento ko sa kanila ang pagkikita namin ni Aria. Tumango ako. "Hindi ako handa sa pagkikita namin. I am so fcking intimidated. Para akong gago sa harapan niya," napabuntong hininga ako. "Gago ka naman talaga," ani Kiel. Sinamaan ko siya ng tingin. "Tngina, hindi kayo nakakatulong." Tumayo si Calyx. Kinuha niya ang gitara at pinaglaruan ito. "Ang tanga mo... nando'n ka na, hindi mo pa kinausap ng maayos." "Sinubukan ko!" singhal ko sa kanya. "Pero ibang-iba na siya. Ibang Aria ang nasa harapan ko. I can't even find the warmth in her eyes. Parang may yelo ang mga mata niya. Ang lamig niyang tumingin!" "Tss..." inagaw ni Kiel ang gitara kay Calyx. "May binigay ba siyang contact sa 'yo? I'm sure magkikita ulit kayo." "Wala," ginulo

