KAICHI POV :
"Kaichi! Bakit di mo man lang sinabi sa akin na kinuha ka pala bilang commercial model and representative ng Yahagi Hotel and Restaurant? I am very dissapointed, hindi mo man lang naisip itanong sakin ang approval ko tungkol sa ganong bagay?! " - Halos ilayo ko na sa taenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni manager Joyce, nako paktay galit na galit na sya. Bwesit kasi tong kuya ko e! I was expecting na maganda ang ibubungad sa akin ni manager pero heto ako ngayon at binubungangaan!
"Ceyyyyy~ sorry na. Akala ko naman kasi kinausap ka na ni kuya Jholo about this thing, ang alam ko kasi sya raw ang kakausap sayo tungkol sa bagay na to e. " -Pagpapalusot ko sa kanya, rinig ko ang pag buntong hininga nya, Hala! nagalit kaya sya lalo?
"Fine! I'll talk to him tomorrow.
tā zhēn dє ràng wǒ jǐnzhāng!".
- [ he is really getting into my nerve !" ] -
Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinambit ni manager, ewan sa tingin ko ibang langguage yun, I don't know if its either chinese or korean, ah basta ewan!
Matapos naming mag-usap na dalawa ay nag half bath na muna ako. Mga ilang minuto nang matapos akong mag-ayos at maglinis ng sarili ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.
"Eh? Unknown caller? " Takang tanong ko sa aking sarili, hmm sino naman kaya tong tumatawag sakin? ah baka si kuya DJ masyado kasing madaming ginagamit na number yun para lang tumawag sakin.
" Hai, soreha aniki to wa nanidesu ka?
[- Yes, what is it big brother? " ]
bungad na tanong ko kaagad sa kanya ng masagot ko ang tawag.
"Ganyan ka ba talaga sumagot ng tawag? Paano ka maiintindihan ng kausap mo nyan? "
- Halos manlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na ibang tao pala ang tumawag sakin, ngunit naasar lang din ako ng masense ko kung sino yung tumawag sakin.
"Tsst! Oh anong sadya mo Mr.Fenier?"
Inis na tanong ko sa kanya sa pamamagitan ng tawag. Narinig ko pa syang tumawa ng mahina bago sumagot.
"May isesend akong files sayo, contract yun na pinirmahan ko, pati narin ng management mo. So I guess I'll be living with you for the whole 3months. "- makahulugang paliwanag nya, napataas ang kanang kilay ko ng maalala ko ang huling sinambit nya.
"What do you mean by "living with me in the whole 3months Mr. Fenier? " Nagtatakang tanong ko sa kanya pero ang gago binabaan lang ako ng call. ABA ANO YUN?! ANG BASTOS NAMAN NG KUMAG NA YUN!
" Psh, pogi nga panget naman ugali. " Inis kong sambit sa aking sarili. Asar ko nalang na tiningnan ang files na sinend nya sakin, at laking gulat ko nalang nang mabasa ko ang contract about US LIVING TOGETHER.
"Nantekotta i! Kore wa hontōdesuka?
[- What the hell! Is it f*****g true? "]-
Naibulalas ko nalang sa sobrang gulat. The f**k?! Ako at sya? Magsasama sa loob ng iisang bahay sa loob ng tatlong buwan?! BAKIT?!
dali-dali ko namang dinampot ang cellphone ko at inis na tinawagan si manager Joyce.
"Ceeeey! Anong ibig sabihin netong contract na pinirmahan mo?! Bakit di ko to alam?! Bakit namin kelangan tumira sa iisang bahay?! At bakit kelangang ganon talaga katagal?! "
Sunod-sunod kong tanong sa kanya gawa ng inis ko. Gosh! Ayoko nga makasama ang hentai [pervert] na yun!
" Will you stop shouting at me? Tsk! Well di ka din naman nagpaalam sakin about that matter, so why should I also tell you about it? Anyways ginusto mo din naman yan e, isa pa di ko binasa ang contract na yan and I just signed it. Ang sabi makakasama mo raw yung isa pang representative ng Yahagi Hotel and Restaurant , and I guess you guys can get along with each other so what's the problem? And one more thing! JUST DON'T DO SUCH THING NA IKAKASIRA NG IMAGE MO AT NG CORPORATION KUNDI LAGOT KA SAKIN Wakarimasu ka? [do you understand?]"
-
Naparolled eyes nalang ako sa haba ng paliwanag nya. Hayst! Ano ba namang klaseng manager tong meron ako talagang hahayaan nya lang ako? Gosh paano nalang kung di pala mapagkakatiwalaan yung makakasama ko, tapos di nya man lang naisip yun?
"Okay fine. I'll hang up now. "
-Malamya kong sagot sa kanya tyaka pinatay na ang phone.
F A S T F O R W A R D
NICOLAI POV :
6:30 palang ng umaga ay bumyahe na kami ni Kaichi papuntang bagong bahay na titirahan naming dalawa, I kinda like Drew's idea, me and Kaichi living together sounds good. Hindi naman sa may masama akong balak, sabihin na nating masyado lang akong nachachallenge sa babaeng to at gusto ko lang syang mapasakin in a way na kapag sumakay na sya sa patibong ko ay tyaka ko sya iiwanan nalang.
"Hoy wag mong sabihin sakin na may iniisip ka na namang kabastosan dyan tungkol sakin? "
- Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses nya, ngunit halos manigas ako sa kinau-upoan ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng dibdib nya sa braso ko. potek dama ko tuloy yung dalawang umbok ng hinaharap nya.
"Hmm, I was just thinking kung anong itsura mo kapag nakahubad na. Sexy ka kay-Aray! "
hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ng sampalin nya ako sa mukha. Bwesit na babaeng to mapanakit!
"Baka hentai!
[- Idiot Pervert! ]
- Inis nyang sambit sabay tingin sakin ng masama. Natawa nalang ako sa naging reaction nya.
"Hēi, zhège báichī biàntài de jiāhuo huì ràng nǐ zài tòngkǔ hé yúyuè zhōng mo yín hé jiān jiào.
[ - Hey, this idiot pervert guy could make you moan and scream in both pain and pleasure. ]" - Sambit ko nang nakangisi sa kanya gamit ang chinese language, akala nya ha sya lang marunong gumamit ng ibang langguage. Napansin ko ang pagkunot ng noo nya pati narin ang pagtaas ng kanang kilay nya, yes I know di nya kayang intindihin ang chinese kaya naman yun ang ginamit ko.
" ANONG SINASABI MO HA?! MINUMURA MO NA BA AKO? "
- Galit na galit nyang sigaw sakin habang hinahampas ako.
" DAMN KANINA KA PA AH? PAG AKO NAPIKON SAYO HAHALIKAN NA TALAGA KITA! "
- Naaasar kong singhal sa kanya dahilan para mapatigil sya sa kakahampas sakin, bwesit masyadong maselan tong balat ko para hampasin nya lang.
"Whatever! "
Malditang sagot nya, kinuha nya ang earphone nya tyaka ito ipinaslak sa tenga nya.
Tahimik lang kaming pareho sa gitna ng byahe, mga ilang oras pa ay nakarating na kami sa Yahagi Hotel. Kaya din talaga kami pinagsasama sa iisang bahay yun ay dahil isa sa mga ini-endorse namin as representative ay ang Yahagi Hotel.
Mula sa pagbaba namin sa sasakyan hanggang pagsakay sa elevator at pagpasok sa loob ng condo ay di na kami nagkikibuang dalawa, kung asar sya sakin pwes mas bwesit ako sa kanya.
Makalipas ang ilang oras na pag sstay namin sa loob ng condo halos di padin kami nagpapansinan, nang bigla syang kumatok sa loob ng kwarto ko.
"Oh bakit? "- malamig kong tanong sa kanya.
"Ahm, ano~ ah kasi gutom na ako pwedi ka bang magluto? "
Nahihiyang tanong nya na talagang umiiwas pang tumingin sakin, palihim naman akong natuwa dahil doon.
"Ayoko magluto ka mag-isa mo dyan "
- Kunwaring inis kong sagot sa kanya dahilan para mapapout sya, piste natetempt tuloy akong halikan sya.
"Pero, nagugutom na ako. Hahayaan mo ba akong mamatay nalang sa gutom hmmm~" nagpapacute nyang sambit sa akin na may kasamang pagpuppy eyes pa.
"Fine! Tigil mo na yang ginagawa mo, mukha kang tutang baliw dyan. " sambit ko tyaka tumungo na sa kusina para magluto. Mga ilang minuto lang ay natapos ko na ding lutoin at ihanda ang kakainin naming dalawa.
" waaah! Oishī
[- waah! Delicious ]" -natutuwang sambit nya ng sinimulan nya na ang pagkain, natawa nalang ako dahil sa kinikilos nya. Parang bata.
"Hey, may wine dito gusto mo bang uminom? " alok ko sa kanya habang tinitingnan sya na busy sa pagkain, tumango nalang sya bilang sagot.
"Waiiiiit!" Akmang kukunin ko na sana ang wine ng bigla nya akong pigilan kaya napahinto ako.
"Bakit?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.
"Diba pag may alak, may balak raw? May balak kang masama sakin nuh?!" seryosong sambit nya sakin sabay taas ng hawak nyang tinidor tyaka itinutok to sakin na para bang kunwari isasaksak nya to sakin.
"Baliw ka wala.Inom lang walang ano pang bagay na mangyayari. pero kung gusto mo naman why not?" nakangising sambit ko sa kanya para maasar sya, nakita ko naman ang mabilis na pag-inom nya ng tubig. Natatawa nalang akong naglakad papuntang lagayan ng wine.
Pagkatapos naming kumaing dalawa ay tyaka namin ininom ang wine. Napasarap kaming dalawa sa pagkukwentuhan na halos di na namin namalayang nakakarami na pala kami ng nainom at halos malasing na din kami pareho.
"Yah! Sevi-kun~ do you find me desirable? "
-Lasing nyang tanong sakin habang hawak-hawak ako sa pisngi.
Ngumiti ako sa kanya tyaka hinawakan ang mga kamay nya na nasa pisngi ko bago sumagot
"Hmm~yeah. "
Sagot ko.Saglit akong napatingin sa mga mata nya bago tuluyang bumaba ang mga tingin ko sa kanyang labi. Mapula ang kanyang labi na halos inaakit na ako nitong halikan sya.
" Your lips is tempting me, I wanna kiss you. "
-Sambit ko, pareho na kaming lasing dalawa. Hinampas nya ako ng mahina sa dibdib tyaka sya tumawa, natawa nalang din ako.
" You wanna kiss me? Then kiss me. " sambit nya tyaka ako tinitigan sa mata, dala ng kalasingan ay di na ako nag-atubili pang halikan sya sa kanyang labi.
"Hmm~"
Mahinang halinghing mula sa kanya, mula sa simpleng pagdampi ko ng aking labi sa kanyang labi ay mas naging malalim pa ang aming halikan nang tumugon na din sya sa bawat halik ko, at ang sumunod na nangyari ay pareho na kaming nasa loob ng kwarto ko at nakahiga na sa aking kama.