CHAPTER 3

1760 Words
"Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo rito. Alam kong alam mong congressman ang ama ng itinuturing na salarin sa panggagahasa kay Albie. Marami silang connection, Bonnie. May mga nagtangka na ring halughugin ang kasong 'yan pero ano? Libingan ang naging hantungan nila, alam mo 'yon!"  Ramdam na ramdam ni Bonnie ang galit ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ama. "Pa, wala pa naman tayong sapat na lead para masabi natin na nang dahil sa kasong 'yan kaya namatay ang dalawang journalists at isa pa-----" "At ano? Ipagpilitan mo ang gusto mo?" baling ng ama sa kanya habang nasa mga mata nito ang galit na nararamdaman matapos malaman ang lahat. "Just quit! Just quit from your work!" matigas na saad ni Kenneth sa anak. "The company is still waiting for you." "But that's not my dream." "And, what is your dream? To get killed? Ganu'n ba?!" muling bulyaw ng ama sa umiiyak na dalaga. Hindi na kinaya pa ni Bonnie ang pressure na nararamdaman niya sa pagitan nilang tatlo. "You need to resign from your work," muling saad ni Kenneth kahit pa alam niyang hindi naman gagawin iyon ng kanyang anak. "Ma?" baling ng dalaga sa kanyang ina na para bang naghahanap ng magiging kakampi sa katauhan nito.  "I'm sorry. There's nothing I can do about this matter, Bonnie," tanging katagang namutawi mula sa mga labi ng sarili niyang ina na siyang lalong nagpaiyak sa dalaga.  She was so helpless that moment at hindi na niya alam kung ano pa nga ba ang maaari niyang gagawin para naman muli pang magbago ang isipan ng kanyang mga magulang. Muli niyang tinapunan ng tingin ang kanyang amang nakaupo na sa swevil chair nito at ni hindi man lang siya nito nagawang tingnan kahit saglit man lang.  Binalingan niya naman ng tingin ang kanyang ina pero agad din naman itong nag-iwas ng tingin nang makitang nakatingin siya rito na siyang lalong nagpaiyak sa kanya.  Ang mga taong inaasahan niyang susuporta sa kanya sa ganitong sitwasyon ay halos hindi na siya magawang tingnan ng diretso. Mabilis siyang napatakbo palabas ng opisina ng kanyang ama at dumiretso siya sa kanyang sariling kwarto. Padapa siyang humiga sa ibabaw ng kanyang kama saka niya isinubsob ang kanyang mukha sa unan habang umiiyak. Wala siyang ibang pangarap maliban sa pagiging writer niya at kahit na ano pa ang magiging kahihinatnan ng kanyang trabaho ay hindi na bale para sa kanya dahil masaya naman siya habang ginagawa niya iyon at sana naman, mararamdaman at mare-realize iyon ng kanyang mga magulang.  Alam naman niyang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya kaya ganu'n na lamang nakapag-react ang mga ito nang malaman ang bagong kasong ibinigay sa kanila pero sana naman ay maiintindihan ng mga ito kung gaano kahalaga para sa kanya ang kanyang trabaho dahil pangarap niya ito magmula pa nu'ng bata pa siya. Samantalang tahimik namang pinulot ni Sophia ang gamit ng kanyang anak na nagsikalatan sa sahig ng opisina ng kanyang asawa matapos mawala sa kanilang paningin ang anak na umiiyak na umalis papunta sa kwarto nito. "Try to convince her to quit from her job dahil nasa alanganin ang buhay niya kapag ipinagpatuloy pa niya ang trabahong 'yan," saad ni Kenneth habang nakatuon ang kanyang mga mata sa monitor ng kanyang computer.  "Hindi ba pwedeng pagbigyan na lang muna natin siya sa gusto niya?" Mababagsik ang mga matang nag-angat ng mukha si Kenneth at napatingin siya sa kanyang asawa.  "Anong gusto mong mangyari? Hihintayin mo pa ba 'yong sandali kung kailan, huli na ang lahat para sa kanya to quit?" may himig ng galit na tanong niya sa asawang nakatayo lamang sa kanyang harapan habang hawak-hawak na nito ang folder ng anak. "Hindi naman ganu'n ang gusto ko kaya lang, nakita naman natin kung papaano siya naging masaya sa trabaho niya, di ba?" "Naghihintay ang kompanya sa kanya. Safe siya du'n. Walang sinumang magbabanta sa buhay niya kung sakali man." Natahimik na lamang si Sophia sa tinuran ng kanyang asawa. Naiintindihan niya ito, alam niyang nag-aalala lamang si Kenneth para sa kaligtasan ng kanilang anak at ganu'n din naman ang kanyang nararamdaman bilang isang magulang.  Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto ng kanyang anak at nakita niya itong nakaupo na sa gitna ng kama nito. Tahimik ito at alam niyang ang lalim ng iniisip nito.  Inihakbang niya ang kanyang mga paa papasok saka siya dahan-dahan na umupo sa gilid ng kama sa tabi nito habang nanatili pa rin itong tahimik at hindi man lang kumilos nang maramdaman nito ang pagpasok niya. "Pasensiya ka na sa naging reaksiyon namin kanina," turan niya habang ang kanyang anak naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanya.  "Nak, sana maintindihan mo kami ng Papa mo. Nag-aalala lang kami sa magiging kaligtasan mo." "Hindi ba parang pinapatay niyo na rin ako kapag kinuha niyo sa akin ang kaligayahan ko?" maagap nitong saad habang nakatuon pa rin sa ibang side ng loob ng kwarto ang paningin nito. "Ma, please. Help me to convince Papa," baling ng dalaga sa ina at nasa mukha niya ang pagiging desperadong ituloy ang trabahong 'yon, "Promise, mag-iingat po ako para hindi kayo mag-aaalala sa akin," pangako niya sa ina kahit na pati siya sa kanyang sarili ay hindi alam ang kasiguraduhan para sa kanyang kinabukasan kapag nasimulan na niyang hukayin ang kasong hinahawakan niya ngayon. "Ma, please," muli niyang pakiusap sa inang nanatiling tahimik dahil hindi na rin nito alam kung ano ang dapat gagawin at kung sino sa kanyang mag-ama ang nararapat niyang sundin. "Cut!" sigaw ni Thomas matapos e-execute ng leading man ang eksenang naka-schedule na gawin nila ng araw na 'yon, "Let's take a break first," sabi niya saka agad namang sumunod ang mga ito. Habang masinsinan niyang nire-review ang last shot nila ay siya namang pagdating ni Rovi sa site. "How's the taping?" tanong nito sabay upo sa silyang nasa tabi niya. "It's doing well," sagot naman niya saka siya napasandal sa kanyang upuan. "He's a good actor, huh," dagdag pa niya habang nakatuon ang kanyang mga mata kay Andrew, ang main cast ng kanilang ginagawang movie habang inaayusan ito ng makeup artist nito.  "You really have a good taste when it come to this," baling sa kanya ng kanyang kaibigan. "Of course! This will also give us benefit kaya kailangan talagang mabusisi tayo sa pagkuha ng mga artista dahil kung pipitsugin lang ang kukunin natin, it can drag us down. Malulugi tayo." "You have a point," agree niya sa sinabi ni Rovi saka siya tumayo at binalingan ang crew. "Let's start," sabi niya habang si Rovi naman ay abala sa pagmamasid sa kanilang ginagawa.  Nagsa-suggest na rin siya sa kung ano ang dapat gawin at minsan nanatili ang kanyang mga mata sa monitor habang uma-acting ang kanilang casts. Ganu'n ang naging routine ni Rovi kapag hindi siya abala sa kanyang opisina. Nasa site din siya at kasama ang production team habang nate-taping.  Samantalang sa kabilang banda naman ay nanatiling hawak ni Bonnie ang kasong ibinigay sa kanya sa kabila ng pagtutol ng kanyang mga magulang. Papatunayan niyang magiging okay lang siya habang pinipilit niya ang lahat na makuha ang karampatang hustisya para sa mga nawalan ng buhay nang dahil sa kasong 'yon. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nagagawa ang bagay na 'yon, hindi siya titigil hangga't hindi niya naibibigay ang hustisyang ipinagkait ng mga taong may kapangyarihan sa lipunan. Hinalungkat niya ang mga old news tungkol sa r**e case ni Albie, ang mga dokumentaryong inilabas ng naunang journalists na nag-handle sa kasong 'yon, ipinatugpi-tugpi niya ang lahat dahil sa pagbabasakaling may makukuha siyang lead. Tahimik siyang napatingin sa isang abandonadong warehouse kung saan naganap ang krimen. Talagang wala siyang takot na muli itong puntahan kahit na alam naman niyang matagal na itong ibinandona at matagal-tagal na rin nangyari sa warehouse na 'yon ang nasabing kaso pero nagbabasakali pa rin siyang may makukuha siyang lead. "Stop!" sigaw ng isang lalaki habang may hinahabol itong dalawang kalalakihan at papunta sa kanyang direksyon ang mga iyon.  Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla at nang nasa malapit na sa kanya ang dalawang lalaki ay mabilis niyang dinampot ang isang kahoy na malapit sa kanya at walang pag-aalinlangang pinagpapalo niya ang mga ito na siyang labis na ikinabigla ng lahat.  "Cut!" malakas na sigaw ni Thomas matapos hampasin ni Bonnie ang dalawang lalaki at ngayon ay pareho nang umaaray sa sakit nang dahil sa pagpapalong ginawa niya sa mga ito. Nang mapansin ni Bonnie ang mga camera sa paligid pati na ang mga crew ay saka na lamang siya nagising sa katotohanan. "Who are you? Why did you s***k them?" inis na tanong ni Thomas sa dalaga habang si Bonnie naman ay hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa hiyang nadarama. Bakit ba kasi hindi niya napansin na nagsho-shoot pala ang mga ito. Masyado kasi siyang naka-focus sa kanyang sadya sa lugar na 'yon kaya hindi na niya napansin ang mga ito.  "S-sorry. Hindi ko alam, a-akala ko kasi, totoong kriminal ang mga 'yon," sabi niya habang pinipilit niyang iwasan ang napipikon na tingin ni Thomas sa kanya.  "Hayaan mo na. Uulitin na lang natin." Agad naman napalingon si Bonnie sa kanyang likuran nang marinig niya mula roon ang baritonong boses ng isang lalaki. Si Rovi! At sa kanyang paglingon ay hindi sinasadyang nahulog ang isa niyang paa sa isang may kababawan na butas ng sementadong sahig ng warehouse dahilan upang mawalan siya nang panimbang. "Ahhhhh!!" sigaw niya dahil sa pagkabigla sabay hila sa sport jacket na suot ni Rovi sa may bandang dibdib nito na siyang dahilan kung bakit nahila niya ito hanggang sa tumama ang kanyang likuran sa sahig at aa hindi inaasahang pangyayari ay bumagsak ang binata sa ibabaw ni Bonnie. Nagulat ang lahat nang nandu'n at halos nakaawang ang mga labi habang sina Bonnie naman at Rovi ay kapwa nagkatitigan sa isa't-isa.  Napasinghap nang lihim ang binata nang may kung anong damdamin na lamang ang biglang pumitik sa kanyang dibdib. Kumabog nang kaylakas ang kanyang puso nang masilayan niya ang kagandahang taglay ng mga mata ng dalagang estrangheya pa para sa kanya. Parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo habang nanatili siyang nakadagan sa ibabaw ng babaeng hindi niya kilala. Patuloy sa pagpintig ang kanyang dibdib sa kadahilanang hindi niya alam. Napalunok siya nang dumako ang kanyang mga mata sa mga labi nitong maninipis at mapang-akit na bahagyang nakaawang dahil sa kabiglaang naganap. Ito na ba? Ang pag-ibig na sinasabi nila? Pag-ibig na nga ba ito? Tanong ng kanyang isipan habang muli siyang nakipagtitigan sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD