Chapter 1

1771 Words
Isang magarang black roadster car ang huminto sa harapan ng Disneygate Production, isang production company na pagmamay-ari ni Rovi Gonzales.   Ang Disneygate Production ay isa sa mga sikat na production company sa bansa at mas namamayagpag pa ang pangalan nito habang nasa kamay ito ni Rovi.   Si Rovi Gonzales, a 30 years old bachelor. He is a family business president. Siya na rin ang producer ng bawat film na kanilang inilalabas sa takilya. A simple man who is obedient towards his parents. He is about 6'3 feet tall. He use to have an undercut haircut and has an ectomorph body type. He's a God-fearing one.   At mula sa isang black roadster car ay lumabas ang nasabing binata na may suot na dark blue trouser with dark blue tuxedo na pinailaliman niya ng white shirt. Ang necktie niyang nakasabit sa bandang dibdib niya ay kasing kulay din ng suot niyang tuxedo.   He's wearing a shiny, black derby shoes at bago pa man siya tuluyang pumasok ng kompanya ay inayos muna niya ang kanyang suot na tuxedo.   "Good morning, Mr. President," salubong sa kanya ni Dino, ang kanyang assistant saka nito kinuha mula sa kanya ang hawak niyang suitcase na naglalaman ng mga mahahalaga niyang dokumento para sa meeting na gagawin nila ngayon kasama ang kanyang production team.   "Good morning. Ready na ba ang meeting room na gagamitin mamaya para sa gagawing meeting?" tanong niya rito.   "Everything is ready na po, Mr. President," maagap namang sagot ni Dino. May meeting siya mamaya together with his production company's members para pag-usapan ang bagong film na kanilang ilalabas.   "Good morning, Mr. President," bati sa kanya ng kanyang mga nadadaanang empleyado.   "Good morning," bati naman niya sa mga ito. Mabait at palakaibigan siyang klase ng company's president. Hindi kagaya ng iba na mapagmataas at cold kung titingnan ang panlabas nitong anyo.   Iba siya sa ibang boss ng isang kompanya. Magaan siyang kausapin ng kanyang mga empleyado kaya malapit ang mga ito sa kanya.   Nagagalit man siya kapag nagkakamali ang mga ito pero ni minsan ay hindi nakatikim ng pagmumura ang mga ito mula sa kanya. Kinakausap niya ang mga ito sa pamamagitan ng maayos na paraan para naman hindi magkakaroon ng takot ang mga ito kapag nakikita siya.   Agad binuksan ni Dino ang elevator saka pumasok si Rovi sa loob. Pinindot ng kanyang secretary ang floor kung saan nandu'n ang opisina.   Agad siyang pumasok sa kanyang opisina nang nakarating na sila.   "Mr. President, here's the documents you asked from me," sabi ni Dino sabay lahad sa kanya ng bitbit nitong documents na hiningi niya mula rito.   "Okay na ba 'to?" tanong naman niya habang hawak-hawak niya ang folder kung saan nakalagay ang documents na kailangan niya.   "Okay na po, Mr. President," maagap naman nitong sagot.   "Okay, thank you," aniya saka niya binuklat ang folder na hawak niya.   Agad namang lumabas ng kanyang opisina si Dino para muling aasikasuhin ang meeting room nila pati na ang mga folder na iniisa-isa niyang inilagay sa bawat mesa ng production team na kasali sa gagawing meeting.   Habang abala si Rovi sa pagre-review ng kanilang agenda para sa meeting ay muling bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at iniluwa iyon ni Dino.   "Mr. President, they are here already," sabi nito na ang tinutukoy ay ang kanyang production team.   "Okay," maikli niyang sagot sabay tayo mula sa inuupuan niyang swevil chair.   Agad siyang lumabas ng kanyang opisina habang nakasunod naman sa kanya ang kanyang secretary.   "Everyone is here," sabi niya nang nakapasok na siya sa loob ng meeting room kung saan nandu'n na naghihintay ang mga ito sa kanya.   Umupo siya sa pinakadulo ng mesa habang si Dino naman ay nakatayo sa bandang likuran niya para kapag may kailangan siya ay matatawag niya kaagad ito.   "I gathered you here right now because of this important matter," panimula niya habang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa mga ito. Iniisa-isa niya upang malaman niya kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito.   Kasama si Thomas ang director ng bawat movies na kanilang pinapalabas na malapit din niyang kaibigan ay ipinaliwanag nila ng maayos at buo ang binabalak nilang movie.   May gagawin silang isang survival movie kung saan may mga eksenang kailangang pumatay ng bida para lang mabuhay at pinagbibidahan iyon ng isang sikat na aktor sa industriya ng pag-acting.   Isang bigatin ang pinaplano nilang movie na kapag naging tampok sa takilya ay milyon-milyon ang kanilang maaaring kikitain mula rito.   "So, what is your notion about this project?" tanong Thomas sa mga ito matapos maipaliwanag nang maayos ang nasabing project na binabalak nilang gagawin.   "You're planning to make this kind of movie. Malaki at bigatin kaya siguradong malaki rin ang kakailangan nating panggastos to make it real. Do we have enough fund for this?" tanong ni Janno, ang Art Director ng kompanya.   Nagpalitan ng tingin ang magkaibigan. Saka muling binalingan ng tingin ni Rovi si Janno.   "We already had these big companies to be our sponsors," pahayag niya sabay kuha sa iilang dokumento na naka-folder pa at iniabot niya ito kay Dino na agad namang kinuha ng kanyang assistant at ibinigay iyon isa-isa sa lahat ng nandu'n.   Kanya-kanya namang binuklat ng mga ito ang document na ibigay sa kanila ni Dino saka binasa nang maigi ang nilalaman nu'n.   "We don't have a problem about the funds anymore. All we need is your approval dahil hindi naman namin magagawa ang movie na 'to without your help," sabi ni Thomas habang pinagmamasdan nila ang mga ito na abala sa pagbabasa sa nilalaman ng document.   "Well," sabi ni Romy, ang kanilang editor sabay lapag sa mesa ng hawak nitong document, "...as long as wala tayong problema about the funding, I'll go with it," pahayag nito na siyang nagpangiti kina Rovi at Thomas.   "Well, what about the others?" tanong naman ni Rovi habang nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa mga ito.   Kanya-kanyang nagsilapagan ang mga ito ng mga hawak nilang dokumento sa harapan nila.   "I'm looking forward for the good result," saad naman ni Celine, ang costume designer ng kompanya.   "It's not a problem for me," nakangiti namang saad ni Jesty, ang isa sa kanilang cinematographer at sumang-ayon naman ang ibang nandu'n.   May ngiti sa mga labing muling nagkatinginan ang magkaibigan. Masaya sila pareho sa naging desisyon ng kanilang team kaya gagawin nila ang kanilang makakaya para sa magandang resulta na pareho nilang inaasam.   "Hey," sabi ni Thomas nang pumasok ito sa kanyang opisina habang abala siya sa paghahalungkat ng mga papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa.   Napaangat siya ng mukha habang hawak ng kanang palad niya ang hinahalungkat niyang papeles.   "You're so busy, huh?"   "I need to review these," sabi naman niya saka siya napasandal sa kanyang swevil chair.   "Give yourself enough time to enjoy. Huwag 'yong puro trabaho dahil baka magiging binata ka habang buhay niyan," pagbibiro nito sa kanya na sinabayan na lang din niya ng tawa dahil alam naman niya kung gaano na kagusto ng mga itong makapag-asawa na siya dahil bukod sa nasa tamang edad na siya ay maayos naman ang kanyang kalagayan para makabuo ng sariling pamilya.   "Nae-enjoy ko naman ang sarili ko sa trabaho ko at isa pa, if I was destined to get married, darating at darating talaga tayo sa bagay na 'yon pero habang wala pa 'yon, let's focus first to our works dahil ito 'yong bumubuhay sa atin," mahaba niyang litanya at napakibit-balikat na lang din si Thomas dahil alam na nitong sasabihin din naman niya ang ganu'ng bagay lalo na kapag ang pagbuo na ng sariling pamilya ang pag-uusapan.   "Ikaw. Baka pagsisisihan mo rin 'yan," sabi naman nito. May asawa at may sariling pamilya na kasi ito sa edad na 31. Isang taon lang ang tanda nito sa kanya pero may apat na taon na itong anak.   Madalas siya nitong binibiro dahil matapos ang hiwalayan niya sa huli niyang naging nobya ay magwa-walong taon na rin siyang naging single at hanggang sa mga sandaling 'yon ay mukhang wala pa talaga sa kanyang isipan na muling pasukan ang ganu'ng bagay lalo na at lagi siyang busy sa kanyang kompanya.   "Ow! Before I forget, about the actor who will be our leading man for the movie. He's okay with it, kailangan lang natin ng konti pang pag-uusapan together with him para magiging maliwanag ang lahat."   "Well, I don't have any objections about that. Just tell me ahead of time kung kailan niya gustong makipag-usap nang maging maayos na ang lahat," saad niya habang nasa mga papeles na hawak niya muling nakatuon ang kanyang atensiyon.   "Okay. Copy that," maagap na sabi nito. Napatingin siya sa dalawang palad ng kanyang kaibigan nang bigla nitong inilapat pareho sa ibabaw ng kanyang mesa.   "Miss Samantha Lozano is a beautiful and sophisticated woman, baka gusto mong makipag-appointment sa kanya. I can handle it."   Mabilis niyang naihampas sa ulo ng kanyang kaibigan ang hawak niyang papeles dahil sa kakulitan nito pagdating sa kanya at agad naman itong umiwas dahil baka hahampasin pa niya ito ulit.   "Tigilan mo 'ko kung ayaw mong 'yan lang ang aabutin mo sa akin," may pagbabanta na sabi niya pero ngumisi lamang ng nakakaluka si Thomas. Kabisado na nito ang kanyang pag-uugali.   "But, honestly maganda siya. She will be a perfect woman for you," dagdag pa nito saka mabilis na lumabas mula sa kanyang opsina sa takot na baka mabato pa niya ito ng kung anong bagay na nasa ibabaw ng kanyang mesa.   Napangiti na lamang siya habang umiiling dahil sa kakulitan ni Thomas.   Isang sikat na artista si Samantha at hindi maipagkakaila na maganda nga talaga ito pero kahit na anong gawin niya ay wala talaga siyang kuryenteng nararamdaman everytime na nakakasama niya ang dalaga o nahahawakan pa dahil sa industriya na kanilang ginagalawan.   Malamang, hindi pa talaga niya oras para mag-asawa at kapag natagpuan na niya ang babaeng nakatakda sa kanya, ang babaeng bibihag sa kanyang puso ay hindi na niya ito palalagpasin pa. Hindi na niya ito pakakawalan pa.   Pero, habang hindi pa niya natatagpuan ang babaeng 'yon ay magfo-focus muna siya sa kanyang kompanya dahil ilang taon din niya itong pinagtiyagaang maitayo nang maayos sa tulong na rin ng kanyang amang si Romir, na kahit hindi niya totoong ama ay minahal naman siya nito nang buong-buo.   Muli niyang naaalala ang kanyang biological father, ilang taon na rin niya itong hindi nakikita. Mula nang umalis ito ng bansa ay madalas siya nitong kumustahin through social media pero nitong ilang taong nakaraan lang ay biglang hindi na ito nagpaparamdam. Okay lang naman sa kanya dahil hindi naman nagkulang ng pagmamahal sa kanya ang kanyang kinikilalang ama pero sana, balang-araw ay makikita niya uli ang tunay niyang ama nang makamusta niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD