Chapter 09

1652 Words
EnjoyReading:) Third Person's POV Umuwi si Twain galing sa bar para humingi ng sorry kay Aliyah. Babalik na si Hayila, not now but soon. Pero gusto niyang makabawi sa taong nag-alaga sa kanila ni Hayen. Madami ng nagawa si Aliyah sa kanila ni Hayen. Gusto naman niyang bigyan ng maganda memorya ang dalaga bago ito umalis. Aaminin niya. Nabawasan ang pangungulila niya kay Haliya dahil kay Aliyah. Kahit papaano ay hindi siya masyadong nahirapan sa pagpapalaki kay Hayen dahil nandyan naman si Aliyah. Kapag tinititigan niya ito noon, iniisip niyang si Hayila ito at hindi si Aliyah. Oo, hindi patas 'yun para kay Aliyah pero wala siyang magagawa. Masyado niyang mahal si Hayila at nahihirapan siya tuwing nakikita ang muka ni Aliyah. Masyado niyang mahal ang kakambal nito at labis labis siyang nasaktan dahil nga sa ginawang pag-iwan ni Hayila sa kanya. Tuwing sinasaktan niya ito huli na ng magsisisi siya dahil nasaktan na niya ito. Kaya ayaw niyang nagagalit siya dahil nagdidilim ang paningin niya. Hindi niya mapigilan ang pananakit niya. Lalo na't nakikita niya si Aliyah. Naaalala niya bawat sakit na binigay sa kanya ni Hayila kaya kay Aliyah niya nabubuhos lahat lahat ng sama ng loob niya. Pagpasok na pagpasok niya sa loob ng bahay nila ni Hayila ay katahimikan ang bumalot sa kanya. Pumasok siya sa kusina para tignan kung nandon si Aliyah. Tinignan niya 'yung iphone X na binili niya kay Aliyah. Mas maganda du'n sa nabasag niyang cellphone nito. Kanina pa nagpapabalik balik sa utak niya kung kanino ba galing ang cellphone nito. Bibilhan na nga siya ng Cellphone nung gunggong nayun, 'yung mas may mamahal pa. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya sa lalaking karelasyon ni Aliyah. Wala ka naman karapatan. May mumunting boses na nagsasalita sa utak niya. Wala man siyang karapatan o meron nasa puder padin niya si Aliyah. At ang nasa teretoryo niya! Ay sa kanya lang. Hanggang nasa kanya si Aliyah ay pag-aara niya ito. Nadatnan niya si Manang Norma na kumakain ng gabihan. Tumayo ito ng makita siya. "Aii, Sir ikaw pala. S-sorry po, katatapos po kasing naggabihan sila Ma'am, inaaya po nila ako pero nahihiya ako." Sabi nito at yumuko. "Ayos lang po, sige po taas na po ako. 'Wag po kayong mahiyang kumain ng gusto niyong kainin, Manang." Sabi niya at umalis na sa kusina. 'Yan ang bait mo sa ibang tao, pero sa babaeng ginawa ang lahat para hindi ka maging kulang, para hindi maging kulang ang tahanan mo. Binubugbog mo, sinasaktan mo. Pagkausap nanaman sa kanya ng mumunting boses sa utak niya. Hindi nalang siya nag-isip ng isasagot dito dahil may ipapatama nanaman sa kanya pag nagkataon. Nang buksan niya 'yung kwarto nila. Wala doon si Aliyah kaya pumunta siya sa katapat na pinto ng kwarto nila ni Aliyah kung saan ang kwarto ni Hayen. Binuksan niya ito pero para sumilip lang. At nakita niya si Aliyah. Nakangiti habang nagkwekwento sa anak niya. Napangiti siya ng makitang nakikinig ang anak niya. Naaawa siya kay Hayen. Nabuhay sa kasinungalingan, nabuhay sa tahanang sa tingin niya ay buo pero kulang. Nabuhay ng hindi manlang nakilala ang totoo niyang nanay. Nakikita man niya ang muka ni Aliyah. Sure, siyang iba ang ugaling meron kay Hayila. "Kamusta na po 'yung prinsesa nung umalis na siya sa palasyon ng hari?" Tanong ng anak niya kay Aliyah. "Hindi ba siya nalungkot kasi hindi siya mahal ng hari?" Tanong pa ng anak niya. "'Yung prinsesa, nagpakalayo layo siya dahil di ba ang Hari ay para lang sa Reyna. Kaya kahit anong pilit ng prinsesa ay hindi pwedeng, ang king ay umibig sa princess. Oo, nung una malungkot ang prinsesa dahil babalik na ang Reyna sa buhay ng Hari pero masaya din siya dahil magiging totoong masaya na 'yung hari. Hindi na niya kailangan magpanggap sa nararamdaman niya." Nakangiting sabi ni Aliyah. Nag-aassume lang ba siya o siya talaga ang tinutukoy ni Aliyah? Siya ang Hari, Reyna si Hayila. At Ito ang prinsesa. "So, maghihintay si princess ng prince niya. Kasi di ba si King ay para kay Queen, edi si Princess ay para kay Prince. So magkakaroon din siya ng 'happily ever after'?" Tanong ng anak niya kay Aliyah. Hindi niya alam pero bakit gusto niyang siya ang Hari tapos siya pa ang Prinsipe. Hindi niya alam, hindi na niya kilala ang sarili niya. "Siguro, ganon na nga baby. Maghihintay siya ng prinsipeng sasagip at magpapasaya sa malungkot niyang mundo." Nakangiting sabi ni Aliyah at humalik sa noo ni Hayen. "Sleep ka na baby. Para maaga tayong magbonding bukas. Hmm" Nakangiting sabi ni Aliyah. "Mommy, pwede po magtanong bago ako magsleep?" Tanong ng anak niya. Kaya nanatili padin siya. Makikinig kung ano ang tanong ng anak niya at kung anong isasagot ni Aliyah. "Ayos lang po ba kayo ni daddy?" Nagulat siya sa tanong ng anak niya. Pati si Aliyah natigilan sa tanong ni Hayen. Pilit na ngumiti sa Aliyah. "O-oo naman anak. Bakit mo natanong 'yan?" Kinakabahan na tanong ni Aliyah kay Hayen. "Kasi po hindi kayo katulad ng mommy at daddy ni Moises. Nagkikiss sila sa lips tapos marami silang family picture sa house nila tapos lagi silang nagbobonding together. Bakit kayo ni daddy hindi close?" Tanong ni Hayen. Napapansin pala 'yun ng anak. Nakita kong nag isip si Aliyah ng isasagot kay Hayen. "A-anak, kasi daddy kasi busy siya. Tsaka bad 'yun, hindi pwedeng ipakita sayo na nagkikiss kami kasi bata ka pa. Tsaka soon pag hindi na busy si daddy magbobonding na kami together." Sabi ni Aliyah at ngumiti. Siya lang ang dapat sisihin sa lahat lahat. Si Aliyah kasi ginagawa ang lahat para hindi makahalata si Hayen pero siya. Pumasok na siya sa loob at lumapit kat Hayen at humalik sa noo nito. Napatingin siya kay Aliyah na umiwas ng tingin lumapit siya dito at humalik sa noo ng dalaga. Nagulat pa ito. "Daddy ba't po ang aga niyong umuwi? Hindi na po kayo masyadong busy?" Tanong ni Hayen at umupo sa kama niya. Sasagot na sana siya ng naunahan siya ni Aliyah. "Nak, baka pagod si Daddy. Sleep na para bonding tayo bukas, hmm. Sige na anak magpapahinga nadin si daddy." Sabi ni Aliyah at pinahiga na si Hayen. Pumikit naman na siya Hayen. Tumayo na si Aliyah at lumabas na ng kwarto. Napatingin siya kay Hayen nakatingin na nakatingin naman sa kanya. "Daddy, mahal mo ba si mommy?" Tanong sa akin ni Hayen. "O-oo naman baby. Sleep na, baka mahuli ka ni mommy na gising pa." Sabi niya dito at humalik sa noo nito at kinumutan at hinintay itong makatulog bago lumabas para pumunta sa kwarto nila ni Aliyah. Nang pumasok siya sa loob nakahiga na si Aliyah sa kama nila. Nakasiksik nanaman ito sa pinakagilid. "Aliyah, come here, may ibibigay ako sayo." Pinilit niyang maging seryoso ang boses niya. 'Yung tipong hindi mapapansin na nag aalala at nahihiya siya dito. "B-bukas mo nalang ibigay. Inaantok na ako." Malamig na sabi nito na nagpakunot ng noo niya. Si Aliyah ba talaga itong kasama niya?! Bakit ganito ito?! "I said come here." Medyo may inis na sabi niya. Tumayo naman ang dalaga at lumapit sa kanya. Nakayuko lang ito at tahimik na pumunta sa harap niya. Matamlay ito at hindi makatingin sa kanya ng maayos. Inabot niya dito 'yung box ng cellphone pero walang reaksyon at pasasalamat na sinabi si Aliyah sa kanya. Hindi man lang ito hinawakan at kinuha 'yung box ng cellphone. Ibang iba sa naging reaksyon nito ng bigyan niya ito ng necklace. "Hindi mo ba kukunin? Hindi mo nagustuhan?" Naiinis na tanong niya dito. Mas gusto ba nito ang bigay ng gunggong na 'yun kaysa sa bigay niya?! Kahit ilang cellphone pa, kaya niyang ibigay kay Aliyah! Tapos ganito lang makukuha niya! Hindi manlang tinanggap ni Aliyah. "M-maganda siya, ahm, pwede ba akong umutang sayo?" Tanong ni Aliyah na nagpagulat sa kanya. Uutang?! "Why?" Inis na tanong niya dito. "Ibalik mo nalang 'yan sa binilhan mo o kaya ibigay mo kay Manang Norma. Uutang sana ako para ipagawa 'yung cellphone kong sinira mo." Nakayukong sabi nito. Hindi niya alam pero binalot nanaman siya ng inis at galit sa dalaga! Bakit ipapaayos pa nito ang luma at sira na kung may bago naman na?! Ipapagawa niya 'yung cellphone na bigay ng gunggong nayun! Tapos gusto niyang ipamigay 'yung binili niyang cellphone?! Hinablot niya ito sa braso dahil nilamon nanaman siya ng galit. "Grabe, ang tigas tigas mo ngayon ah! Ikaw na nga binibigyan, ikaw pa ang ayaw! Bakit ah?! Oo nga pala wala kang alam. Nag-aral ka ba?" Tumawa naman siya at umiling iling. "Oo nga pala itinago ka. Alam mo ba na mas mahal itong cellphone na binili ko sayo? Mas mahal kaysa sa bigay ng gunggong nayun." Sabi niya dito dahil sa galit! Umangat ang tingin sa kanya ni Aliyah. Punong puno ng luha ang mga mata nito. Punong puno ng sakit. "Wala akong pakialam kung mas mahal 'yang cellphone na binili mo kaysa sa sinira mo. Oo, nag-aral naman ako kahit papaano. Hindi mo kailangan ipamuka sa akin na hindi ako pinagmalaki ng mga magulang ko. Hindi mo kailangan paulit ulit mong ipamuka sa akin na kinahihiya ako ng magulang ko." Nagpunas ito ng mga luha sa mga mata. Natigilan siya dahil sa pag sagot nito. "'Yung tinutukoy mong gunggong! Tatay ko 'yung nagbigay sakin ng cellphone na sinira mo." Umiiyak ito. Natigilan siya dahil sa sinabi ni Aliyah. "'Yun 'yung kauna unahang binigyan niya ako ng materyal na bagay. 'Yung una, Twain hindi 'yun mapapalitan ng mamahalin mong cellphone." Sabi nito at nilampasan siya para lumabas. Napaupo nalang siya sa kama. Napasabunot sa buhok dahil hindi nanaman niya napigilan ang sarili niyang saktan ito. Ininsulto pa niya ng paulit ulit. Natatakot siya. Dahil Ito ang kaunaunahang nasumbatan siya ni Aliyah. - - - - - Please READ, VOTE & COMMENT
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD