EnjoyReading:) Aliyah's POV Nagising ako kinaumagahan na wala na si Twain sa tabi ko. Napangiti nalang ako ng may makitang rosas sa bedside table. Ano ito? Para sa akin ba? Bakit ang sweet niya? Kinuha ko 'yun at inamoy. May nakita akong card sa gilid ng rosas kaya binasa ko 'yung nilalaman nu'n. Good morning, My Sunshine! Breakfast is ready, kung malamig na painit mo nalang, niluto ko 'yun for you mamaya may pag-uusapan tayo. Hindi na kasi kita nahintay kasi masyadong maraming problema sa opisina. Ayaw naman kitang gisingin kasi ang himbing ng tulog mo. Have a good day My Sunshine, see you later. Muah!♡♡ Your Man Twain♡ Biglang tumibok ng napakabilis ang puso ko ng mabasa ko ang sulat ni Twain sa akin. 'My Sunshine' Kahit sinong babae kikiligin sa tawag nayun. Tila b

