EnjoyReading:) Aliyah's POV Nandito kami nila mommy sa maliit na foodcourt dito sa maliit na mall sa dinadiauan. Kinakabahan ako pero kasi kailangan ko silang sabihan na 'wag na nila akong guguluhin. Tahimik na talaga ang buhay ko dito. Gusto daw nila akong makausap kaya nagsara muna ako at pinabantayan si Tyronia kay Manang Badeng. "Kamusta ka dito?" Tanong ni mommy. Namumugto ang mga mata nito dahil sa iyak. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak at naiyak kaninang nakita ako. Wala naman kaming alaala na maganda kasi nga tinatago nila ako. Hindi ko alam kung bakit ang mga titig nila sa akin ay puno ng pagsisisi at pagmamahal. Natawa nalang ako. Pagmamahal? Kailan man hindi ko naramdam 'yan mula sa kanila. Guguluhin nanaman ba nila ang tahimik kong buhay? "Ayos na ayos po ako dito

