Chapter 28

1089 Words

Bago pa man matapos ang traffic ay may biglang kumatok sa bintana ng aking sasakyan. Ang mahinang tunog ng mga kuko sa salamin ay nagpabalik sa akin sa reyalidad. “Ate!” “Ate, pahinging barya.” May mahinang boses na tumatagos mula sa labas ng bintana. Pagtingin ko roon ay isang batang hamog na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang na. Madumi ang kaniyang mukha, may mga mantsa ng uling at alikabok sa kaniyang mga pisngi, at ganoon din ang kaniyang mga kamay na nakalahad na para humingi ng barya sa akin. Gulo rin ang kaniyang buhok, mahaba at tila matagal nang hindi naliligo o nasusuyod. “Ate, barya,” aniya na halos bulong na sa hina dahil hindi ko pa ibinababa ang bintana para sa kaniya. Ang kaniyang mga mata, bagamat bata pa, ay may bakas na ng hirap ng buhay sa lansangan. Tumin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD