CHAPTER 17

1752 Words
—ANNA POV— Maaga akong pumasok sa opisina dahil ayaw kung malate ako sa unang araw ng magiging boss ko. seryoso akong nag lakad papasok sa entrance ng building. "Good morning! Ms. Anna" naka ngiting bati ni tatay Ismael ang guard ng building. "Good morning too tatay Ismael!" bati ko sa kanya, ito kasi ang gusto nito na itawag ko sa kanya dahil karamihan daw ng empleyado ay yun ang tawag dito. May edad na din ito matagal na raw syang guard ng building. dahil sa bait ni don Alejandro ay hindi daw nito kayang umalis, kaya hanggang sa nag ka asawa at nag ka edad ay dito parin sya. Sumakay na ako ng elevator at ng makapasok sa loob ay tumingin pa ako sa labas baka merong empleyado na sasabay, ilang minuto bago pinindot pasara ito. Nakarating ako sa last floor ng building. nilibot ko ang aking paningin ilan palang ang mga empleyado na naroon tuloy tuloy ako sa bakanteng table na para sakin, katabi ito ng table ni lian. agad kung ipinatong ang dala kung sling bag muli kong inikot ang paningin ko at simple kong kinunan ng picture ang area pati ang loob ng magiging opisina ni William, alam kong meron cctv ang bawat palapag ng building na ito maliban lang dito sa pinaka huling palapag. Maya maya pa ay natanaw ko si Lian na nag lalakad palapit sa kinaroroonan ko. "Morning Anna!" masiglang bati nito. "Morning!" dumiretso ito sa table nya. "Gusto mong coffe!" tanong nito. "Tara sa cafeteria sa baba!". Mag kasabay kaming bumaba patungong cafeteria. Nang makarating at nakuha ang inorder na coffe ay umupo kami sa table na malapit sa bintana kaya tanaw na tanaw ang ibang nag lalakihang building na kaharap ng building namin. Nag kwentuhan at mag tawanan kami ni Lian na parang matagal ko na syang kaibigan dahil sa ilang araw palang kaming mag kakilala ay naging close ito sa akin. mapili din ako pag dating sa kaibigan ayaw ko sa tao yung plastic alam kung mabuti at simpleng tao si Lian at walang ka arte arte sa katawan kaya hindi ako nahirapan na makasundo ito. - "Good morning Mr. De Guzman!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagbati nito. Dumating na pala ang magiging boss ko nakita kung tuloy tuloy ang lakad nito palapit sa mesa ni Lian kasunod nito si Emmit dala dala ang gamit ni sir William. "Good morning Sir William!" bati dito ni lian halatang kilig na kilig. tungo lang ang sinagot nito, at huminto sa tapat ng table ko matalim akong tiningnan, babatiin ko sana ito pero inunahan ako. "And you!?" turo sakin "come to my office?" agad na tumalikod at nag lakad patungo sa opisina nito, nagtataka akong napatingin kay Emmit pero napailing lang ito at sumunod sa amo nito. "Mukhang hindi maganda ang mood ni sir William" agad naman bumaling ang tingin ko dito. "Baka may dalaw kaya mainit ang ulo, kadarating lang siguro" biro ko pero hindi agad ako sumunod sa kanya. "Siguro nga! pero ang gwapo parin nya kahit galit sya!"habang naka tingin sa pinto na pinasukan ng boss namin, napailing nalang ako. Uupo na sana ako ng biglang tumunog ang intercom nasa gilid ng table ko. mag sasalita palang ako pero galit na boses nito ang narinig ko. Naiiling akong tumayo at naglakad patungong opisina nito, kumatok ako bago bunuksan ang pinto. "Bakit ang tagal mong sumunod?" kunot ang noo nitong tanong. "Sorry sir, inayos ko pa kasi yung schedule mo." buti nalang maibigay sa akin ni lian ng maaga ang schedule nito ngayong araw. "Ipagtimpla mo nga ako kape!?" utos nito hindi man lang nag bago ang expression ng mukha. "Black coffee ba sir!" sa halip na mainis ay ngumiti pa ako, parang mas gusto kung asarin ito at dahil sanay na ako sa mga ganitong ugali ng tao kaya binaliwala ko nalang ng Tumungo ito saka ako tumalikod para lumabas. "Samahan na kita Anna, mag titimpla din ako" ani Emmit agad itong lumapit sa akin. "Make it two cups of coffee." sabay kaming napatingin ni Emmit. " Hayaan mo ng si Anna ang gumawa Emmit, Asikasuhin mo ang pinapagawa ko sayo." matalim nitong tiningnan ang katabi ko. nag ka tinginan kaming dalawa ni Emmit sabay bulong sakin. "Good luck". Matapos akong mag timpla nilagay ko sa tray ang dalawang tasa ng kape para dalhin sa loob at inilapag sa table, nakita kong busy itong naka tingin sa papeles na nasa harapan. " Here is your coffee sir!" sambit ko. pero wala man lang sagot mula sa kanya, suplado talaga. " What is my schedule today?" agad na tanong nito. "You have a lunch meeting with Mr. Arva!" mabilis kung sagot. " 3 pm kay Mr. Alfred Agaton isa sa investor ng branch nyo sa norte and 6pm dinner with Ms. Nicole daughter of Mr—" Natigil ako sa pag sasalita ng makita kung nakatingin ito ng matalim sa akin na nakataas ang dalawang kamay. "Enough. you can go," iritado ang boses. Wala akong nagawa kundi lumabas ng bigla ako nitong tawagin lumingon ako. "Miss Miller." "Yes sir!" "Sa susunod na aabsent ka make sure na mag paalam ka ng maayos, hindi porket si dad ang nag hire sayo bilang P.A ko ay magagawa mo na lahat ng gusto mo, tandaan mo ako na ang magiging boss mo simula ngayon." napatigil ako sa sinabi nito gusto kung mag explain pero naisip ko wala naman may mangyayari kaya napa tungo nalang ako. "Okay po sir. kung wala na po kayo sasabihin pwede na po ba ako lumabas." tumungo lang ito. ",sungit." bulong ko habang nag lalakad pa tungo sa pinto. "Anong nangyari bakit sama ng timpla ng mukha mo?" tanong ni lian ng makita akong lumabas ng opisina ni William. "Ganyan ba ugali ng mga people in the world. laki nang problema ng boss mo sakin parang big deal na ang isang araw na pag absent ko nag paalam naman ako kay Don Alejandro para umabasent." naka simangot kong saad dito habang pabalik sa table. Hintayin ko nalang mamaya na lumabas sya para sa meeting nito. makalipas ang kalahating oras narinig kung bumukas ang pinto. "Anna let's go. bring the company documents" pag kasabi nito agad akong tumayo at sumunod dito habang dala ang mga papeles na kailangan buti nalang naihanda ko kaagad ang mga ito. Habang nasa meeting si sir William, ay tahimik lang akong naka upo sa tabi nito kausap si Mr. arva, medyo may edad na ito, pa simple kung iginala ang aking paningin pinakiramdaman ko muna kung meron na kahinahinala dito sa loob. Nang matapos ang ilang Meeting sa mga investor ay last nitong nakipag kita kay Ms. nicole. "William! oh my god buti dumating ka!" tili nito habang papasok kami sa isang mamahalin na resturant. pero umiba bigla ang mukha nito ng makita ako. ng makalapit na kami ay agad akong dinuro. "You. anong ginagawa mo dito at bakit kasama mo si William?" mataray nitong tanong. "That's enough Nicole. hindi ako pumunta dito para awayin mo ang Assistant ko, I'm here para pag usapan ang proposal ng daddy mo." saad ni sir William. agad naman nag iba ang timpla ng mukha nito. "I'm sorry Darling! diko lang malimutan ang ginawa ng babaeng to sakin sa mall." umirap pa ito sakin. "Let's talk about the proposal and please stop call me darling hindi kita girlfriend." saad ni sir William nakita kong napahiya ito sa sinabi nito, at pinag hila pa ako ng upuan,lihim akong tumingin kay nicole at ngumiti dito umirap ito sakin. Napa unat ako ng aking likod ng makaramdam ng pangangalay at saglit na tiningnan ang relong pambisig five minutes before 6 o'clock, ilang oras din ako nakatutok sa computer dahil sa ibinigay na mga folder ng opisina ni sir William at kailangan kung tapusin ito,. mabuti naman kahit papano walang inutos ng madami, siguro nakita nya na busy ako sa mga papeles. kanina kasi laging si lian ang kausap nito tuwing lumalabas ng opisina. "Anna, mauna na akong uuwi sayo, bibili pa kasi ako ng gamot para sa kapated ko" na patingin ako sa direksyon ni Lian ng mag salita ito naka ligpit na pala sya ng gamit nya sa table at nakapatay na rin ang computer. "Okay! ingat ka pauwi" sabi sa kanya ng dumaan ito sa tabi ko at nag paalam. Napa buntong hininga nalang ako at ibinalik ang tingin sa computer kailangan kung mag overtime dahil wala yatang balak ang boss ko na pauwiin ako ng maaga. Narinig kung pag bukas ng pinto mula sa opisina ng boss ko pero di ako nag abalang tingnan tuloy tuloy lang ang pag tipa ko sa keyboard ng computer. "Anna!" napatingin ako sa direksyon ng boss ko habang palalapit sa akin. "Sir may ipag uutos po ba kayo?" muntik pa ako matumba sa kinauupuan ko dahil sa subrang lapit ng mukha nya pag angat ko mula sa pag kakayuko buti nalang at naka hawak ako sa table. "Sumabay kana sakin sa pag uwi, ihahatid na kita" saad nito. Pigil ang pag hinga ko dahil sa subrang lapit ng mukha nya sa akin kunting galaw nalang ay didikit na ang labi ko sa kanya kaya di ako makapagsalita, lumayo ako ng kaunti dito bago ako sumagot. "A-ah, no need Mr. de guzman kaya ko na pong umuwi mag isa." "Okay, ikaw ang bahala" tila dismayadong sagot nito bago umalis sa tabi ng upuan ko at nag lakad pabalik sa opisina nito. Huminto ito sa pag lalakad pabalik at lumingon sa akin."Ah! anna." "yes! sir" tumingin ako sa kanya. "Pwede ka nang umuwi" saka tuloy tuloy itong pumasok sa loob. Napailing nalang ako at nag handa ng gamit ko pauwi, dahil may gagawin ako ngayon gabi kailangan kung makauwi. matapos mailigpit ng mga paper works ko at patayin ang computer ay tumayo na ako at mag papaalam sa boss ko ng biglang dumating si Emmit. "Anna, hindi kaba sasabay sa amin?" saad nito at walang sabing umupo sa upuan na nasa harap ng table ko. "hindi. may dadaanan pa ako at saka makaka abala pa ako sa inyo ng boss mo." hindi ko sya gaanong binigyan ng pansin tuloy tuloy ang pag liligpit ko ng gamit sa table. Nang matapos kinuha ko ang bag at isinabit ko sa balikat. " Pano , mauna na ako uuwi pakisabi nalang sa boss mong sumpungin na parang bata". bitbit ang bag ay nauna na akong lumakad patungo sa elevator, narinig ko pa ang tawa ni Emmit.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD