CHAPTER 12

1335 Words
—ANNA POV– "Hanggang dito lang ako Ineng, di na kita masasamahan sa loob" saad nito ng makarating kami sa may pintuan papasok ng basement. "Ayos lang po manang, Sasaglit lang ako sa loob, baka dumating na rin mamaya ang assistant ni don Alejandro," pahayag ko. tumungo ito at nag lakad pabalik sa kusina.isang tagong pinto ang naroon, kung titingnan mo mula sa labas ay parang isang malaking cabinet. Itinuro sa akin ni manang Lourdes kung saan ang secret button nito. Nang bumukas ito nag lakad ako papasok, dahil medyo may kadiliman nangangapa akong nag lakad sa hagdan pababa. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nakita ko ang isang switch, switch siguro ito ng ilaw sa basement, ini on ko muna ito. ilang sandali ay tumambad sa akin ang maliwanag na paligid na puno ng modernong kagamitan diko mapigilang mapa wow sa hitsura nito. Tuloy tuloy ang hakbang ko pababa nang makapapit ay tumingin ako sa bandang kaliwa kitang kita doon ang buong kabahayan dahil sa laki ng monitor na nakakabit sa dingding. buong bahay ay may naka install na cctv. hindi ko napansin ito kagabi sadyang magaling ang pagka lagay ng camera sa bawat sulok. Napatanga ako ng dumako ang paningin ko sa iba't ibang uri ng matatas na armas. hilig talaga ni kuya Maxx na mag karoon ng ganitong collection ng mga baril. Biglang bumukas isang monitor na nasa aking harapan at tumambad ang mukha ng isang lalaki. "Hi! Sweetheart," naka ngising bungad nito mula dito. "What a smart old fox," bati ko sa kanya. kita ko ang pag ngiti nito mula sa screen. "Kamusta, nakatulog kaba ng mahimbing sa bahay ko!" asar nito. "Yeah! but i was surprise sa nakita ko, look! may ganito ka palang tinago dito sa pilipinas huh!" pasaring ko. narinig kong tumawa ito mula sa speaker nasa tabi ng monitor. "Wala kabang tiwala sa kuya Maxx mo!" puri nito sa sarili. "Kidding aside sweetheart, lahat ng gamit na nariyan ay pwede mong gamitin sa pag imbestiga para sa mahanap ang taong may kagagawan sa pag kawala ng parents mo." seryoso ito sa sinabi. Napaupo ako sa isang upuan na katabi ng dalawang computer. "At kung gusto mo mag exercise ay may maliit akong gym dyan para makapag insayo ka." tinuro pa nito ang bandang kaliwa mula sa screen. sinundan ko ng tingin ito, meron nga kaya wala akong masabi dito "And get the mobile phone inside the drawer of the table na kaharap mo. Regalo ko sayo." dagdag pa nya. Binuksan ko ang sinasabi nito na drawer kinuha ko doon ang isang box. Nag usap kaming dalawa ni kuya Maxx, kina musta ko na rin si August at sila tita, Nag paalam narin ako sa kanya bago pa mag alas sais medya, kailangan ko pang mag handa baka dumating si Emmit. umakyat na ako sa kwarto para maligo. ****** Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking buhok ng marinig ko ang katok sa pinto, "Ineng nariyan na ang iyong sundo!" boses ni manang Lourdes. "Baba na po!" sigaw kung sagot dito. narinig ko ang yabag na papalayo sa pinto. Isinilid ko ang lahat ng gamit ko sa isang bag ko na maliit. pababa ako ng hagdan ng makita ko ang lalaking kampanteng nakaupo sa sofa at bihis na bihis parang may party itong pupuntahan sa hitsura nito. "Pati ayos ng buhok one sided rin, aakyat yata ito ng ligaw" anang utak ko. Napalingon ito ng makita akong palapit dito. "Good morning!" Seryoso kung bati, agad naman itong tumayo sa kina uupuan nito. "Good morning A-anna!" naka ngiti ito. "Let's go!" yaya ko, Alam kong may pupuntan pa ito ayaw kung maka abala. "Manang aalis na po kami!" sigaw kung paalam nilakas ko ng kaunti para marinig. "Mag iingat ka Ineng!," bilin nito. Sabay na kaming lumabas dalawa ni Emmit pa labas ng bahay. ******** Pasado alas otso ay nakarating kami sa De Guzman building, pagka baba ko ng sasakyan ay umalis rin agad ito. Kailangan daw nitong makarating sa mansion ng De Guzman nag hihintay na ang anak ng Don. Sinabi naman nito nakahanda na ang magiging table nya sa loob at itanong nalang sa sekretarya ng Don. Humakbang ako papasok ng building nadaanan ko ang guard sa pwesto nito, ngumiti ito at binati ako na tungo lang ang isinagot ko rito. Tuloy tuloy ang lakad ko pa puntang elevator meron akong kasabay na tatlong empleyada. dahil matangkad ako sa tatlo napatingala ang mga ito ng tumingin sa gawi ko agad din nag bawi ng tingin isa, Napa irap naman sa akin ang babaeng may kulay ang buhok. naka mini skirt ang mga ito dahil sa uniform ng company. Walang ekpresyon ang mukha ko ng taasan ko ito ng isang kilay. agad agad nitong ibinaling ang tingin sa katabi. "Problema mo te!" saad ng isip ko. tahimik lang akong nakatingin sa tatlo. "Balita ko sa next month ay ang anak na panganay na raw ni Don Alejandro ang papalit bilang CEO ng company!" excited na sabi ng isa. "Oo nga!! ang gwapo daw ni sir William!" dagdag pa ng isa. tila kilig na kilig. "Pero may girlfriend na raw, isang modelo at mag papakasal na raw yata sila pag bumalik ang girlfriend nito galing ibang bansa." pinalungkot pa nito ang boses. "Disappointed te!!" bulong naman ng isip ko habang nakikinig sa mga ito. "Natural na pakasalan nya ito dahil girlfriend nya nga diba! alangan naman sa inyo sya pakasal di naman nya kayo ka anu anu!, baklang to!!"" bigla ako natawa ng mahina sa na isip ko. Agad na lumingon ang tatlo sa akin. "Anung tinatawa mo dyan? kami ba ang pinag tatawanan mo?" mataray na sabi ng isang singkit na babae. "I don't care what you talk about.. Hindi ba pwedeng may naiisip lang na masaya kaya natawa ako." baliwala ko. "Aba!! sasagot ka pa, bago kaba dito kaya di mo kami kilala!" mayabang na sagot nito. "Sino ka ba?" malamig kung tanong. "May ari kaba ng building, .para naman maka pag bigay galang ako sayo!! po!!" pang aasar ko. "Aba't pilo—" na tigil ang sasabihin nito ng bumukas ang elevator. Hinila naman ito ng kasama ng makita ang nakatayo na lalaki sa labas na naka tingin sa amin binati ng mga ito ang lalaki saka nag mamadaling lumabas. Pumasok naman ang lalaki lumapit ito sa kinatatayuan ko nakita kong pinindot nya ang fourty seven floor. "Bago kaba dito?" tanong nito. "Pag pasensyahan mo na ang tatlong iyon ganun talaga ang mga iyon maraming kaaway yan sa loob ng department, ikaw nalang ang umiwas" Napataas ang kilay ko sa sinabi nito, anung ibig sabihin nito na hinahayaan nalang nila ang ginagawa ng mga ito bakit di nila isumbong sa taas para mapatalsik. "By the way I'm Aron from accounting department." nilahad nito ang kamay. "Anna" tipid kong sagot inabot ko ang kamay nito nakipag shake hand at tipid nginitian ito. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ito. Nakarating ako sa Fifty floor diritso na ako sa pwesto ng sekretarya ni Don Alejandro. "Good morning Ms. Anna!" masiglang bati nito. "Ayon pala ang magiging table mo pinaayos yan kahapon ni sir para daw yan ang magiging pwesto mo" "Thank you! Li-anne right?!" paniguro kung tanong sa pangalan nito. tumungo tungo ito. Pumunta na ako sa table na sinabi nya kanina. ipinatong ko ang dalang bag sa ibabaw ng maliit mesa bago ako umupo. Nakaka miss ang trabaho ko sa Washington lagi kami sa operation at hawak lang ay baril. Napabuntong hininga ako masasanay din siguro ang katawan ko dito. "Ano ba ang hitsura ng anak ng Don at tila kilig na kilig ang mga empleyada na babae mabanggit lang ang pangalan nito., mas gwupo pa ba ito kaysa sa boyfriend kung si Mike!" Bulong ng isip ko. Naalala ko bigla si Mike hindi pa pala ako nakatawag sa kanya pati na rin kila tita. Kinuha ko sa bag ang selpon na ibinigay sa akin ni Kuya Maxx kanina gusto kung tawagan muna si tita para kamustahin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD