“LUMILINAW na, Hector,” report sa kanya ni Ronel nang tawagan siya nito. “May nakuha akong impormasyon sa blotter records ng Quezon City. Year 1971 iyong record doon na may mag-asawang nag-report ng pagkawala ng anak nila. Labing-isang taon daw iyong batang lalaki. Huli daw nilang alam na naglalaro lang iyon sa labas ng bahay nila. Noong tatawagin daw nila para maghapunan, mga nagkalat na holen na lang ang nakita nila.” Tila tinambol ang dibdib ni Hector sa narinig. “A-anong pangalan ng anak nilang nawawala?” “Hector Dizon. Palagay ko, Hector, ikaw na ito. Hindi naman masyadong palasak ang pangalan mo. Saka pareho ang kuwento, eh. Naglalaro ng holen. Felicito at Felicidad Dizon ang pangalan ng mga magulang. Number 7, Narig Street, Quezon City. Iyon ang nakasulat dito na address.” “Nasa

