Hindi sila pumunta sa opisina ni Marcio Mercader, at sa halip doon sila sa interrogation room pinapunta. Napatingin naman si Cindy sa two-way mirror na nasa loob ng interrogation room. May nakatingin kaya sa kanila sa labas? What the hell going on? As far as she was concerned, there was no way that Taylor was a suspect, kaya dapat lang na itigil na ni sir Marcio ang kalokohang ito. "Taylor, you understand that I have to explore every avenue in this case." Walang emosyong saad ni sir Marcio rito. "Isa ka sa magaling na agent dito, and I have nothing but respect for the work that you've done." Hindi naman makatiis si Cindy na hindi sumabad sa usapan ng mga ito. "So bakit ba tayo nandito ngayon sa interrogation room?" Napabaling si Marcio Mercader sa kanya. "Dahil kailangan nating sund

