"Kailangan ko ng damit." Cindy curled her toes into the thick carpet in Taylor's living room. "Tingnan mo naman oh, ang laki-laki kaya nitong T-shirt mo sakin." Her hands lifted the hem of his navy T-shirt. "Hindi pwedeng lalabas ako ng ganito ano." Pero ang seksi nitong tingnan na suot nito ang T-shirt niya. Napatikhim si Taylor. "Uhm...it looks good on you." Hanggang sa tumunog ang doorbell. Nagmamadaling lumapit si Taylor sa pinto saka sinilip muna niya ang peephole. Napamura siya. Then he looked over his shoulder. "Bakit hindi ka nalang muna...ahm maghintay muna do'n sa bedroom? Ako na ang bahalang magdadala ng damit sayo." Ang totoo, ayaw lang talaga niyang may makakakita ni Cindy na ganon ka tempting ang suot nito. Walang nagawang napapailing na lamang si Cindy habang tumalima it

