"Edrian, okay lang ba sayo kung kakausapin ko muna si Slater na kami lang?" Paalam ni Cindy kay Edrian. Kasalukuyang nakatayo kasi si Edrian sa pintuan ng pangalawang villa habang binabantayan nito si Slater. "Sigurado ka na 'yan talaga ang gusto mong gawin? Parang wala kasi siya sa tamang katinuan ngayon, Cindy." "Kailangan ko siyang makausap." Para malaman niya kung ano talaga ang nangyari dito. Bahagya namang napatango sa kanya si Edrian. "Okay, pero kung kailangan mo ako, nandiyan lang ako sa labas." Napataas siya ng isang kilay dito. Goodness! Isa rin kaya siyang agent, kaya na niya ang sarili niya. Ngunit napangisi lang sa kanya ang mokong na si Edrian. "Babae ka pa rin kasi...alam mo na, marupok." Aba! Siya marupok? "Cindy?" Narinig niyang tawag sa kanya ni Slater. Good. M

