Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Cindy habang tumatakbo siya papunta sa abandonadong templo. At ngayon nasa harapan na nga siya nito. Napansin naman niya ang liwanag na nanggagaling sa loob niyon. Cindy lifted her gun and went in low. Hindi man niya alam kung anong naghihintay sa kanya sa loob, pero kailangan pa rin niyang masuri kung anong nasa loob ng templo. At ganon na lamang ang kanyang pagkagulat nang mamataan niya ang isang lalaking nakatali sa silya pagkapasok pa lang niya sa loob. He looked like the same man she'd seen in the jungle, because he was wearing that same brown sack over his head. May lampara sa gilid ng lalaki kaya malinaw niyang napagmasdan ang butas-butas na pantalon nito. Dahan-dahan naman niyang linapitan ito. Kahit wala pa siyang nakikitang ibang tao

